Chapter 5

587 40 11
                                    

"Table 10!"


"Ito na!" Kinuha ko ang tray para ihatid sa respective table ang order na 'yon.


"Ito na po."


"Hi pinsan. Dito ka pala nag tatrabaho?"


Isa-isa ko'ng inilapag ang pagkain sa lamesa nila.  Hindi ko sya pinansin.


"She's your cousin, Shyla?"


"Oo. 'Yung kinu-kwento ko sa inyo na apo sa labas."


Bumunto'ng hininga ako.  "Wag dito sa trabaho ko. Please lang."


"Hindi naman 'to 'yung order ko, eh!" Bigla'ng lakas ng boses ni Shyla.


Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Ipinakita ko pa ang listahan. "Malinaw dito na ayan ang in-order mo."


"Nasaan ang Manager mo?" Tumayo sya.


"Yes, Ma'am? What's the problem po?" Tumakbo sya papunta sa gawi namin.


"Ito kasi'ng waitress ninyo, tatanga-tanga. Hindi sya marunong mag lista ng mga pagkain!"


"Ano po ba'ng pagkain ang sa inyo? Ipapadala ko na lang po." Tinignan ako ni Manager Nelcia.


Muling umupo si Shyla sa upuan. "Babayaran mo 'to'ng palpak mo'ng binigay o luluhod ka para ako na lang ang mag babayad."


Kinuyom ko ang mag kabilang kamao dahil sa inis. Kapag gumawa ako ng eksena, Mahahataw na naman ako ni Daddy. Ayaw nya sa lahat na dadamay ang mga pinag kakakitaan nya sa mga personal issue namin.


"Hindi ako mag babayad ng ganyan ka-mahal para sa mga spoiled brat na katulad ninyo," Mariing sambit ko.


"Edi..." Nginisian nya ako. "Luhod. Alam mo naman si Tito. Masyado'ng mainitin ang ulo nya."


Akma ako'ng luluhad sa kanila nang may bigla'ng  may kamay na humatak sa akin para makatayo ng maayos.


"Wala'ng sino man ang luluhod na waitress o tao sa mga kagaya ninyong bugnutin," Seryoso'ng saad ni Chef Montini. "Ito pambayad. Bayaran ninyo ang mga katangahan nyo," Aniya at hinagis ang pera sa ere.


Hinatak nya ako palabas ng restaurant. Nanatili sya'ng nakatalikod sa akin. Nakatitig lang ako sa likuran nya.


"Luluhod ka talaga?" Takang tanong nya. "Sa inyo ang restaurant na ito kaya bakit mo gagawin ang ganoong bagay?"


"Hindi mo kilala ang Daddy ko," Nakangiting sambit ko. "Salamat sa tulong."


Pumasok ako sa loob. Iniwanan ko nang masamang tingin si Shyla bago dumiretso sa restroom. Nag bihis ako. Tapos na ang duty ko. Kailangan ko pa'ng pumunta sa studio. Kanina pa nag tetext si Ate kung na saan ako.


"Sure ka? Mahirap ang training ha?"


"Wala naman ako'ng choice." Nag kibit balikat ako.


Pina-suot nya ako ng six inches high-heels. Pinagiling-giling ako ng isang daang beses. Pinalakad nya rin ako ng ilang beses. Sukong-suko na ang paa ko dahil sa pinag gagawa nya sa akin. Umupo ako at sumandal sa may pader. Tinanggal ko ang heels. Wala pa'ng kalahating oras, may paltos na agad ang dalawa ko'ng paa.


"Ang hirap," Angal ko.


"Simula pa lang 'yan. Mas mahirap ang mga susunod."


Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon