Chapter 8

518 35 3
                                    

Nag lalakad kami ngayon ni Casse papuntang Sports Complex. May swimming lesdon sya. Pumuslit lang daw sya sa training nila para makita ako. Gusto ko sanang ma-touch pero hindi na lang siguro. Hiyang-hiya ako sa ginawa nya kanina.

"Ang sarap siguro ng may kayakap ka bandang alas tres, ano?" Aniya habang nakangiti sa ulap.

"Oo at biglang may bubulong sayo na kailangan nya ng hustisya," Natatawang saad ko.

"Alam mo ikaw..." Dinuro nya ako.

"Pumasok ka na." Tinulak ko sya. "Mapaparusahan ka. Kung ako coach mo, Two hundred na breast stroke ang ipapagawa ko sa 'yo."

"Mabubuko rin kita, Agusta." Pinaningkitan nya ako ng mata.

"Night out?"

"Talaga?" Lumawak ang ngiti nya.

"Syempre joke lang. Busy ako. May pageant ako sa December 21. Alam ko namang pupunta ka. Doon mo ilabas ang lakas ng bunganga mo, okay?"

Bumalik ako sa restaurant. Hindi ko malapitan si Chef Montini dahil dumarami ang mga bumibili. Ako na ang mag sosorry sa ginawa ni Casse. Nakakahiya talaga!

"C-chef." Kinalabit ko sya.

Ngayon lang ako nag karoon ng pag kakataon na ka-usapin sya dahil wala na masyadon'ng nakapila.

"Hmm?" Aniya nang hindi ako tinitingnan, Busy sa pag hahalo.

"Pasensya ka na doon sa sinabi ni Casse. Baliw talaga 'yon. Walang kahihiyan," pang ba-back stabb ko.

"Ayos lang. Kumain ka na ba?" Nilingon nya ako.

"P-po?" Parang tangang sambit ko.

"Have you eaten?"

Umiling ako. "Hindi pa. Huling kain ko kanina 'yung kasabay ka."

Sinenyasan nya'ng umupo ako sa dulo kung saan kami naka-pwesto kanina. Pinanood ko sya'ng kumuha ng platito. Nakatalikod sya sa akin kaya naman hindi ko makita kung ano ang kinukuha nya.

"Corn dog." Inilapag nya ito sa lamesa namin.

"T-thanks," Nahihiyang sabi ko.

Hindi naman ako nag sabi sa kanya na lutuan ako o pag handaan ako ng pagkain.

"Hmm.. ano..." Basag ko sa katahimikan. "May pageant ako. Ms. Bikini ata ang tawag doon. Nakalimutan ko. Baka gusto mo'ng manood, Chef. Baka lang naman. Walang sapilitan dito. Kung ayaw mo, edi wag. Hindi kita pinipilit. Pinilit ba kita? Di ba hindi kaya—"

Napatigil ako sa pag sasalita nang humalakhak sya. Ito na naman. Nakita ko na naman ang mapuputi nya'ng ipin.

"Alam mo, Saniel, Palagi mo na lang ako pinatatawa." Iling-iling na aniya. "May coach ka na ba?"

"Sa pasarela meron..."

"Kausapin ko na lang ang Daddy mo kung pwede kita'ng ipasyal sa mga iba't-ibang lugar para makakuha ka ng inspirasyon kapag sasagot ka na sa Q and A."

"May tanong ba doon tungkol sa Government?" Kinakabahang saad ko.

"I'm not sure. Depende kung gusto'ng ipalagay."

Hinawakan ko ang kamay nyang nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Chef, Patulong naman. Promise palagi kita'ng bibigyan ng Bavarian at Mango Oreo. Gusto ko talaga'ng manalo doon."

Umubo sya habang nakatingin sa kamay ko'ng hahawak ang kanya. Mabilis ko'ng tinanggal ang akin.

"Terror ako ha? Out of nowhere tatanungin kita ng random question. Kapag hindi mo na sagot, Ililibre mo ako ng kahit na ano'ng gusto ko." Pinag krus nya ang kamay sa dibdib.

Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon