Nothing happened as usual sa morning class. It is just the usual routine. Pero hindi ko alam kung bakit I'm looking forward sa mga class breaks namin. I feel so excited for no reason."Hon!"
"Oh? Aga niyo?" Mas nauna na naman kasi sila sa amin sa canteen.
"Yeah. Early dismissal."
Pero wala pa si Rad. Ang kambal palang at si Dom. Ayokong itanong kung nasaan siya. Gusto kong sarilihin lang kung ano man ang nangyayari sa aming dalawa lang. Ayokong madamay sila at ang samahan namin.
I messaged him. He's not replying. Kanina ko pa nirerefresh at nirereload ang IG ko pero wala. Wala din siyang chat ever since when we parted ways.
The break ends but he did not show up nor reply to my chats.
Am I ghosted?
Parang nawalan ako ng gana sa mga susunod naming subject but gladly, they are just minors and medyo meron naman na akong background sa tinuturo ngayon since I love to read in advance.
Pasimple kong tiningnan ang phone ko but there's still nothing in there! I have this unnamed feeling because of this.
"You look occupied and annoyed," pa-simple akong binunggo ni Trisha.
"Nah. Just sleepy."
"Neknek mo, lokohin mo."
But really? Parang nawala ako sa mood at inantok na lang.
Lunch came at hinanap ko agad kung occupied ba ang upuan niya but there's still no trace of him. Hindi pa rin siya nagrereply sa akin. Should I ask them now? Hindi ko alam kung nakapasok siya ngayon. But if no, bakit di ako sinabihan?
"Huy, dai! Ano order mo?" Siko sa akin ni Iza.
"Ha? Ano...kahit ano. Yung order mo na lang din."
"Oh sige! Lutang nito. Tara nga, Dom!"
"Why spacing out?" Pinanliitan ako ng mata ni Trisha kaya tumawa ako ng pilit."What? Come on, tell me!"
Pero bakit ko nga ba siya hinahanap? Ano naman ngayon kung wala siya? I should be happy.
"Gutom lang ako. I'm a lil moody when I'm hungry right?" She looks a bit convinced but she keeps on glancing.
I turned off my phone so I won't be tempted to check it every damn time if he replied or not. I don't care. That guy. I really can't wait na matapos ang lahat ng 'to and back to normal na ang buhay ko.
Wala talaga. Hindi ata pumasok.
Tapos na ang lunch pero walang Raden ang nagpakita sa akin. Hindi ko na mabuksan ang phone ko at ayoko din 'no! Wala naman akong hinihintay or inaabangan sa phone ko kaya okay lang.
Nang mag-PE, nauna akong magpalit ng uniform at dumiretso sa gym.
Sumunod sa akin sila Iza na dumating sa gym pero parang mas bumigat ang loob ko ng makita siya na nandoon lang at normal lang. Sinipat ko siya ng tingin. Hindi ito tumitingin o sumusulyap sa akin. He's just talking with some random girls, probably his classmates.
"Hoy gago. Mang iiwan!"
Hindi ko na napansin sila Trisha dahil nanatili kay Raden ang paningin at atensyon ko.
He's there, he's here. Pumasok naman siya! He did not show up and he did not reply. Yes, I checked it kanina while nasa cr ako. Kahit seen wala. What? That's it? He visited me last night and we cuddled like a couple and now? That's all?
"Hi! Grabe. Ang ganda mo talaga, Alya. Ano shade ng blush on mo?"
"Oo nga. And yung lipstick, super natural tingnan. Actually, buong mukha mo nga? Ang ganda mo! Hindi ka pansinin before pag normal days lang but you look so maganda!"
BINABASA MO ANG
Behind the skies and lies
RomanceBeau Ciel Series # 1 "Did you know? Alya means sky...heavenly and beautiful. Beautiful sky. And since then, the sky always reminds me of you."