"Dalian nyo! Nasa atin ang gatorade ng mga Papi!"
Manonood kami ng laro nila Rad kalaban ang ibang strand. Simula na ngayon ng sports fair. Talagang nag inarte sa amin sila Von na dapat nasa bleachers kami at may isang cooler ng gatorade. Ibabato ko sakaniya ang cooler kapag hindi sila nanalo!
Ngumisi sa akin si Iza. "Nice jersey, Ms. La Ruel."
Suot ko ang jersey ni Rad. Binigay sa akin 'yon ni Dom mula kay Iza. Suot ni Trisha ang kay Vin. Habang suot din ni Iza ang kay Dom. Si Mikee at Arvin ay hawak ang dalawang jersey ni Von.
I got La Ruel 9 on my back.
I paired his jersey with a white tennis skirt and rubber shoes.
Nahihiya ako pero bahala na!
"Hello! Can I come with you guys? I want to watch too." Lumapit sa amin si Ara.
"Sure," sagot ko sakaniya dahil sa akin siya nakatingin.
"Yay! Thank you." Nagtagal ang tingin sa suot ko.
"GO, HON!"
"DOMINIC LET'S GO!"
"PAPI IVON!!!"
"GO RADDDD!" Malakas na sigaw ni Ara.
"Tss." Rinig ko ang pag apila sa likod. Tumingin ako at sila Mel 'yon.
Sinamaan ko ng tingin si Rad. Look at your women, Raden! Pinalilibutan ako! Nakita niya ang tingin ko sakaniya. Hindi ko lang alam kung sa akin nga siya nakatingin. Baka dito kasi sa kaliwa ko o sa likod ko.
I rolled my eyes again with that thought.
He's single. He can have all the girls he wants.
Kinakausap pa sila ni Coach. Naka white shirt pa si Rad at may dala dala pang gym bag. I brought my tumbler just in case he needs it.
Pinanood ko siyang tumango kay Coach habang naka krus ang isang braso at ang isang braso naman ay nakapatong para mahawakan ang baba. Sa ganoong pwesto ay bumaling ang tingin niya sa akin at bumalik ulit kay Coach.
My eyes widened a bit. Nagawa niya pang tingnan ako habang busy siya?
"Alya..."
Tumingin ako kay Ara. Nanibago sa boses niya. She sounds a little cold.
"Why are you wearing Rad's jersey? Sakaniya 'yan hindi ba?" seryosong tanong niya.
I was taken aback.
"I'm wearing Dom's too. Got a problem, Ara?" pag singit ni Iza.
"I'm just asking. Hindi ko kasi alam na close sila." Bumalik ang lambing ng boses niya.
"We are friends. What do you expect? Silang dalawa...ang pinaka close sa lahat," maloko na sagot sakaniya ni Iza at nagpatuloy sa pagsigaw kay Dom.
"Nice shirt, Ms. Amora!" sigaw ni Dom habang papunta sila sa amin.
"Woah! Nice one! Thank you, Mikee, Arvin! I feel so loved." madramang sabi ni Von nang makitang suot nila Mikee ang jersey niya.
"Hon, galingan mo!"
"Of course. May inspiration ako."
Nanatili ang tingin ko sa malayo dahil nahihiya ako! Hindi masyado malakas ang loob ko kapag madami ng tao. I'm not expressive!
"Rad!" Tumayo at kumaway si Ara.
Definitely not as proud as her.
"Hello, Dom!" Rinig kong tawag ni Madi kay Dom sa likuran namin. Mas nauna pang lumingon si Iza kaysa kay Dom.
BINABASA MO ANG
Behind the skies and lies
RomanceBeau Ciel Series # 1 "Did you know? Alya means sky...heavenly and beautiful. Beautiful sky. And since then, the sky always reminds me of you."
