Naka-ilang missed call ako kay Bhetany dahil itatanong ko kung anong update na sa research. Ngayong araw ang bakasyon namin dahil mag papasko na. At ilang araw na lang laban ko na. Puspusan ang ginagawa'ng training sa akin ni Ate. Si Chef naman ang gumagabay sa akin sa Q and A.
"Maganda ba?" Tanong ni Ate kay Chef Montini.
"Mas maganda 'yong isa." Itinuro ni Chef ang Red gown.
Nandito kami ngayon sa store nila Monique. Kilala ang pamilya nila sa buong Metro Manila pag dating sa pag dedesign ng mga gowns para sa pageant. Pag dating namin saktong kakaalis lang daw ni Monique. Kaya naman naming bayaran pero hihingi pa rin ako ng discount. Kaso wala sya, Full payment.
Pumasok ako sa isang kwarto kung saan ako pwedeng mag bihis para ma-isukat ang gown. May Slit sya at medyo revealing pag dating sa bandang dibdib. Bumuntong hininga ako habang pinag mamasdan ang sarili. No choice ako. Manonood sila Daddy via Skype at gusto nya daw na ako ang pinaka-angat sa lahat.
Hinawi ko ang kurtina para tuluyan nila ako'ng makita'ng dalawa.
"O-okay lang?" Na hihiyang tanong ko.
"Ang ganda!" Pumalakpak si Ate.
Tumango si Chef at nginitian ako. "Beautiful in Red," Aniya.
Nag stop over kami sa SM sangandaan para mag hanap ng restaurant at para kumain na rin. Na pagod ako kaka-sukat ng gown. 'Yong gown kanina ang na pili namin ni Ate.
"Bukas start na ng practice ninyo."
Tumango ako. "Ano oras?"
"Before mag six."
Bigla ko'ng nilingon si Chef. Mabilis nya'ng iniwas ang paningin sa akin. Kanina ko pa sya na kikita sa gilid ng mata ko na nakatingin sa akin.
"May sasabihin ka, Chef?" Na tatawang ko.
"Meron."
"Hmm?"
"About last last night. Ang ibig ko'ng sabi—"
"Ha?"
"Wala. Kumain ka na."
Ang totoo nyan, Ginugulo talaga ako ng mga salita'ng iniwanan nya noong isang araw. Nag kumwari na lang ako'ng wala'ng na aalala kahit meron talaga. Ayoko na ring pag usapan. Biglang kumabog ng malakas 'yong dibdib ko dahil sa mga pinag sasabi nya. Mabuti na lang lumabas si Ate kasi kung hindi baka nag sisigaw na ako.
Kinabukasan, Hinatid ako ni Kuya Nino, 'Yung driver namin sa venue. Black Square pants at white v-neck croptop ang isinuot ko para sa practice ngayong araw. Nginingitian ko ang mga bagong parating na candidates. 'Yung iba hindi na mamansin.
Umirap ako sa ere. Okay lang, hindi naman sila ganoon ka-ganda. Ang liliit pa.
"Good morning Everyone. Standing in front of you a 19 year old woman from Maysilo, Agusta Saniel Arevallo. Have a nice day," Nakangiting pakilala ko sa kanilang lahat.
Kinalma ko ang sarili pag-balik sa upuan.
"You're so pretty," Nakangiting papuri ng katabi ko.
"Thank you. You too," Balik ko sa kanya.
"By the way, I'm Rachell. Candidate from Tañong."
"Hello! Fist time mo ba?"
"No. Ilang beses na ako'ng sumali sa pageant together with my sister."
BINABASA MO ANG
Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)
RomanceAgusta Saniel Arevallo comes from a family of beauty queens. She always obeyed her Father's command, even though it had a significant impact on her mental health. Xai Roux Montini is a chef, vlogger, and wealthy man. He was born in a perfect famil...