Prologue

48.6K 835 340
                                    


BAGAMAN walang ulan ay malakas ang hangin at lumaki ang mga alon at tila pinaglalaruan ang ferry boat na gumiwang-giwang. Bored and irritated, lumabas si Benedict mula sa air-conditioned area ng ferry.


In more or less thirty minutes, dadaong na sila sa Calapan Pier at pumasok sa isip niyang sa jeep na niya na nasa ibabang deck hintayin ang pagdaong. But he changed his mind. Bukod sa mainit at maingay roon, hindi rin naman siya makalalabas kaagad sa sandaling dumaong na. Maaga siyang dumating sa Batangas kanina at naipasok niya kaagad ang four-wheel drive niya sa loob ng ferry boat. Naharangan na iyon ng iba pang mga sasakyan.


Ipinasya niyang sa top deck magtungo nang muling gumiwang ang ferry at mula sa kung saang bahagi ng deck ay isang babae ang napasubsob sa kanya."Easy..." aniya at inalalayan ito.


"Oh, thank you!" malambing na wika ng babae at tumingala at matamis siyang nginitian. Ang mga kamay nito'y nanatili sa pagkakakapit sa lapel ng sport shirt niya. At ang dibdib nito ay ipinagdidiinan sa dibdib niya.


"Mabuti na lang at nandiyan ka, Mister...?"



Benedict almost rolled his eyes. Nadagdagang higit ang iritasyon. Inalis niya ang mga kamay sa pagkakahawak ng babae. "Excuse me," aniya at akmang tatalikod subalit hinawakan siya nito sa braso.



"May ibang paraan ako ng pasasalamat," wika nito, mapanuksong ngumiti."Sa iba mo na ialok iyan. Hindi ako interesado." Pagkasabi niyon ay muli niya itong tinalikuran.



NAPAKAPIT nang mahigpit sa barandilya ng ferry boat si Julianne nang sa pakiramdam niya ay tataob ang ferry sa hampas ng malalaking alon. The weather was unpredictable. Kanina sa Batangas Pier ay kay ganda ng panahon. Makalipas lamang ang halos isang oras na pagbibiyahe ay nagsimulang humangin nang malakas at lumaki ang mga alon. Pakiramdam niya ay tila papel na pinaglalaruan ng alon ang ferry boat.


Sanay siyang bumibiyahe sa dagat. Kung hindi sakay ng pribadong chopper ay sa yate ng ama siya sumasakay patungong Paso de Blas. At nakadarama siya ng kapanatagan sakay ng Jewel abutin man sila ng sama ng panahon sa dagat. Mahusay at bihasa ang kapitan ng yate at ang mga crew nito. Bukod pa sa mga lifesaving device na nakapaligid sa yate.


Pero iyon ang unang pagkakataong sumakay siya ng pampublikong sasakyang pandagat bilang pangkaraniwang tao. At kahit papaano ay nakadarama siya ng kaba nang magsimulang laruin ng malalaking alon ang ferry.


Ang nakikita niyang mga lifeboat sa gilid ng ferry ay hindi sapat upang mapanatag siya. Worse came to worse, sa dami ng pasaherong sakay ay malamang na mag-agawan ang mga tao sa lifeboats.


Ipinilig ni Julianne ang ulo. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya. Katunayan ay napuna niyang kalmante ang mangilan-ngilang pasaherong nasa itaas ng deck. Tiyak na sanay na ang mga ito sa ganoong biglang pagsama ng panahon at paglaki ng mga alon.


At malamang na siya lang ang kinakabahan. Hinayon ng mga mata niya ang karagatan. Patuloy sa paglaki ang mga alon at paglakas ng hangin. Ang masasabi niyang konsolasyon ay natatanaw niya nang malinaw ang mga pulo sa paligid. Mahusay siyang lumangoy. Anuman ang mangyari ay posible niyang marating ang alinman sa mga pulong natatanaw.

Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon