We arrived at AVR 2. Nandoon na rin ang ibang class presidents at representatives. As I expected, nandito na sila Marcus bago pa man kami makarating. He's very strict when it comes to time. He's matured and really goal-centered. Madami rin nagkakagusto sakaniya pero medyo suplado at seryoso sa pag aaral.And to tell you, I have a crush on him.
Hindi naman super. Lakas lang ng appeal niya sakin lalo pag nagkakasabay kami sa library tapos nandoon lang siya, nag aaral. He never let his attention diverted. He's so focused. It was a damn turn on for me.
"Grabe talaga sila magplano 'no? Ang saya saya!" bulong sakin ni Mel.
"Oo. Akala ko nga noon talagang studies lang ang alam nila. Didn't know na ganito sila magplano ng mga activities. Naging exciting tuloy," I said while looking at Marcus. Hindi ko nga alam kung bakit ang dami kong nasabi. I just know a lot about him.
I sounded like a proud mom talking about her son's achievements and whereabouts.
"And to add na gwapo talaga si Marcus, gaganahan ka talagang sumunod sa mga ini-implement niya," humagikgik siya kaya natawa ako.
Hindi na ulit kami nagkwentuhan. Wala na rin akong willingness makipag usap dahil nilalamig na talaga ako. Pero parang hindi pa matatapos ang meeting. I need warmth!
"Restroom lang ako. Ang lamig talaga."
Parang ayoko na ulit pumasok pag naiisip ko kung gaano kalamig sa room. I was warming my arms when I saw Raden leaning on the wall. He's holding his jacket and a bottle of water.
Napatingin siya sa akin at agad na umayos ng tayo.
"Hi."
I smiled, almost laughing. "Seriously, Raden? Hi?"
"What?"
Nagkibit balikat ako. "Gagawa mo dito?"
"Running some errands. Tapos na kayo?"
"Hindi pa nga. Lumabas lang ako. Ang lamig lamig. Tagal pa matapos," Hindi naman talaga ko naiihi or what, kailangan ko lang talaga ng init.
"Oh." He handed me his jacket. "Sayo muna."
His jacket is a big help kaya hindi ko na 'yon tinanggihan. Medyo hindi ako makapag-focus dahil sa lamig.
"Sige, salamat. Balik na ko sa loob."
"Sayo na lang din 'to," binigay niya sa akin ang sealed pang tubig. "May bitbitin ako mamaya, hindi ko madadala," he said while looking at the field.
"Oh. Oki, thank you ulit! See you around," I said while wearing his jacket.
Para akong natuod ng iayos nya ang buhok kong nakaipit sa loob ng jacket niya. He's just doing it normally while ako? I just stood there like a frozen grass! Parang narealize niya ang ginawa. He distanced himself a bit.
"Ah." I laugh awkwardly. "Pasok na ako ha?"
Hindi ko na siya hinintay makapagsalita, iniwan ko na talaga siya don.
I wonder kung ganito din ba siya sa lahat ng babae dahil kung oo, walang duda kung bakit nahuhumaling sila sakanya! He's so damn flirty.
"Tagal...mo naman," baling sa akin ni Mel while looking at Raden's jacket.
"Ah..bumili pa ko ng tubig," sagot ko at pinakita sakaniya.
Tumango lang siya but I can't count how many times she took a glance in what I'm wearing. Kahit pa itanong niya, I'll deny it. Hindi lang naman siguro si Raden ang may jacket na ganito kahit na ito talaga lagi n'yang suot.
![](https://img.wattpad.com/cover/223707943-288-k632910.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind the skies and lies
RomansaBeau Ciel Series # 1 "Did you know? Alya means sky...heavenly and beautiful. Beautiful sky. And since then, the sky always reminds me of you."