"Puso mo. Pwede ba?"
"Hindi ako pumapatol sa matanda," Biro ko.
"Feeling is mutual. Hindi rin ako pumapatol sa bata. Kumuha ka na nga ng magnum."
Dinilaan ko sya bago dumiretso sa freezer. Kinuha ko ang pinakamahal na magnum ice cream.Pabalik na kami ngayon sa restaurant. Umupo ako sa wala'ng tao. Pumasok naman si Chef Montini sa loob ng kusina para ibigay ang pinamili namin. Kinain ko ang biniling magnum.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa. Nag vibrate. May tumatawag.
"Yawa! Bakit ang tagal mo'ng sagutin?"
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Gala tayo."
"Busy ako, Casse. Next time na lang. Bye!"
Pinatay ko ang tawag. Ibinalik ko sa bulsa ang cellphone. Inubos ko ang ice cream. Pumunta ako sa kusina para mag paalam sa kanila.
"Alis na ako, Chef Manalo."
"Ang aga naman?"
"May practice pa po kasi ako."
"Sa akin hindi ka mag papaalam?" Natatawang ani Chef Montini.
"Boyfriend ba kita?"
"Bakit? Boyfriend mo ba si Chef Manalo?"
"Ano?"
"Wala. Pag tapos kita'ng ilibre..." Bulong niya.
"Alis na ako, Chef Montini."
"Hindi ko tinatanong," Seryoso'ng sabi nya at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
Napangiwi ako ng wala sa oras dahil sa sinabi nya. Na puno ng tawanan ang buong kusina. Nag paalam ulit ako bago tuluya'ng lumabas doon. Pag dating ko sa studio, Nandoon na si Ate. Inilapag ko ang shoulder bag. Sinuot ko ang heels na palagi nya'ng pinasusuot sa akin tuwing may practice kami.
Nasanay na ako sa ginagawa nya'ng pag papahirap sa akin. Napapasigaw ako tuwing pinapalo nya ng patpat ang balikat, Bewang at hita ko.
"Chest out!" Sigaw nya.
Niliyad ko nang bongga ang dibdib pati pwetan.
"Straight body, Agusta Saniel!"
Pumikit ako dahil sa frustration! Straight na straight na ang katawan ko. Wala nang ikakaya pa!
"Wala na nga!" Naiiyak na sigaw ko!
Ang sakit sakit na ng likod, paa at mga kalamnan ko!
"Sinisigawaj mo ako, Agusta Saniel?" Tinaasan nya ako ng kilay.
"Ayoko na. Susuko na 'yung paa ko."
"Coach Paulo!" Tawag ni Ate. "Pasok ka po dito sa loob."
"Yes, Sis mars?" Bungad ng bakla sa pintuan.
"Pahinga lang ako sandali. Ikaw muna mag turo sa kapatid ko. Kapag umaarte, paki-real talk."
"I got you."
Lumunok ako nang sunod-sunod matapos nya'ng lumingon bigla sa gawi ko. Nakakatakot ang mga titig nya. Hindi ko kinakaya.
My strict teacher could never.
Tumayo ako para wala na kaming pag awayan pa. Wala na rin ako'ng lakas para makipag-away sa kanya. Nilagyan nya ng harang ang mag kabilang gilid ko kung saan doon lang ako pwede'ng mag lakad. Bawal lumampas. Sa awa naman ng Diyos, Na iraos ko ang turo nya. Puro papuri ang na tanggap ko at hindi mga masasakit na salita.
BINABASA MO ANG
Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)
RomanceAgusta Saniel Arevallo comes from a family of beauty queens. She always obeyed her Father's command, even though it had a significant impact on her mental health. Xai Roux Montini is a chef, vlogger, and wealthy man. He was born in a perfect famil...