"Umuwi ka na. I don't like you."
"W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Hindi kita gusto. Wala ako'ng nararamdaman para sa ‘yo. Okay na? Uwi!" Sigaw nya! "Hindi ka na makakatanggap ng tulong sa akin kapag na gipit ka lalo na kung usaping pamilya. Hindi na kita tutulungan."
Pinunasan ko ang mga takas na luha sa mata.
"Dahil ba sa namatay mo'ng girlfriend?" Natatawang tanong ko. "Dahil ba kay Riva?"
"Paano mo na laman?"
"Nakita ko sa cabine—"
"How dare you!" Dinuro nya ako! "How dare you touch my things without my permission?!"
"Hindi na babalik ang girlfriend mo, Chef kaya tumigil ka na sa kahibangan mo. Kahit ano'ng iyak mo, Wala na sya. Hindi na sya babalik! Na iintindihan mo ba ako?! Nag sasayang ka lang—"
"Shut up," Aniya. "Umuwi ka na. Ihahatid na kita."
"Ayokong umuwi," Pag mamatigas ko.
"Ayan! Ayan ang isa sa mga rason kung bakit hindi kita magustuhan, Saniel! You have that vibe! A pick me girl vibe! Lahat gusto mo sa ‘yo! Gusto mo nang real tak? I'll give you a damn real talk! Ang immature mo! Isip bata ka, Agusta Saniel!"
Lumunok ako. Dahan-dahan ko'ng hinubad ang mask at jacket. Itinaas ko rin hanggang tuhod ang jogger dahilan para makita nya ang malalaking latay sa hita, binti at braso ko.
"A-araw-araw ako'ng pumupunta sa resturant namin para maki-balita kung umuwi ka na ba. Araw-araw rin ako'ng na hahagupit ng sinturon ni Daddy. Araw-araw ko'ng tinatanggap ang mga galit nya." Humikbi ako. "Ang h-hapdi sa balat. Ang sakit sa kalamnan. Nangangatog ako sa takot. Iniindi ko ang bawat hampas nya sa katawan ko... Para makita ka."
"S-sino nag sabing gawin mo 'yon?"
"Ako. Kasi gusto kita. Ginawa ko 'yon kasi nararamdaman ko'ng may gusto ka rin sa akin tapos... Tapos wala naman pala?" Tumawa ako. "Ano 'yong mga signals na pinahihiwatig mo? Ano 'yong mga salitang 'yon, Chef Montini? Ano 'yon? Para saan 'yon? Kung hindi ko naman pala ako gusto?!"
"Pumasok na tayo sa loob. Gagamutin k—"
"Hindi na," Awat ko sa kanya. "Uuwi na ako katulad ng gusto mo. Nalaman ko na ang sagot. Salamat sa tulong."
"Saniel, I'm sorry."
Bumuhos ang mga luha ko pag talikod sa kanya. Pumasok ako sa loob ng Van. Masamang tingin ang iniwas ko sa kanya bago senyasan ang driver na paandarin ang van.
Excited pa naman ako'ng makita sya tapos ganito ang kalalabasan? Mga lalaki talaga. Puro mga paasa. Mag bibigay ng mix signals tapos kapag kinompronta mo sasabihin wala'ng gusto sa ‘yo.
Iniyak ko lahat sa kwarto ang mga na tanggap ko'ng salita mula sa kanya. Alam ko namang isip bata ako minsan pero sobra naman ang mga pinag sasabi nya sa akin.
"Right. He's right, Agusta. Puro mali'ng tao ang na gugustuhan mo, ano ka ba?"
For the past three months, Inayos ko ang lahat. Pinapansin ako ni Dad minsan. Minsan. Tungkol naman sa Lola at mga Tita ko hindi ko sila kinikibo kahit mag pa rinig sila dyan. Lalaki lalo ang gulo kung patuloy ko sila'ng papatulan. Madalas na kami'ng nag uusap ni Lolo. Nalaman nya ang ginawa sa akin ni Dad kaya naman oras daw ulitin nya ito, aalis sya sa bahay. Si Mama palagi namang walang pakialam sa mundo nya except kay Dad. Mabubuhay sya kahit wala'ng anak basta may asawa. Hindi ako pumupunta sa restaurant. Iniiwasan ko lahat ng lugar kung saan pumupunta si Chef Montini. Ayoko sya'ng makita. Na stress ako sa kanya lalo na sa huli naming pag-uusap.
BINABASA MO ANG
Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)
RomanceAgusta Saniel Arevallo comes from a family of beauty queens. She always obeyed her Father's command, even though it had a significant impact on her mental health. Xai Roux Montini is a chef, vlogger, and wealthy man. He was born in a perfect famil...