Kabanata 34

274 5 10
                                    


"Ivon, don't even start with me. Alam ko kung ano ginawa mo!" Mabilis kong bungad nang pumasok si Von sa opisina ko isang araw.

I'm irritated for days! I'm just thankful I did not cross my path with Rad for a few days. Talagang umiwas ako! Lalabas ako sa oras na nakakatamad lumabas. Hindi rin ako umaalis ng gabi dahil mas malaki ang tsansa na magkakitaan kami ng isang 'yon pag lubog na ang araw.

"What, darling? What did I do?" Inosente niyang sagot at prenteng umupo sa tanggapan ko.

"You recommended my building! Hindi lang 'yon dahil magkaharap talaga ang unit namin?"

He acted shocked. Sa sobrang galing ay gusto kong ibalibag. "Oh my! So neighbor na pala kayo? Why? May problema ba? You two were close before."

Nahilot ko ang sintido ko sa rason niya. Lutang ba siya noong pinaliwanag ko ang nangyari sa amin ni Rad noon? I said I tricked and played his friend before! It was all lies!

"At ano ka ba? Maganda kasi sa building mo. Nagmagandang loob lang ako. Ang bait ko talagang kaibigan. Masaya akong nakakatulong sainyo." Dagdag niya

"Get out!"

"Nasaan ba si Azriel? Mag lunch tayo." He said casually, ignoring my wrath.

At talagang tinanong niya pa ang isang loko loko? Mabuti na lang at wala ang isang 'yon ngayon. Wala nga akong jowa pero sakanila palang ang sakit sakit na ng ulo ko!

I busied myself with our businesses. Tinutulungan ko sila sa Daddy mag manage ng business namin sa Pilipinas dahil sa ibang bansa sila namamalagi. I'm only the acting CEO of our company. Daddy is an architect-engineer and an entrepreneur. Our business focuses on supply and furniture.

Von is working on Lorenzo-Lopez's site and construction as an engineer. I've been working with them for months on our company's renovation and expansion.

I graduated with a business course, but I attend meetings and seminars about arts and design.

Maybe I should study again. A double degree.

"So next week na tayo aalis?" Halos tumalon si Iza nang bigyan kami nila Vin ng go signal para mag travel.

"Palawan is good! Coron and Balabac ang destinasyon natin."

Rion:
Aw. Ikaw naman ang aalis pag balik ko.
How many days?

Ako:
I'm not sure.
Sobrang sponty nila e.

"We should shop na ng clothes!"

Agad silang tumingin sa akin. Of course, they love Calie's crafts and designs. Hindi ko alam kung nagagandahan ba talaga sila o sobrang biased lang. Kidding aside, my cousin is creating her master pieces. Talagang laging patok ang nire-release niyang designs.

Some of it are limited edition because it is handwoven and handcrafted by her.

I'm glad I have the cousin privilege.

I owned one of her limited editions!

"Sabihan ko si Calie para ma-update tayo kung may bago siyang supply."

"Yes!"

They love my cousins so much. Kung namamalagi lang din dito si Cassandra ay baka mas paborito nila ang isang 'yon. Cass fell in love with Bulacan. She even uses agriculture to manage our farms! It will be big since we are planning to have it exported internationally. I know Cass is planning to work with the farmers on her native land.

The transaction of goods and money there was poor. Our famers' hard work was nullified and being taken advantage of.

Kaya sobrang napahanga ako nang may ganitong programang isasagawa si Cass.

I know this will be a big help.

Behind the skies and liesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon