MULA sa pagkakasubsob sa sofa ay gulat na nag-angat ng katawan si Julianne at nilingon ang pinanggalingan ng tinig.
Si Stan. Suot pa rin nito ang damit kagabi bagaman kusot at bukas nang lahat ang mga butones niyon. Sa tantiya niya ay sa sofa ito natulog at nagising lang nang mapasigaw siya. Sa end table ay naroon ang bote ng alak at ang walang lamang kopita.
Uminom pa ba ito nang matapos ang party? Napangiwi siya sa sarili. Ni wala siyang kamalayan kung anong oras tumigil ang ingay sa ibaba kagabi. O alin ang unang natapos, ang pagtatalik nila ni Benedict o ang party.
The last thing she remembered was when Benedict draped his arms around her. She felt so drained, so sleepy, and deliriously content. Isiniksik niya ang mukha sa dibdib nito at tuluyang nagpadala sa antok.
Napatayo mula sa sofa si Stan. Hindi makapaniwalang tinitigan siya mula ulo hanggang paa. "Natulog ka sa silid ko! Hinintay mo akong talaga!" Humalo sa pagkamangha nito ang panghihinayang. Ipinahiwatig lang ng sinabi nito na hindi pa ito pumapasok sa sariling silid.
"Ang laki ng tiwala mo sa sarili kung inaasahan mong maghihintay ako sa silid mo kagabi, Stan," aniya sa malamig na tono. Nalalanghap niya ang malakas na amoy ng alak mula sa hininga nito at napangiwi siya.
Paanong iba ang dating niyon sa kanya mula kay Benedict kagabi? Benedict's whiskey-scented breath brought shivers down her spine. Mula kay Stan ay gusto niyang paypayan ang sarili at lumabas upang sumagap ng sariwang hangin.
"Kung ganoon ay saan ka natu—" Nahinto ito sa pagsasalita.Tumingala sa itaas at mabilis ding ibinalik ang namumulang mga mata sa kanya. Naroon ang pagdududa. Pagkatapos ay umiling na tila ba imposible ang biglang naisip.
Pagkuwa'y ngumisi ito. "Ah, itinuro tiyak sa iyo ng matandang Mangyan ang guest room sa itaas. Sa bukana lang iyon. Kung alam ko lang na doon ka natulog, di sana'y..." His voice trailed off, but the innuendo was obvious.
Hinawakan siya nito sa mga balikat. "Anyway, atin ang buong araw ngayon para mag-usap, Julianne. Huwag mong bigyan ng malaking issue si Milet at ang anunsiyo ko kagabi. I don't love her—"
Hinawi niya ang mga kamay nito sa mga balikat niya. "Walang dapat pag-usapan pa, Stan," aniya sa mahinahon subalit mariing tinig. "Tapos na sa atin ang lahat. Kagabi pa. You can marry Milet for all I care. It doesn't really matter."
Tinitigan siya ni Stan. Tinantiya. Then a humourless smile appeared on his lips. "That is one thing I like about you, Julianne, honey. You're so cool... dignified even in a worst circumstances. You would make a good politician's wife. I would really hate losing you. But I need money to win this election. At ipinangako ni Milet ang suporta ng mga magulang niya. Sila ang ticket ko sa mayoralty."
Manghang napatitig siya rito. "Money? You cheated on me because you thought I am a poor man's daughter?"
Itinaas ni Stan ang mga kamay at hinilot ang magkabilang sentido na para bang biglang sumakit ang ulo.
"Hindi ko inakalang anak-mahirap ka lang, Julianne," wika nito. "Alam kong mahirap ka." Idiniin nito ang sinabing iyon na tila ba isang krimen ang maging mahirap. "Kaya ka nga nagtatrabaho sa mga de Castro, hindi ba? At sinabi mo mismo sa akin na isang empleyado lamang ang ama mo sa kompanya ng semento."
BINABASA MO ANG
Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)
Romance"Now what shall it be? Go home or have a drink with me?" tanong ni Benedict, watching her over the rim of his goblet. Julianne saw the challenge in his eyes. Itinaas niya ang mukha, accepting the challenge, tulad ng pagtanggap ng maliit na insekto s...