"Merry Christmas to all!" Nakangiting sigaw ni Lola habang pababa ng hagdanan.Noong nalaman nilang nanalo ako, Nag handa sila pag-uwi ko. Maging ang mga stockholder sa Company ni Daddy pinapunta nya sa bahay nila Lola kung saan ginanap ang selebrasyon. Kahit binati ako nila Tita, Kitang-kita pa rin ang kaplastikan sa mukha nila, na iingit. Hindi naman ako sumali para i-prove ang sarili ko sa kanila. Sumali ako para maging proud sila Lolo at Lola pati ang mga magulang ko.
Pumunta ako sa iba't-ibang charity, Welfare Facility, Malabon Jail kung saan ko na kita ang papa ni Dahlia. Maraming Activities ang ginawa ko. Binalik na rin ni Daddy ang ATM ko. Masayang-masaya ang mukha nila ni Mama noong nalamang ako ang panalo.
Binuklat ko ang Libro para intindihin ang mga naka-sulat dito. Kahit bakasyon, pinag-aaral pa rin ako nila Daddy, kahit pasko. Pinag sasabay ko ang trabaho sa Ms. Bikini at Pag-aaral. Tanging sa Restaurant nya lang ako pinatigil.
Nag chat ako sa GC namin.
Agusta Saniel: Merry Christmas mga beybi! Labyu all!
Monik: Merry Christmas! Nandito kami sa tagaytay!
Dahlia Jerelle: Merry Christmas all the way from here in Madrid!
Bumuntong hininga ako matapos makita'ng sineen lang ni Casse ang message ko.
Galit pa rin ba sya? Parang tanga kasi. Noong umulan ng tampo, sinalo nya lahat. Gusto nya sya lang ang kaibigan ko—namin pero hindi naman kasi pwede 'yon. Malaki ang mundo. Hindi ko naman sya—sila papalitan. Mag dadagdag lang ako ng kaibigan.
"Agusta, Come here," Tawag ni Lola.
Nilingon ko si Ate na busy sa pakikipag-usap sa mga bisita. Bumuntong hininga ako bago lumapit kay Lola.
"She's the new Ms. Bikini Malabon," Aniya sa mga babaeng kasing edad nya rin.
"That's why you invited is here in your house, huh?" Tiningnan nya ako simila ulo hanggang paa. Lumipat ang atensyon nya sa hawak ko'ng libro. "Hands down to your Apo. Bukod sa kontisera na, nag-aaral pa nang mabuti."
Nag paalam ako sa kanila. Masyado'ng maraming tao dito sa loob. Isama mo pa ang matatalim na Tingin ng mga pinsan at Tita ko. Hindi rin ako makaka-pag focus sa pag-aaral. Dumiretso ako malapit sa may fountain. Pinag patuloy ko ang pag babasa.
"Ah, so you're Agusta Saniel?"
Inangat ko ang paningin. May lalaking nakatayo sa harapan ko. He's wearing a maroon tuxedo. Pinigilan ko'ng tumawa nang malakas. Saan punta nito? May JS ba?
"And so?" Seryosong saad ko.
"You are the second daughter of Tito Sandro, Right?"
"Bakit?" Isinarado ko ang libro.
"Are you ready to be my beloved wife?"
"Naka-shabu ka?"
"Oh, I think, Hindi pa sinasabi ni Tito Sandro?"
"Na ano?"
"Nah. Don't ask me. Daddy mo na lang siguro. By the way, I'm Aldrin."
"I'm not asking. Excuse me."
Narinig ko ang halakhak nya habang nag lalakad ako paalis. Umuwi ako sa bahay para ilagay ang libro sa cabinet bago bumalik sa bahay nila Lola. Nakasalubong ko pa nga si Aldrin. Tinarayan ko sya nang kindatan nya ako.
BINABASA MO ANG
Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)
RomanceAgusta Saniel Arevallo comes from a family of beauty queens. She always obeyed her Father's command, even though it had a significant impact on her mental health. Xai Roux Montini is a chef, vlogger, and wealthy man. He was born in a perfect famil...