ITINAAS ni Julianne ang dalawang palad sa mukha. Ano ang gagawin niya ngayong napatunayan na ang kataksilan ni Stan?
"How could I be such a fool?" she whispered in a sob."Stan's the fool one."
Napasinghap siya sa tinig na narinig. Halos matanggal ang ulo niya sa katawan sa marahas na paglingon. Mula sa madilim na bahagi ng kabahayan ay naaninag niya ang isang anino. Gumuhit ang takot sa dibdib ni Julianne at sa isang sandali'y naisip niyang tumakbo palabas hanggang sa unti-unti itong humakbang patungo sa liwanag.
Kumunot ang noo niya nang mapatapat ito sa bahaging naaabot ng liwanag mula sa malamlam na ilaw sa sala.
Julianne frowned. The strong, rugged face, darkened by days old stubble gave him an air of irresistible danger. Ang buhok na umabot hanggang sa collarbone nito ay magulo. Alin na lang sa dalawa, galing ito sa labas o wala itong ginawa sa nakalipas na sandali kundi paraanin doon ang mga daliri.
Pero ang maiitim nitong mata ang nakakuha nang husto sa atensiyon niya. She had seen those eyes before.
And she couldn't take her eyes off him. Not because he looked familiar but because he was shirtless. And she could see the contour of his body. And a fine body it was. Kahit ang kupas nitong pantalong maong ay iminomolde ang matipunong mga binti.
For a moment Julianne forgot all about Stan. Her heart was beating madly. Pilit na itinatanggi ng isip na nagtagpo na sila ng lalaking ito.
"It's impolite to stare," he said in a slur, looking at her with guarded eyes.
She yanked her gaze away from him. Pinamulahan siya ng mukha. Tumalikod ito at lumakad pabalik sa dilim. Wala sa loob na napahakbang pasunod si Julianne. Mula sa ilaw na nanggagaling sa mga nagkakasayahan ay napagtanto niyang sa likod nito ay ang minibar. At sa counter ay naroon ang isang bote ng Scotch whiskey. It was almost half-empty. Sa tabi nito'y isang goblet na wala nang laman.
Had he been there all along? Napakinggan ba nito ang palitan nila ng usapan ni Stan? Kasama ba ito sa mga bisita ni Stan? Had Stan known this stranger had been drinking in the dark alone?"W-who are you?" tanong niya.
"Benedict... Benedict Aragon..." sagot nito pero hindi lumilingon. In the semi-darkened room, she could see his back, lean and sinewy. Sinalinan nito ng whiskey ang naroroong goblet.So this was the stepbrother Nadine was talking about. Ayon kay Mrs. de Castro ay karugtong ng lupain ng mga ito ang lupain ng mga Aragon. At ito ang lalaking nakatagpo niya sa deck at ang lalaking muntik na niyang masagasaan ng kabayo sa parang!
Lalong nag-init ang mga pisngi ni Julianne nang hindi lang iyon ang naalala niya. Biglang nanariwa sa isip niya ang kamay nito habang banayad na dinadama ang dibdib niya. And to her horror, nararamdaman niya ang pananayo ng mga balahibong pusa niya sa katawan.Sa mismong sandaling iyon ay humarap ito sa kanya. A corner of his mouth twitched in a half smile. The flush on her face told him she already knew who he was. And the glint in his eyes told her that they were both thinking of the same thing.
"Sa... sa ferry boat, you mistook me for... for..." Gusto niyang sa unang pagtatagpo nila sa ferry boat ibaling ang isip nito pero hindi niya masabi ang tamang salita.
BINABASA MO ANG
Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)
Romance"Now what shall it be? Go home or have a drink with me?" tanong ni Benedict, watching her over the rim of his goblet. Julianne saw the challenge in his eyes. Itinaas niya ang mukha, accepting the challenge, tulad ng pagtanggap ng maliit na insekto s...