Kabanata 22

273 8 1
                                        


"Who's that, Hon?" Rinig kong usisa ni Trisha.

"That's Ellaine. First girlfriend ni Rad."

I gritted my teeth and continued surveying the shell as if I'd found something. The truth is, I'm just trying to eavesdrop. She's his first girlfriend. But is he still connected to her? Isn't it normal to cut ties with your ex and live as if they do not exist? O ako lang 'yon?

I don't see any reason to stay connected and still have communication with your ex.

"She's our friend. Maganda rin ang breakup nila ni Rad. We managed to save the friendship." Dagdag ni Vin na parang sinagot niya ang nasa isip ko.

The hell I care?

But another girl approached us!

"Ano 'to? Reunion?" malokong nakangiti si Von kay Rad.

"Hi Rad!" Ngiting ngiti siya lumapit kay Rad at taas kilay niyang binalingan si Ellaine. "I didn't know you're still here, Ellaine."

"You don't have to know, Jas."

"Oo-ooh." Sipol ni Vin. "Jas is his second girlfriend. Lagi niya pinagseselosan si Ellaine."

Gumawa ng ingay ang paglagay ko ng delata sa cart. Ngumiti ako sakanila at kinuha ang listahan kay Rad. Kung gusto nila mag-reunion, bahala sila! Mamimili na lang ako dito. Kahit tipunin niya pa lahat ng naging babae niya wala akong pake!

Mabilis akong umalis doon dahil sa kabog ng dibdib ko. It was impulsive. I know! I don't care anymore!

"Wag ngayon, Von." Pigil ko agad sakaniya nang sumunod siya sa akin.

Narinig ko ang malokong tawa niya. "Kaya umalis ako. Alam na alam ko na 'to! Kawawang Raden. Masyadong pogi."

"Masyadong malandi!"

Mas lalo lumakas ang tawa niya. "Minus pogi points na naman ang kaibigan ko. Maglalasing na naman."

Nakakrus ang dalawang braso ko habang nagbabayad sila Dom. It represents my mood. Pasipol sipol si Von na naglalagay ng mga pinamili namin sa counter. Masayang masaya sila tapos ako parang nag semana santa.

Nauna akong umalis at sumunod sila sa akin.

"Fuck," naiusal ko at mabilis nag park.

I need to check if...if there are trace of us! Mga gamit niya o kung ano man sa sala. His things in my room are safe. Hindi ko naman sila papapasukin doon. Sa guest room lang kami.

Mabilis kong sinuyod ang sala at kusina. Nakahinga ako ng maluwag. Wala naman.

"Sorry. Tiningnan ko lang kung nalinisan na. Pasok kayo."

First time nila makapunta dito kaya hinayaan ko silang maglibot. Inayos na rin namin ang pagkaing binili at kakainin namin ngayong gabi. Hindi pa kami naghahapunan.

"Bakit ngayon mo lang kami pinapunta dito? Ang ganda tumambay!"

"Excuse me, Iza? Hindi tayo pinapunta, bakla ka! Nagpumilit tayo!"

"Heh!"

Dalawang guest room siguro ang magagamit namin. Malaki ang kama sa guest room at double bed pa. May mga extra matress din kaya lahat talaga may matutulugan.

"Ako una maliligo! Inaantok na ko!" Mabilis na umahon si Von sa pagkakahiga at kumaripas sa banyo.

"May isa pa namang banyo. Doon na ang isa."

"Ako na!" Si Trisha.

Hindi ko papagamit ang banyo ko. Nandoon ang mga gamit ni Rad!

Naligo ako sa banyo ko. Siguro kailangan ko na ayusin at ibalik sakaniya ang gamit niya dahil pati ang ilang damit niya ay nandito din sa akin. Kung ayaw naman niya kuhanin, akin na lang. I'm always comfortable wearing his clothes.

Behind the skies and liesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon