Chapter 21

556 30 2
                                    

Umubo ako.


Kinakabahan talaga buong sistema ko. Nakiki-pag date naman ako ng pa-sikreto dati at okay lang ang feeling. Iba kasi ngayon.


‘Yung ka-date ko, boyfriend ko na. Not just an ordinary suitor or whatsoever .


Hindi ko sinabi sa pamilya dahil alam ko naman na magagalit sila. Alam naman nila Monique kaya  hindi ko na kailangang mag explain sa kanila.


Dumiretso ako sa Robinson kung saan kami mag kikitang dalawa. Luminga-linga ako. Sabi nya sa labas daw pero wala naman. Pinag loloko ata ako ng isa'ng ‘to.


Kinuha ko ang cellphone para tawagan s’ya.


"Nasaan ka na?" Takang tanong ko.


"Kanina pa ako nandito."


"Niloloko mo ba ako? Ang init-init dito sa labas," Inis na saad ko.


"Baka ikaw ‘yong wala pa. Nandito na nga ako."


"Wag ka nga sinungaling."


"Kebago-bago ng relasyon natin, nang-aaway ka," Kalmadong aniya.


"Nasaan ka na ba kasi?" Nakanguso'ng tanong ko.


May kotse'ng huminto sa mismo'ng harapan ko. Bumaba ang bintana. Mukha ni Chef Montini ang bumungad sa akin.


"Bakit dyan ka uupo?" Kumunot ang noo nya nang akma ko'ng hinawakan ang pintuan ng sasakyan sa likod. "Wag dyan. Dito ka sa unahan. Dito ka sa tabi ko."


Lumunok ako bago sundin ang utos nya. Bakit ang lambing ng boses nya? Bakit naman ganito, Lord? Sa pag kaka-alam ko puro kagaguhan ang ginagawa namin ni Casse tapos bibigyan nyo ako ng ganitong lalaki? Thank you!


Hindi ako magapi ni Satanas kaya nag pa dala sya ng lalaking matangkad, amoy baby johnson powder, magaling mag luto, ma-alaga at husband materials.


Pero hindi kampon ng kasamaan si Chef Montini. Ako talaga ‘yon. Kinikilig lang talaga ako kaya kung ano-ano na sasabi ko na hindi dapat. Nag sign of the cross ako. Pasensya ka na, God.


"Nakatulog ka ba nang maayos?" Tanong nya.


Kinagat ko ang labi. Hindi ko pinansin ang tanong nya. Nakatitig ako sa kamay nya'ng ginagalaw ang manibela.  Gusto ko talaga sa lalaki ‘yung ganito. Nakaka-attract s’ya.


"Oo naman. Ikaw? Masaya ka ba kahapon sa birthday mo?" Nag lagay ako ng lipgloss.


"Yeah. "


Mahaba ang byahe. Sa Quezon City, bagumbayan kami pumunta. Nag crave ako sa samgyupsal. Ayoko na sa Caloocan. Gusto ko maganda naman ‘yong beauty. Seoul Sky restaurant ang na pili ko'ng kainan. Hindi sya umaangal kahit palakad-lakad kami. Nakaalalay lang sa akin.


"Welcome, Ma'am."


Nginitian ko ang crew.


Hinintay ma-puno ang mga empty seats. Inilagay na rin nila ang mga gagamitin sa samgyup. Natuwa ako sa pa-ikot effect. Umiikit 360° kaya kitang-kita ang view mula dito sa pwesto naman. Ang ganda. Ngayon ko lang na kita na may ganito.


Katapat ko si Chef Montini. Busy sya sa pag luluto ng meat. Ibinabalot nya sa letuce ang karne bago ilagay sa pinggan ko.


"Gusto ko rin mag luto," Nakangusong sabi ko.


Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon