"Sorry. Excuse us for awhile." Rinig kong sabi ni Rad at sumunod sa amin.Dumiretso kami sa isang kainan para makapag lunch. Medyo nahuli si Von at Dom sa pag sunod sa amin. Sigurado akong nakipaglandian pa sila sa mga babae doon. I'm kind of glad that Rad did not take that long to follow us.
"Nagseselos na ako, Von! How could you do this to us? Sino siya ha? Sino 'yon?" madramang sabi ni Mikee.
"Mikee babe, she's just a friend."
"Sabi ko na nga ba. Pareparehas lang kayong mga lalaki!"
Nagtawanan kami sa skit nila habang naghihintay ng pagkain. Nakakapagtaka na hindi iniimik ni Iza si Dom na papansin naman ngayon. Magkatabi sila ni Rad sa harap namin ni Iza.
"Bakit naman ang tahimik niyong dalawa diyan? Umuwi na kayo!" baling sa amin nila Arvin.
"Gutom ako beh! Wag ka magulo!"
Ang gagawin namin ngayon ay chill at picture lang daw. Tatampisaw sa dagat at manonood ng sunset. Mamayang gabi ay iinom daw kami at magkakaraoke. Tomorrow, we will be exploring La Union.
Hinayaan ko si Rad na asikasuhin ako sa pagkain. Nilagyan niya ako ng kanin at ulam. He even ordered me fresh mango shake. Nakatingin lang ako sakaniya habang ginagawa iyon. The others did not mind it. Sanay na sila kay Rad na ganito.
It made my heart aches so good and so bad.
Hindi niya ako tinapunan ng tingin nang matapos siya sa pagaasikaso sa akin. He continued eating and laughing with Dom sometimes.
"See? I told you. She will message me," mayabang na sabi ni Dom.
"Si Rad ang type ni Veronica, Dom," mapang asar na sagot sakaniya ni Von.
"Sino ba mga kausap niyo kanina, Hon?"
"Sila lang may kausap, Hon."
"Oh sino nga?"
"Nakasabay lang namin tumambay sa bar kanina. Kinausap nila Dom."
Tumaas ang kilay ko pero parang mas mataas ang kilay ni Iza sa tabi ko?
"Tingnan mo nga kung sa'yo nag chat si Hadjie. Mas type ko 'yon!" utos ni Dom kay Rad na sinununod naman ng lalaki!
Napainom ako sa mango shake at pinanood siyang pumindot sa cellphone niya.
"Tsk! Sinasabi ko na nga ba! Pati si Leigh?!"
Halos kagatin ko na ang straw ko habang nakatingin sakaniya. Hindi ko alam! Hindi ko talaga alam kung bakit! Kaya nang mapatingin siya sa akin ay nagdalawang tingin pa siya. Maybe he got shock to see my face.
"I did not reply," mabilis niyang sabi.
Pasimple ko siyang inirapan at nagpatuloy sa pagkain. I don't care! Wala naman ako sinasabi di ba? Bakit ang defensive niya? He can chat with all the girls he wants to talk with!
Nang matapos kami kumain ay nagpahinga kami sa villa dahil masyado pa mainit sa labas. The boys are busy and loud while playing their mobile games along with Iza. Nagmamaganda lang si Trisha, Mikee at Arvin. And I was just reading a book that I brought.
It's romance, okay? Hindi pa ako nag aaral!
I'm very occupied with this book. Hindi ko na napansin ang paligid ko at nagbabasa lang ako.
May tumabi sa akin. I know it was Rad. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy magbasa.
"You can check. Hindi talaga ako nagreply," mahinang sabi niya at inabot pa ang phone.
BINABASA MO ANG
Behind the skies and lies
RomanceBeau Ciel Series # 1 "Did you know? Alya means sky...heavenly and beautiful. Beautiful sky. And since then, the sky always reminds me of you."