28

15.1K 474 32
                                    

NAKAUNAN siya sa braso ni Benedict, ang mga daliri niya ay hinahaplos at pinaglalaruan ang maninipis na balahibo sa dibdib nito.


"Benedict...""Hmm."


"Tell me about your... ex-wife." She felt him tensed. Lumalim ang tiyan nito sa paghugot ng hininga. "K-kung hindi mo gustong sabihin, it's okay." Hinagkan nito ang ibabaw ng ulo niya. Iniisip ni Julianne na hindi na ito magsasalita dahil mahabang sandali ang lumipas na hindi ito kumikibo.


"Bagaman sa bayan sa Calapan nakatira si Raquel, naging malapit kami sa isa't isa bilang magkaibigan," simula nito. "Magkaklase kami mula pa sa elementarya. She was also one of the prettiest in school and I really had a crush on her. Nang tumuntong kami ng high school, gusto ko siyang ligawan subalit natatakot akong baka masira niyon ang pagkakaibigan namin. Sa halip ay sa ibang babae ko ibinaling ang aking pansin. Nang magpakasal sina Iluminada at Clemente ay lumuwas ako sa Maynila. Pero ipinangako ko sa sariling liligawan ko siya sa sandaling makatapos ako ng kolehiyo.


"Hindi nangyari iyon dahil nang magtapos ako sa kolehiyo ay nabalitaan kong magkasintahan na sila ni Stan. Somehow, it broke my heart. Hindi ko siya pinakibalitaan na at isinubsob ko ang panahon ko sa practice ko sa Medisina. Hanggang isang araw ay dumating siya sa apartment na tinutuluyan ko sa Maynila. All grown up and twice as much prettier." He paused.


Tumingala si Julianne, nakatitig ito sa kisame, a self-mocking smile on his lips.


"Ang sabi niya ay matagal na silang hiwalay ni Stan at gusto niyang maghanap ng trabaho sa Maynila. At dahil wala siyang matutuluyan, I took her in. She offered to do the cleaning and cooking as her share of the rent..." He gave Julianne a brief glance. "Malaking bagay sa akin 'yon noong una. May nag-aasikaso ng apartment at mga gamit ko.


"Isang umaga, mula sa tatlong araw at round-the-clock na duty ko sa ospital, umuwi akong pagod at puyat. May sarili akong susi sa apartment at tuloy-tuloy ako hanggang sa itaas. Nang buksan ko ang silid ko ay inabutan ko si Raquel doon..." He cleared his throat, gazed down at her. But Julianne refused to meet his eyes. Nahuhulaan na niya ang kasunod na mga pangyayari.

"She had nothing on but water dripping all over her body. Katatapos lang niyang maligo at ayon sa kanya'y nanghihiram siya ng tuwalya ko." Muling tumikhim si Benedict. "To make the story short, we ended up in bed together..."

"At tatlong araw kang pagod at puyat, huh!" sarkastikong sabi niya. Kumawala mula sa pagkakaunan sa braso nito.


Banayad na tumawa si Benedict. Hinila siya pabalik sa braso nito. "Ikaw ang may gustong marinig ang tungkol sa kanya."


Hindi siya kumibo. Hindi niya kayang ilarawan sa isip si Benedict habang katalik ng ibang babae. May tila patalim na gumuguhit sa dibdib niya. Pero gusto niyang malaman ang tungkol sa babaeng pinakasalan nito. "Okay, go on..."


"I was so exhausted. I can't even remember falling asleep. Nang magising ako'y umiiyak sa tabi ko si Raquel. Hindi raw siya makapaniwalang nagawa namin iyon. She made it appear that I took advantage of our friendship. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Humingi ako ng paumanhin. She was inconsolable and ran to her bedroom.


"Minutes later, mula sa Calapan ay dumating ang tatay niya. Ako ang nagbukas ng pinto sa pag- aakalang isa sa mga kasamahan ko sa ospital. I had only my boxers on. At bago ko pa natawag si Raquel mula sa itaas, nasa hagdan na ito at nakatapi lang ng tuwalya. Upon seeing her father, fear and guilt flooded her face. Naupo siya sa baitang ng hagdan at bumulalas ng iyak...


"Hindi ako pinilit ng tatay niyang pakasalan si Raquel. But I really thought I compromised her. Kinabukasan ay niyaya ko siyang kumuha kami ng lisensiya sa pinakamalapit na munisipyo. Tinanggap kong isa na akong may-asawang tao. Sinabi ko sa sarili kong talaga namang binalak ko siyang ligawan. Kontento ako sa unang linggo ng pagsasama namin. Most of the days ay nasa ospital ako, on duty. Natural na kabisado na ni Raquel ang schedule ko.


"Pero nang araw na iyon ay may kasamahan akong doktor na nakipagpalit ng duty sa akin, for some reason I don't remember anymore. Umuwi ako wala pang alas-sais ng umaga. Tulad ng nakagawian ay gamit ko ang susi ko sa apartment at tuloy-tuloy sa itaas. Naisip kong tulog pa si Raquel. Pero bukas ang pinto at ilaw sa banyo sa dulo ng pasilyo at narinig ko siyang nagduduwal.


"Humakbang ako patungo roon nang bigla siyang nagsalita. Iniisip kong may kasama siya sa loob ng banyo. Agad na may naglarong eksena sa isip ko. Kinakabahan at walang ingay akong lumapit at sumilip sa nakabukas na pinto. She was alone. Akma ko siyang tatawagin nang makita ko ang ginagawa niya. Sinasaktan niya ang sarili, sa bahagi ng tiyan, screaming at herself. Bakit daw hindi pa iyon malaglag sa dami ng iniinom niyang gamot!"


"Oh, my God." Julianne was horrified, wala sa loob na dinama ang sariling tiyan. Hinding-hindi niya pag-iisipang mawala ang nasa sinapupunan niya ano man ang sirkumstansiya.


"Nakita niya akong nakatayo sa pinto, we were both shocked, sa magkakaibang dahilan. Sa sandali ring iyon ay muli akong lumabas ng bahay. Hindi ko hinintay ang paliwanag niya. Mula noon, umuuwi lang ako kung magbibihis. Tinakot niya akong sisirain ang propesyon sa sandaling hindi ko ibalik sa dati ang pagsasama namin. Na mag-asawa kami at hindi maniniwala ang kahit na sino na hindi ako ang ama ng dinadala niya.


"I told her I am a doctor, napakadali para sa aking malaman ang paternity ng nasa sinapupunan niya through DNA, whether or not she would chose to come to terms."


"Ano ang nangyari?"


"She got rid of her pregnancy. And it almost took her life. Sa ospital, I took blood samples. A couple of months later, I filed an annulment."


"S-sino ang ama ng dinadala niya, Benedict?"


His shoulders lifted in a shrugged. "Stan, I guess."


Mahabang katahimikan ang namagitan. Wala sa loob na idinikit ni Julianne ang sarili rito. Ang kamay niya ay muli niyang iniyakap dito, in a possessive gesture, at tahimik na hinagkan ang gilid ng dibdib nito.


Inabot ni Benedict ang kamay niya, ipinagsalikop doon ang mga daliri nito. "Kung yakapin mo ako'y para bang may kukuha sa akin mula sa iyo," he said, smiling tenderly. "I'm yours, Julie, just as you are mine. For now and always."


Tahimik siyang tumango. "Si, mi amor... para siempre..." she whispered against his chest.



****************Grabe matinding revelations ito ahhh, Monday na monday eh rebelasyon agad char. Sana goods ang Monday n'yo. Kasi ako stress na char hahahaha - Kumusta kayo mga bes? - Admin A **************************



Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon