Halos hindi ako tiningnan ni Rad. Hindi rin ako makakain ng ayos at panay ang sulyap ko sakanila. All of his attention is on her food. He's making sure she's not having a hard time feeding herself. Siguro kung nahirapan si Ara ay siya na mismo ang magpapakain!Tulala ako bumalik sa class room namin. Hindi ako nagpaapekto habang nakikinig sa lessons.
It was heavy but I know my priorities.
"Are you okay?" Sunod sa akin ni Mikee dahil dismissal na.
"Oo naman. Bakit hindi?"
"Aw. My barbie doll." Niyakap niya ako habang naglalakad kami kaya sinaway ko siya.
"I'll...I'll get him back."
Halos itulak niya ako nang marinig ang sinabi ko. Eskandalosa siyang tumigil at nameywang.
"Gaga ka ba? Bakit?!"
Ngumuso ako. "I like him."
"Huh? The mixed signal is mixing again!"
Tumawa ako at hinila siya sa parking lot. Gaya ng inaasahan andoon na sila Von. Rad is not here yet. It's not like I'm going to ride with him. May dala akong kotse. Siguro sa susunod ay hindi na para siya ang maghatid sa akin ulit.
"Nasaan si Rad?" Tanong ko.
Ngumanganga sa akin si Mikee. "Oh my gosh!"
"Naghihintay kay Ara. Pababa na rin sila, Alya." Ani Vin. Tumango ako at sumandal sa kotse.
"Anong ganap mong gaga ka?" Bulong sa akin ni Iza kaya lumapit din sa akin si Mikee.
"Pigilan mo, ante ko!"
"Ha? Bakit? Ano bang meron ha? Hindi kayo nagpapansinin ni Rad at ang kwento sa akin lagi ni Dom ay nasa inuman sila dahil kay Rad."
I smiled. "We had...misunderstanding."
"Hala siya teh! So totoo nga na may relasyon kayo noon?"
"Wala! We're just close!"
"Sige! Itanggi mo pa!" Iza hissed. "Kung sa bagay. Wala nga siguro kasi kita mo naman ang bastardo, akala mo lumpo ang Arabella na 'yon kung makaalalay siya. Isang kamay lang naman ang napuruhan!"
"Ante ko ang bunganga mo talaga! Baka marinig ka!"
"Oh? So what? Pake ko naman!"
Pinanood ko ang pagdating ni Rad at Ara. Sumasabay si Rad sa pacing ni Ara na bahagyang mabagal. Mula dito ay nakita ko ang hindi matigil na pagbuka ng bibig niya. She seems very talkative. He's making Rad occupied.
Bumuntong hininga ako para malabas ang bigat ng dibdib ko.
"Sure ka ba dito, Alya? I thought you are mad at him? Hindi ba? We saw him and...Mel."
Ngumuso ako at tumango. "Mel initiated the kiss. Rad already explained. Hindi niya gusto."
"Ang ingratang 'yon! Okay. I'll help you out. Kung sure na? Andiyan naman si Papi Azriel?"
"Shut up. Sayo na ang unggoy na 'yon." I chuckled.
Kinagat ko ang labi ko nang makitang pinagbuksan ni Rad ng pinto si Ara. Everything he has done for me before, he is doing for her as well. Gusto kong magalit pero kailangan ko munang ayusin ang sa amin.
"May lakad ba tayo ngayon? Ara needs to rest. Ihahatid ko muna." Baling niya sa amin nang maisara niya ang pinto.
"Oo. Mamaya daw. Sa The Trial." Sagot ko kahit wala naman kami napag usapan kanina.
BINABASA MO ANG
Behind the skies and lies
RomansaBeau Ciel Series # 1 "Did you know? Alya means sky...heavenly and beautiful. Beautiful sky. And since then, the sky always reminds me of you."