Chapter 7

560 35 11
                                    

Inayos ko ang ilang hibla ng buhok. Pinag masdan ko ang itsura sa harapan ng salamin. Kinuha ko ang eye glasses na binili ko noong nakaraan araw sa shoppee. Sales kasi.


"Alis na ako, 'te," Paalam ko.


"Bago mag alas-sais dapat nandito ka na. Maagang uuwi sila Daddy."


"Noted."


Pag dating ko sa may Monumento, Nakita ko agad si Chef Montini sa labas ng Vmall.


"Chef," Tawag ko.


"Tara," Aniya.


Sasamahan ko sya'ng mag pagupit.


"Saniel," Tawag nya.  "Pwede ka ba'ng sumama sa vlog ko?"


"May vlog ka?" Gulat na tanong ko.


"Oo. Puro pagkain ang naka-featured doon. Lilibutin natin ang buong monumento habang nag vlog."


"Camera shy kasi ako..." Umubo ako. "Pero ano'ng intro mo?"


"Wala. Kailangan ba?"


"Aba'y oo naman!" Pabiro ko sya'ng hinampas sa braso. " 'Yung iba'ng vloger may intro."


"Title, music at video ang inilalagay ko. Diretso na agad."


"Gagawan kita ng intro." Lumiko kami pakanan. "What's up mga sweetie pie!"


"Ha?" Tinawanan nya ako.


"Ito na lang... Hey, It's me, Mga katinga!"


"Puro ka kalokohan, Saniel."


Pumasok kami sa barber shop. Mag papatabas lang daw sya ng kaunting buhok.


"Hi, I'm back, The man who loves to eat! Let's go!" Biglang sambit ni Chef sa harapan ng camera.


"Akala ko ba wala ka'ng intro?"


"Binibiro lang kita. Hi mga ka-foodie! Nandito kami ngayon sa barber shop dahil mag papagupit ako. At may ka-collab tayo ngayon. She's a friend of mine, Saniel."


Kumaway ako nang itapat nya ang camera sa akin. "Hi!"


Nag scroll-scroll muna ako sa social media habang hinihintay sya'ng matapos na gupitan. Tinignan ko sya simula ulo hanggang paa. Mas bagay sa kanya ang gupit ngayon.


"Bagay ba?"


Wala sa sarili'ng tumango ako. "B-bagay naman."


Na sa unahan ko sya, nag vivideo. Habang ako na sa likod nya patingin-tingin sa camera.


"Dalawang order Mango Oreo shake at bavarian dounut."


"Nakita kita noong nakaraan, kumakain din ng bavarian dounot at Mango oreo, Paborito mo?" Tanong ko.


Tumango sya. "Ikaw muna ang mag vlog."


Lumayo ako ng kaunti. Tinapat ko ang camera sa kanya.


"Nakikita nyo ba si Chef? Ayun." Tinuro ko sya na busy sa panonood. "Kung mapapanood ko ito, Chef, Gust ko lang sabihin na isa ka'ng patay gutom." Tumawa ako. "Joke lang, Guys. Baka i-bash nyo ako ha?"


Sumenyas sya sa akin na lumapit kaya naman tumakbo ako papunta sa kanya. Inabot nya ang shake at dounot.


"Thank you," Sabi ko.


Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon