The other team won in the second set dahil hindi sineryoso nila Iza ang laro. It was fun actually. Nagtuturuan lang sila kung sino ang sasalo. Sometimes, sinasadyang iwasan ang bola, magsisisihan sa huli. This was not a real game, kaya ayos lang sa akin.
They were actually making fun of those player sa kabilang section dahil daw may buwaya daw, puro "mine" daw ang sinasabi at kahit nasa likod daw ito ay nagagawa nita pumunta sa harap at siya ang magrereceive.
"Gago. Naiinis na ata si Mine girl. Online buyer ka bhie."
"Ang demonyo mo, Iza." Komento sakanya nila Aira, iba pa naming ka-team.
Like what I expected, naiinis na nga sa amin ang kabilang section. I can even hear their curses kapag titira kaya madalas out ang bola or received nila sa amin. You gotta control your emotion, this is just a game. Have fun.
Lamang kami ng anim. Tatlong puntos na lang ang kulang panalo na kami.
"Oh oh! Mine 100. Steal 150!" sigaw ni Iza.
"Gago amp," tawanan namin ni Trish.
Huling tira na namin at kami na ang panalo. Tracy received the ball from the other section. Ni-set naman sa akin ni Trisha 'yon para mag-spike ako. Ngumiti ako at natawa dahil sa kung ano ano sinasabi ni Iza. I'm distracted kaya hindi ko masyado kalkulado at control ang tira ko.
One thing na sure ako, out 'yon at malakas.
"Oh my gosh!"
"Hala!"
"Pre! Ano? Ayos ka lang ba?"
Nanlaki ang mata ko. Shit! May natamaan ako! Na naman!
Tumakbo agad ako sa pinagkakaguluhan nila to apologize! Kahit na hindi pa sadya 'yon, I'm sure na malakas 'yon at ang tigas pa naman ng bola. Sana lang ay hindi sa mukha natama. It'll hurt for sure or maybe it'll knock them out.
Masyado madaming tao, hindi ako makasingit pero halos malaglag ang panga ko nang makita na may nakahiga sa pinagkakaguluhan nila!
Oh my God!
"Oh shit. Excuse me."
Inis akong tinitingnan ng mga babaeng hinahawi ko. Parang gusto na nila hilahin ang buhok ko at tampal tampalin. I can even hear their hatred dahil ako ang nakatama. Malay ko ba! Hindi nga sadya! Kinakabahan ako at baka na-knock out ko kung sino man siya.
My worries slightly faded when I saw kung sino ang natamaan ako.
It was Raden.
Namumula ang ilong niya at ang bandang noo. Nagtaas siya ng tingin sa akin. Napasinghap ako at nag iwas ng tingin. Damn. He still looks attractive even in that kind of state. No wonder, girls! No wonder!
Kahit naiinis ako sakaniya, I still have my conscience 'no! Ayoko naman manakit ng pisikalan. I did not intentionally hit him. Kung oo, edi sana nilakasan ko pa! Knock out sana 'to at baka nasa malalang kalagayan.
"Let's go. I'll take you to the clinic., hinila ko ang kamay niya.
I don't know what to do! It was just an impulsive thought. Pero nagmatigas siya! Nakahawak lang siya sa ilong niya kaya naman nang bitawan ko ang kamay niya, may pwersa na bumalik ito sakanya. Medyo natamaan ulit ang mukha!
"Ouch!" Daing niya.
Tsk! Ang kulit kasi!
"Oh God!"
"Hey, you brat!"
"Sino ba 'yan ha! Looks like nagpapansin talaga siya kay Rad."
Napairap ako sa mga naririnig ko habang naka-upo sa harapan nitong si La Ruel. Mas lalong namula ang noo niya ngayong natitigan ko. I'm sure na mas namumula ang ilong n'ya.
BINABASA MO ANG
Behind the skies and lies
RomanceBeau Ciel Series # 1 "Did you know? Alya means sky...heavenly and beautiful. Beautiful sky. And since then, the sky always reminds me of you."
