Kabanata 35

353 7 9
                                        


Hindi agad ako bumangon nang magising ako. Anong katangahan ang ginawa ko? Hindi ko alam kung lasing ba ako kagabi o ano? Did I really let myself be...that close to him? That's...that's too intimate for us! Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil konting galaw at salita niya lang ay bumibigay ako!

Wala pang alak 'to!

"Hindi pa gising? Baka naman pinagod mo, Rad? Gisingin mo na at mabagal mag ayos ang isang 'yan!" rinig ko ang katok at pagkausap ni Iza at Rad.

"She's tired, Iza. Susunod na din kami agad."

"Oh siya hala go! Nag aayos pa naman ang mga bakla. Ako din! Bye!"

Hindi ko na hinintay na gisingin niya ako. Mabilis akong tumayo at kinuha ang mga kailangan ko para maligo. I'm too embarrassed to face him! Ano? Ano ang rationale ng nangyari kagabi? Even friends don't do that!

Mabuti sana kung nagtabi lang kami pero halos kumandong na ako sakaniya kagabi!

Sinamantala ko ang pagligo niya. Hindi ko alam kung paanong natapos agad ako sa makeup at hair ko ng ilang minuto pero hindi pa siya tapos maligo ay nakalabas na ako ng kwarto namin.

"Oh? Bakit parang hinahabol ka ng multo?" Salubong sa akin ni Von.

"I'm...I'm hungry! Naka order na ba?"

"Oo. Tawagin na nga sana kita. Una ka na doon. Sunduin ko lang din si Rad. Loko ka eh iniwan mo."

Hindi ako tumingin nang dumating siya. It felt like a sin just by looking at him. Hindi ko alam kung paanong iwas ang gagawin ko sakaniya sa mga susunod na araw. O hindi kaya pwede ko naman kalimutan ang nangyari at...ituring lang din siyang kaibigan gaya nila Von?

We had our closure before. Wala na kaming itutuloy. Lahat natuldukan na.

The beauty of Coron took my worries away. The emerald-green waters gently kiss the feet of towering limestone cliffs, creating a breathtaking contrast against the azure sky above. How could we even miss the beauty of Twin Lagoon? We held hands as we felt the gentle wave of the lagoon.

As the sun sets, the sky ignites with fiery hues, casting a spell of serenity over the tranquil landscape.

"Bro? Naging pink na towel mo?" Inosenteng puna ni Von kay Rad.

Agad namula ang pisngi ko.

Nakita ko ang nanunuksong tingin nila Mikee sa akin! Inirapan ko sila. I appreciate their efforts for Rad and I. Maybe they want us to be at least friends after all that happened. Ang pangit din naman kung kaming dalawa ay hindi civil sa isa't isa habang silang lahat ay ayos lang.

I think...I can adjust. I think I need to put more effort as well so I could be at ease whenever he's around.

And put damn boundaries.

"I'll shower first."

Matapos ang dinner namin ay dumiretso na ako sa kwarto. Nagpauna akong maligo dahil balak kong matulog ng maaga. Pagod ang mga kasamahan namin kaya hindi na nag aya pa ng activity ngayong gabi. We will be snorkelling and kayaking tomorrow.

Naging mas mabilis ang pagligo ko at pagtuyo ko sa buhok. Umaayon naman sa akin ang lahat dahil ramdam ko na ang antok ko nang makalabas si Rad sa banyo. I'm already in my bed.

There is just one queen-sized bed in our room. It's big. I also put a pillow between us last night.

Mabilis akong nakatulog dahil sa pagod. I woke up early too but he's gone ealier. Saan naman siya pumunta?

Behind the skies and liesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon