Kabanata 29

359 8 3
                                        


Inis lang ako pero susuyuin ko pa rin siya!

Nauna akong bumaba dahil nag grab ako ng pagkain naming dalawa. I'm shy to give it to him in personal kaya iiwanan ko 'yon sa locker niya. I don't know his pin but I will try. Sinulatan ko muna ng note ang pagkain bago sumubok sa pagbukas ng locker niya.

Ngumisi ako nang basahin ang nakasulat.

Hi baby,

Got this for you. Eat well!

- A.F Amora

Isang subok ko palang, nabukas na 'yon. Umiling ako at mas lalo lumawak ang ngisi. My birthday. Just like his passcode in his phone.

"Tss. Hindi ko alam hanggang sa locker 'yun din gamit niya?"

Masaya akong bumalik sa canteen. Ayos lang kahit makita ko silang magkasama ngayon. I'm too happy about his pin. Wag lang sila magsubuan sa harap ko ay ayos na ako.

Ngumuso ako nang makita andoon na pala sila. Hindi niya makakain ngayon pero makikita niya naman mamaya. Mas lalo pa sumigla ang buhay ko nang makitang wala siyang katabi ngayon. Walang eye sore.

"Ang saya mo namang bruha ka? Mas lalong gumaganda. Dapat sayo pinapaiyak ng konti." puna ni Mikee sa mood ko.

"Wag ka nga magulo. Minsan na lang sumaya."

"Minsan pa ba yon! Ang crush kong si Azriel ay abot kamay mo."

Ngumuwi ako kay Arvin. "I'll give you his cell."

"Ayan! Tama yan! Akina!"

No one can destroy my mood right now. Oh well, meron pala. Itong lalaking nasa harap ko. Inis ako sakaniya kanina pero medyo na lang ngayon.

I initiated our talk.

"Where's Ara? Hindi mo ata kasabay? Baka hindi makakain?"

Narinig ko ang pagkabilaok ni Mikee nang marinig ang tanong ko. "Putanginaaa."

"Kasama kaibigan niya."

"Oh. Akala ko ikaw kasabay lagi."

"Ante ko? Pigilan mo!" Rinig kong mahinang bulong ni Mikee kay Iza.

"Gaga. Hayaan mo! Ganiyan talaga 'yan."

Oo nga naman. Ganito naman kami ni Rad noong una. Lagi kami nag aaway at hindi magkasundo. Basta dumating na lang na...basta ayon.

Nilabas ko ang phone at nagtipa.

Ako:
Akala ko late kayo lalabas, nag iwan ako ng pagkain sa locker mo. 

Nakangiti kong tinago iyon at nagsimula kumain. Susubo na sana ako nang makita ko ang tingin niya sa akin. Tinuloy ko ang pagsubo at kinunot ang noo sakaniya.

"What? Do you want this? Susubuan kita," ani ko.

Si Von naman ang naubo ngayon.

"I'm good," he said coldly.

Suplado!

Ngumisi ako at nagpatuloy sa pagkain.

Ngumuso ako sakaniya. Hindi naman sakaniya mismo. Sa phone niya na nasa lamesa. Kaso lang ay hindi niya ma-gets! Nakatingin lang siya sa akin at nguso ko.

I mouthed him 'your phone'.

Nagtagal ang tingin niya sa akin bago kinuha ang cellphone at tiningnan.

Kumunot ang noo niya. Tss. Sige sungitan mo pa ko. Okay lang. Mas pogi nga siya pag mukhang suplado.

Mas nauna siyang umalis sa amin.

Behind the skies and liesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon