"Hinihinalang ang pang pitong Apo ng sikat na Business man sa Malabon ang tumulak sa kanya dahilan para sya'y ma-disgrasya. Malubha ang lagay ni Mr. Arevallo ngayon sa St. Jude Hospital."
Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa sinasabi ng reporter.
"Sabi ko huwag ka'ng manonood ng balita, 'di ba?"
Dito ako na tulog sa bahay ni Chef Montini. Sya lang mag-isa ang nakatira dito. Pinatuloy nya ako sa guest room.
"Chef, Wag mo'ng sasabihin na nandito ako. Sinunod ko lang ang utos ni Lolo na tumakbo kasi alam nyang ididiin ako ng mga kamag-anak ko lalo pa't galit sila sa akin. Mahal ko ang lolo ko at kahit hindi kami close, hindi ko magagawa 'yon."
"Alam ko." Inabot nya ang magnum ice cream. "Habang na sa trabaho ako, Ikaw ang ma-iiwan dito at kahit sino pa ang kumatok huwag na huwag mo'ng bubuksan kung ayaw mo'ng mahuli. Kailangan magising ng lolo mo para luminis ang pangalan mo."
Ang saya ng pasko ko kahapon. Grabe. Hindi ko akaling ganitong regalo ang matatanggap ko. Alam ko'ng galit na galit na sa akin ang pamilya ko. Lalo na si Daddy. Tiyak na nakarating na sa kanya ang balita. Iba magalit ang tatay ko. Makakapatay sya nang wala sa oras lalo pa't ang pinakamamahal nya'ng tatay ang na disgrasya.
"Alis na ako," Paalam ni Chef. "Ingat."
Kumabog nang malakas ang dibdib ko sa paraan ng pag kakasabi ni Chef ng mga salita'ng 'yon. Para ba'ng may pinahihiwatig sya.
"Pagkain, Chef ha?" Biro ko.
Inayos ko ang kabuoan ng bahay nya. Sumimangit ako. Kahit alikabok hindi nag eexist. Malinis na malinis. Akala mo babae ang nakatira sa sobrang aliwalas. Pumasok ako sa loob ng kwarto nya. Dark gray ang interior. May iilang paintings sya. Award galing sa youtube. Tinitigan ko ang self portrait nya na nakalagay sa gilid ng bintana. Diretso ang tingin nya sa camera. Walang bakas ng ngiti. Six years ago pa ito. Ganoon pa rin ang mukha nya. Na wala ang inosenteng mukha ni Chef ngayon. Nag matured sya. Hearthrob siguro 'yon noong college days nya.
Na bitawan ko ang hawak na panyo dahil sa sirena ng pulis! Mabilis ko'ng sinarado ang mga bintana! May tatlong sasakyan ng mga pulis ang huminto sa harapan ng bahay ni Chef! Lumapit ako sa side table para uminom ng tubig. Kailangan ko'ng kumalma.
"Magandang hapon po."
"H-hindi..." Inilagay ko ang dalawang kamay sa tainga.
Ayokong makarinig ng boses nila. Ayokong makakita ng uniporme nila. Ayokong makakita ng kahit na sinong pulis!
"Wag ngayon... Sige na..."
Napasandal na lang ako sa pader nang maka-alis sila.
Nilibang ko ang sarili sa pamamagitan ng pag tatahi. Nag design ako sa tela. Nag luto ako para kay Chef. Gusto ko sya'ng pasalamatan pag-uwi nya.
Sa mga sumunod na araw, Ako na ang nag laba, nag luluto, nag pa-plantsa ng damit nya, Nag-aayos ng bahay. Lahat-lahat. Wala ako'ng pambayad sa kanya kaya dito ko na lang dinadaan.
"Bilang lang sa daliri na nag suot ko ng ibang damit bukod sa Uniform Chef mo." Sumingkit ang mata ko.
"Nakatulog ka ba nang maayos?" Hindi nya sinagot ang tanong ko.
"Hmm."
"May aircon sa kwarto mo."
"Pwede ko bang gamitin?"
BINABASA MO ANG
Night in Amphitheatre (Malabon Series #3)
RomantizmAgusta Saniel Arevallo comes from a family of beauty queens. She always obeyed her Father's command, even though it had a significant impact on her mental health. Xai Roux Montini is a chef, vlogger, and wealthy man. He was born in a perfect famil...