"Ah no need naman ihatid ako. I can just call our driver," pigil ko nang marating namin ang parking.
Hindi siya sumagot at pinagbuksan na lang ako pinto ng kotse niya. I got no choice but to hop in! He put my bag in the backseat. It's a little awkward pero ayos lang. Wala naman akong plano na kausapin siya.
"Are you really okay?"
"Yeah. Let's just go home," ani ko at pumikit para hindi na niya ako kausapin. Bakit ba kasi ko sumama pa?
"Na-check na ba 'yan? Let's get it examine-"
"It's fine. Na-examine na kanina at walang problema."
Walang nagsalita. That's good.
"Do you want something to eat?" Kahit nakapikit? talagang kakausapin ako? "You are not sleeping. Talk to me, Alyaina."
"Hindi ako gutom," pa-bugnot akong umayos ng upo. "How's Mel?"
I can still recall na kakabalik lang niya ngayon kaya ngayon lang niya nalaman ang nangyari sa akin. Ano? Sobrang sakit ba pagkakatama ni Von sakaniya at inaabot sila ng oras?
"She's fine."
At mas lalo akong nainis sa sagot niya. Ano? Yun lang? Ang tagal niya doon tapos she's fine lang sasabihin sa akin.
Hindi ko na napigilan kaya dumilat ako at napairap.
"Why are so suddenly moody?"
"Masakit ulo ko. Don't talk to me."
I'm mad...because I'm really mad at him. Noong una palang naman. Walang nagbago ngayon, kung anong pakay ko sakaniya. Kaya nga ako nandito di ba? Para kilalanin siya at turuan ng lesson. That's the only reason kung bakit ko siya pinakikisamahan and to get my cousin even. And after all that, I'll be living my life like he does not existed.
Nakarating kami sa bahay at gusto ko na sanang bumaba pero naka-lock pa rin ang pinto ko.
"Let's talk."
Napabuga ako ng hininga. "Wala tayong pag-uusapan. Salamat sa paghatid, please open the door."
Naiirita talaga ako sa pagka-usap niya sa akin at kahit tingin, hindi ko magawa!
Damn you, bastard!
"What's our problem, Alyaina?"
"What? Wala. Bakit tayo magkakaproblema?" Sinulyapan ko siya ng matalim na tingin at nag-cross ng braso.
"Come on," he softly said at hinarap ako.
I scoffed. Ganito nga pala talaga siya. I wonder kung ilang babae na ang ginaganito at naganto niya. Surely, I'm not the first one at mas lalong I'm not the only one. He's so babaero. Mas lalong nag iinit ang tuktok ng ulo ko sa mga naiisip ko!
"What I did to Mel is nothing."
Kung may iinit pa ang ulo ko, parang mas lalong uminit nang mabanggit niya si Mel.
"Okay. So?" Ano namang pake ko.
"Alyaina.."
"Raden, I want to rest okay?"
He looks defeated when I look back to him. "Alright, I'm letting you go so you could rest. We'll talk tomorrow."
"Thank you sa paghatid. Ingat ka pag uwi," I said unconsciously.
Malakas ata ang pagkaka-untog ko!
"I will. I'll chat you later."
Hindi ko na siya sinagot at pumasok na.
BINABASA MO ANG
Behind the skies and lies
RomanceBeau Ciel Series # 1 "Did you know? Alya means sky...heavenly and beautiful. Beautiful sky. And since then, the sky always reminds me of you."
