Nakangisi sa akin si Dominic nang maabutan ko ang tingin. Nag unahan ang pagtibok ng puso ko. Nawawalan ako ng hangin sa baga. Umiwas ako ng tingin at lumanghap ng hangin. What? Namalikmata ba ako? What the hell? Is he actually here? Rad is here? He's back? Kailan pa?
"What the fuck? What the fuck! Am I seeing things right? Putangina?"
Lumunok ako. Ang reaksyon ni Iza ay patunay lamang na hindi ako nababaliw at may nakikita talaga ako sa tabi ni Dom.
"Alya!" Lingon niya sa akin. "Putangina? Ang pogi ni Rad?! Nandito na talaga siya? Umuwi?"
Umiwas ako ng tingin sakaniya. That's my internal reaction, believe me.
He looks...so damn fine.
Noon palang, gwapo na talaga siya. Pero ibang klase ngayon. Naalala ko ang unang pagkakita ko sakaniya, kahit inis at galit ako ay nakahanap pa din ako ng puwang sa akin para mamangha sa itsura niya. Like I said, God was in the mood to be creative when it was his turn to be made.
Walang araw noon na hindi ako namangha sakaniya. Sobrang gwapo. Sobrang tikas.
"Tsk, darling! Ano? Paano ang manok namin ni Az?"
Pasinghal ko siyang hinarap. Ni hindi ko namalayan na nakalapit na siya sa akin. "What? Wala akong sinasabi, Von."
"Wala nga pero mukhang tutulo na laway mo."
Ako naman si tanga, tiningnan talaga kung merong tumulo!
"Ugh! Lumayas ka nga sa tabi ko! You did not even tell me!"
"Bintang ka agad diyan! Ang tanginang Dominic. Hindi man lang din sa akin sinabi na uuwi na pala ang gago. Akala ko ay sa kasal pa! We are allies here, darling. Huwag mo ko akusahan."
Inis ko siyang tiningnan pero wala na rin namutawing salita sa akin. I'm nervous as fuck! Nanginginig ang tuhod at kamay ko.
"Alyaaaa!"
Inagaw ko ang inumin ni Mikee nang lumapit siya sa akin. I badly need this. I need something hard. I need something that could knock my system off. Masyado nagwawala! Wala na sa kontrol.
"Wala na! Jusq! Isang pakita lang ni Papi Rad ay siya na ulit ang manok ko sa lahat!" madrama niyang sabi at ninamnam ang pagtingin kay Rad sa malayo.
Rad's talking with their circle of friends.
I never saw him glance at my way.
Is that it?
Nagningas ang mumunting inis at galit ko sakaniya noon. Sinubukan kong intindihin ang lahat. Ayos sana kung hindi siya nagbitaw sa akin ng salita na ako lang? Talaga ba? Ako lang ang mamahalin niya? Ang tanga ko rin naman kasi at pinanghawakan ko ang salita niya?
It's obvious. He only said that because of the spur of the of the moment. We were also young back then. Things changed already, as did his views and feelings.
Ako lang ata ang hindi nakalimot.
"Are you okay? Kanina ka pa umiinom." Lumapit ulit sa akin si Rion para iabot ang margarita.
Nagtagal ang titig ko sakaniya bago nahanap ang sagot, "Oo naman, Rion. Masaya lang din ako."
Inubos ko ang inumin, nagbabakasali na matabunan ang namamayaning hinanakit sa dibdib. Why am I even affected? He moved on. I did too. We just had it in different way.
"Your ex?"
Kunot noo akong nagbalik tingin kay Rion. "What?"
"Rad La Ruel. Your ex? Kanina ka pa balisa at panay tingin sakaniya."
BINABASA MO ANG
Behind the skies and lies
RomanceBeau Ciel Series # 1 "Did you know? Alya means sky...heavenly and beautiful. Beautiful sky. And since then, the sky always reminds me of you."
