Kabanata 10

276 6 0
                                    


I'm not really into modern romantic movies. Mas gusto ko kasi 'yung mga luma katulad ng "A walk to remember" at iba pang sinulat ni Nicholas Sparks pati na rin ang iba pang stories na same genre.  Medyo recent ang pinili niya. It was good but it is not remarkable for me.

"I'll cook our dinner," aniya nang matapos namin ang pinapanood.

"I'll help!"

Bumili kami kanina sa grocery ng mga kailangan for our dinner. Buti nga walang nakakita sa amin sa grocery. Siya ang nagbayad kaya bumili ako ng dessert namin. Ayaw niya pero dahil mapilit ako, hindi na niya ako napigil.

"Ang bangoooo."

"Ako lang 'to."

Natawa ako sa pag-akto niya na arogante.

We have a light atmosphere while eating. He likes listening to me. Pag nagsasalita ako, I have his full attention and he responds well. May times pa na sobra akong natawa sakaniya. He's not failing to make me well entertained.

"Ako na maghugas. Uuwi ka ba...I mean, anong oras ka uuwi?" Nakagat ko ang labi ko nang rumehistro sa akin ang tanong ko.

Bakit ko ba tinanong 'yon? hindi ko kasi inisip muna bago sabihin! Am I expecting him to stay again?

He has this mischievous smile in his lips.  Napairap agad ako sakaniya.

"What!? Umalis ka na nga! " Ani ko at pinanglakihan siga ng mata.

"Tulong ako. Ikaw? Uuwi ka ba?" Sabi niya habang pinupunasan ang nahuhugasan ko na.

"Uh..siguro."

Parang hindi pa ako sigurado sa sagot ko ha? Alyaina, umayos ka!

"Siguro?" maloko niyang sabi.

"Teka nga! Bakit ba ako tinatanong mo. Bahay ko 'to kahit saan ako matulog okay lang. Ikaw? Ano oras ka uuwi?" 

Natawa siya  kaya hindi ko na napigilan kinurot ko siya sa tagiliran!

"Ah! Aw, Alyaina! Ouch!"

Ako naman ang natatawa habang hinihimas n'ya ang kinurot ko. "Oh ano ha? Ano ha?"

"Bugbog talaga aabutin ko sa'yo. Bigat bigat ng kamay mo."

"Oh? Ilang kilo?"

He bit his lower lip as if nanggigigil siya sa akin. Kaya kinurot ko na naman siya sa tagiliran niya pero umiwas na siya. I tried to pinch him again. Ang galing umiwas! Ang hirap kurutin.

"Hey! Masakit ha!" Tatawa tawa siyang umiwas sa mga amba kong kurot.

Naghahabulan na kami sa kusina pero akong bobo, muntik ng madulas! Medyo basa kasi ang sahig sa bandang lababo. He's just fast enough to catch me. It made my heart beats crazily. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa muntik na ko madulas o dahil sa hawak niya sa akin ngayon.

We are both catching our breath. He's just looking at me while still holding me.

I smiled and got the chance to pinch him.

"Huli ka!" 

Natawa ako sa pagdaing niya.

"I should bring some clothes next time," he suddenly said. We are now watching again. This time, ako ang pumili.

"Huh?"

"What? I like to shower before sleeping."

"Oh edi umuwi ka na at magshower?"

"I'll sleep here."

"Wow. Paladesisyon ka din pala, hindi man lang nagtanong?"

"Let's sleep here," he smiled. Agad siyang humiga sa sofa. Malaki ang sofa namin kaya nga nagkasya kami last time. Nate-tempt ako pero kailangan kong magpakipot naman 'no! He likes easy girls!

Behind the skies and liesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon