Nang matapos ang klase agad akong hinila ni Iza sa restroom. Mag aayos daw kami ng bongga. I really want to support her kahit na hindi ako interesado mamaya sa kung sino man ang ka-meet up ko.Just like me, wala pang nagiging boyfriend si Iza. Walang official. It is just her and her flings.
"Oh lipgloss! Ahh!" Kina-career niya talaga ang pagpapaganda sa amin. "Ayoko naman magkaroon ng jowa tapos ikaw wala. Sabay sabay tayo lalandi ngayong taon."
"As if interesado ko."
"Wag kang basag trip ha? Untog kita sa salamin."
Akala namin umuwi na sila Trisha dahil hindi naman kami nagpaalam kung saan ang punta namin. Tuwang tuwa si Iza dahil malaya daw niyang mae-enjoy ang moment niya mamaya pero pag dating namin sa venue, mas nauna pa sila Von sa amin.
Ngiting ngiti nila kami sinalubong.
"Ang mga gago. Nauna pa pala. Dapat niligaw ko sila ng lugar!" asar na bulong sa akin ni Iza.
"Baka i-raid ng mga 'yan buong Manila pag ganon."
"Buwisit na Dominic. Tara na nga. Hanapin na natin."
"Ano daw ba suot?"
"Uniform bhie! College sila. Engineering. Hanap ka dalawang lalaki na may ID lace na red."
"Seriously?" Naiusal ko. Dami kong nakikita na may lalaking naka-red na ID lace. "Kulang kulang naman 'yan sa details!"
"Tara upo muna. Mas kilala tayo ng mga 'yon."
Umupo kami sa malayo layong upuan kila Raden. Maya maya lang may lumapit sa amin na dalawang lalaki. Isang naka-red na ID lace at isa namang naka-blue, nursing student.
"Iza, right?"
"Oh? Luke? Hi!"
Mukhang swerte sa paghahanap si Iza sa lalaki. I'll admit na hindi basta basta ang itsura ng dalawang lalaking 'to. Hindi din nalalayo ang katawan nila kila Dom. An engineering and a nursing student? Not bad.
"Here's my friend."
"Oh! Hello! Ito sinasabi ko sa'yo. This is Alya, my friend. Upo kayo!"
"Yael..." inalok niya sa akin ang kamay niya. "I know you. Calie's my classmate."
"Oh! Ah hello, I'm Alya. Nice meeting you," tinanggap ko ang kamay niya.
I'm really trying not to be awkward. Ayoko naman maging pangit ang experience ni Iza dahil may tuod siyang kaibigan sa tabi niya.
"We'll order you something."
Tumango kami sa kanilang dalawa at pinanood silang pumunta sa counter.
"Grabe grabe jackpot 'to!" Kinikilig kilig na sabi ni Iza at parang nadadala na rin ako dahil sakaniya. I kinda feel a little excited for her. This is my first time doing this. I don't think I'll do this again.
Nang napatingin ako sa harapan namin, nakita ko na lumipat sila Raden ng mas malapit na lamesa. Hindi lang malapit, sobrang lapit as in katabi lang namin!
"Hoy, mga gunggong? Lumayas kayo dito!" pagtataboy ni Iza sa kanila.
"Shh. Panood lang eh!"
"Hindi na 'to nood! Tsismis na!"
Hindi na sila nakapagtalo ni Dom dahil dumating na ang dalawa.
"Hindi namin alam ioorder sainyo but proven and tested na namin mga 'to. Masasarap sila," si Luke.
"Try this. This is not too sweet. The fruits balances its flavor," Yael said and lend me a cake.
"Ah thank you," I smiled at him. "Uhm kamusta si Calie?"
BINABASA MO ANG
Behind the skies and lies
RomanceBeau Ciel Series # 1 "Did you know? Alya means sky...heavenly and beautiful. Beautiful sky. And since then, the sky always reminds me of you."