13

17.5K 531 87
                                    


SINALUBONG si Julianne ng malamig na dapyo ng hangin paglabas niya patungo sa maluwang at madilim na veranda. Ang mga ilaw na nagmumula sa mga poste sa ibaba ang tanging nagsilbing tanglaw. At dahil mataas na ang kinalalagyan nila ay halos hindi umabot ang liwanag doon.


Inilapag ni Benedict sa ibabaw ng barandilya ang dalawang goblet at sinalinan ng whiskey ang mga iyon. Pagkatapos ay iniabot sa kanya ang isa.


With trembling hands, she took the goblet from him and took a couple of swallows. Ang init ng alak na naglandas sa lalamunan niya ay sapat upang mapawi nang bahagya ang lamig na nararamdaman niya.


Benedict was half-sitting in the balustrade. He was watching her with curiosity and fascination. "You look smart ang intelligent. Hindi ko maintindihan kung bakit pinatulan mo si Stan. Of course, he is good-looking. But with a face like yours, I'm sure good-looking men would swarm you like bees to honey."


The backhanded compliment both startled and pleased her. "I... I really belived Stan's intentions were honest and sincere," aniya.


"Honest and sincere are not the words you'd find in Stan's vocabulary," matabang nitong sabi."I realized that now." Her voice was low. Sultry. And she wasn't even aware of it.


Nagbuntong-hininga si Julianne at lumakad patungo sa kabilang dulo ng balkonahe. Huminto siya sa dulo at nilinga ang madilim na kapaligiran. Bukod sa mumunting ilaw na natatanaw niya sa laot, ang tanging masasabing liwanag ay ang kislap ng mga alon sa dagat tuwing humahampas ang mga iyon sa dalampasigan.


Niyuko niya ang ibaba na hindi niya maaninag maliban sa tila mga aninong nagsasayaw ang mga sanga ng mga puno. "Mula sa road bend, nakatayo ang bahay na ito sa mataas na dako," aniya nang hindi lumilingon. Alam niyang nakasunod sa kanya si Benedict. "Ano ang mayroon sa ibaba?"


Humakbang ito palapit sa kanya." Huminto sa mismong likuran niya. "Isang dalisdis ang tinutunghayan mo. A slope," wika nito.


Julianne shivered. Hindi niya malaman kung dahil sa malamig na hangin na dumadapyo sa balat niya o dahil sa nararamdaman niya sa likod ng tainga ang mainit nitong hininga.


Pagkuwa'y humakbang si Benedict palapit sa barandilya at yumuko sa kadiliman sa ibaba. "Kahit nasa ibaba ka'y mapanganib para sa isa ang mahulog sa dalisdis dahil sa mga nakausling ugat ng mga punong-kahoy."


"Ano ang nasa ibaba ng slope?" There was a hint of curiosity in her voice."My family's local version of a bayou..."


"A bayou!" she exclaimed as she turned to look at him in disbelief.


He grinned. His teeth flashed in the dark. "A swamp, lake or a river offshoot. Kung ano man ang gusto mong itawag. Dapat ay makita mo ang view sa ibaba mula rito sa araw. It's spectacular. At sa likod ng mga nipa at kung ano-anong punong tumutubo sa tubig na nakapaligid sa swamp ay ang mismong dagat."


"Really?" Hindi niya mapigilan ang pag-ahon ng excitement na makita ang sinasabi nito sa araw."Really. At sa swamp ay makikita mo ang napakaraming heron," wika nito.

Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon