"Nagkatampuhan kayo ni Rad?"
Kahit ano atang pag iwas ko, talagang wala ata akong takas. It's been two weeks since I distanced myself from him. He sometimes messages me still. Binabasa ko lahat. Inuulit ulit ko. Ilang ulit ko rin pinigilan ang sarili ko na sumagot.
"Ha? Bakit mo nasabi? Okay naman kami," pagtanggi ko kay Iza.
"Are you sure?"
Inaya nila ako ni Trisha mag pamper ngayong weekend. Hindi ako tumanggi dahil wala na rin talaga ako magawa sa bahay. Malapit na ang finals pero halos tapos ko na lahat ng kailangan aralin. Bukod doon, kailangan ko din nito. Para kong stress na kaluluwa na laboy laboy.
I always feel lightheaded but my heart was heavy.
"Oo naman. Busy lang din ako. Baka ganoon din siya."
"Mukha ngang naging busy na." Umiling si Trisha.
"Bakit?"
"Busy para di ka maisip! Ganon!"
Umiling ako kay Iza. "Wala nga sabi kami. Kaya wag na kayo mag isip."
We stayed like this. There are times I see him trying to approach me. I'm very conscious whenever he's around. Mabuti at lagi ako nakakahanap ng lusot para hindi kami magkalapit o magtuos.
The universe is on my side. Naging busy ako sa club at organization na sinalihan ko. Madami din paper works at requirements dahil finals na. The season of requirement completion. Ginawa ko ang lahat ng 'yon dito sa school. Wala ako ginagawa sa bahay para malibang ang sarili ko dito.
"You are really serious with your challenge, Ms. Amora." Naglapag si Marcus ng inumin sa table ko.
"I'm just doing my paperworks, Mr. Dela Cortez. Masyado ka naman atang kinakabahan?"
Nakangiti siyang umiling. "I'll keep my eyes on you. I will do my work here as well."
He always find me here. Sa takbuhan ko. Sa takas ko. Sa library. This is my comfortzone. Madami akong pagpipilian basahin para lang hindi ko maisip ang sitwasyon ngayon. Pati na ang nararamdaman kong pangungulila sakaniya.
This is so unfair. I did this for him to learn. Why...why am I so affected?
Ang bigat ng loob ko araw araw. Wala akong magawa. Ako naman ang may gusto. Ako naman ang nagpumilit pumasok sa buhay niya at ipasok siya sa buhay ko.
Days before finals, I studied again. Hindi ako tumigil hanggang mapagod at sumakit ang ulo ko. Kahit nakailang basa na ko, hindi ko 'yon tinigilan.
"You're stressed."
"Calie..."
"How are you?"
Sa simpleng tanong, may bumara sa lalamunan ko. Ilang linggo ko pinigil maramdaman pero sa isang kamusta lang sa akin umiiyak na ako. Nakita ko ang pagtakip ng bibig ni Calie at agad akong niyakap.
She panicked. "What's wrong? I'm here. Oh my gosh. I'm sorry. I was busy with my studies. Hindi kita nakakamusta."
Umiling ako. "I don't know. Hindi ko na rin alam."
Alam ko. Wala akong karapatan maramdaman ito dahil ako naman ang may kasalanan. Sa akin desisyon din naman. Kaso hindi ko na rin mapigilan. Ang tagal tagal ko na binibitbit. Lagi ko pa rin siya hinahanap. Lagi ko pa rin siya iniisip.
I got burn with my own flame.
Calie stayed with me the whole night. I was so embarrassed that I cried.
"It's...It's just my hormones. Wag mo ko masyado alalahanin." I reassured her.
"Iinom tayo. Iinom natin 'yan, okay?"
BINABASA MO ANG
Behind the skies and lies
RomansaBeau Ciel Series # 1 "Did you know? Alya means sky...heavenly and beautiful. Beautiful sky. And since then, the sky always reminds me of you."
