Kabanata 16

221 6 0
                                    


It's Monday at halos nagkakagulo na kaming lahat. Ang akala ko magiging chill na lang sa amin 'to pero pati kami kinakabahan para bukas.  Arvin is one of the emcees kaya for sure magiging masaya 'yon. Si Von ba naman ang kapartner? Talagang magkakagulo sa stage niyan.

"Apir talaga, Arvin babes! Makikita na ng buong school ang kagwapuhan ko." Masayang nag apir si Von at Arvin na naging instant bff.

"Yieee! Magkakajowa na 'yan!" Tukso namin sakaniya.

"Mga bad ang mouth niyo ha!"

Ganito ang set up namin sa lunch. Nakasabay sa amin sila Mikee at Arvin. Raden is still consistent, he's still bringing me his packed lunch. Walang mintis ang pag aasikaso niya sa akin. Kung paano siya noong simula, ganoon pa rin siya hanggang ngayon.

I smiled faintly.

After lunch, Marcus called us for a meeting. He's reiterating our duties for tomorrow.

"Alya, ready na ba ang sashes, flowers and crown?"

"Ah yes. I already double checked it na kanina. I'll check it again."

"Good." He smiled. "Aira? The certificate and recognition?"

"Clear, boss."

"Okay, Arvin, Von. You know the flow of the program, just give more emphasis for the judges in the opening remarks. Got it?"

"Yas, Papi!"

Siniko ako ni Aira. "Grabe talaga si Marcus 'no? Ang galing. Super hands on! Super gwapo pa niya kapag ganitong seryoso siya."

I just signal her to shut up baka marinig kasi ni Marcus! She was not wrong about it. Marcus is really attractive when he's like this. Goal centered and serious. He knows he is in control.

"Alright. Let's check our stage later, the music and our microphones. Lea? Inform the bands and dance troupes sa magiging flow ng program."

"Okay. Noted."

"Everything's good? Any problems? Sabihin na ngayon."

"Wala, Marcus." Sagot namin.

"Alright. Good. Let's see each other later." And he dismissed us.

"Huhuhu. Ang gwapo ni Marcus!" Sumabay sa akin si Arvin at kinawit ang braso habang inakbayan kami ni Von.

"Sino mas gwapo? Ako or Marcus?"

"Marcus." Sagot ko para asarin siya.

"Ikaw, Papi syempre!"

"Taksil ka, Alya ha! Kaibigan mo ko at future asawa ng pinsan mo. Kaya ako dapat!"

I scoffed and made a face. "Tulog ka na. Nanaginip 'to ng gising."

"Ang hardcore mo bakla! Akin ka na lang Von!"

"Pag wala na edad ko sa kalendaryo, sige! Magbato bato pick kayo ni Arvin kung sino sakin!"

Naabutan namin ang mga kaklase namin na naglilinis. Naka-display na sa isang mannequin ang mga susuotin nila Trisha and Andrei. Ready na rin ang gamit ni Mikee para sa kanilang dalawa.

"Ready ka na ba bukas ha?" Yugyog namin kay Trisha.

"Mga gaga, oo na oo!"

"Uwi mo man ang crown or hindi, ikaw pa rin panalo sa amin!"

"Hindi pwede! Uwi mo!!"

"We'll do our best, guys." Ngumiti ng gwapo si Andrei sa amin.

"Fighting tayo mga vakla!" sigaw ni Mikee bago kami umuwi.

Behind the skies and liesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon