7

17.6K 445 83
                                    

IT WAS a small farm. May ilang kabayo siyang natanaw na nanginginain sa damuhan. Hindi inaasahan ng mag-asawang de Castro na ang tutugon sa advertisement ng mga ito ay isang batambata at magandang babae. Gayun na lamang ang pagkamangha ng mga ito nang sabihin niyang desidido siyang tanggapin ang trabaho kung ibibigay sa kanya.


"Naniniwala kaming kaya mo ang trabaho, hija," wika ni Mr. de Castro bagaman hindi iyon ang ipinahahayag ng tono nito. "Pero mas lalaki ang kailangan namin kaysa babae."


"Magagawa ko ang nagagawa ng lalaki, Mr. de Castro," ani Julianne na medyo pinalaki ang tinig. "Bakit hindi ninyo ako subukan?"


"Aba, magandang ideya iyan!" agad na sabi ni Mrs. de Castro. Ipinalabas nito sa isang boy roon ang isa sa mga kabayo at pinalagyan ng siya. "Ang kabayong iyan ay tatlong linggo na mula nang dumating, Julianne," wika nito. "Ilang araw din siyang nasakyan ng dating trainer bago iniwan."Lihim siyang siniko ni Nadine. "Natitiyak mo bang kaya mong sakyan iyan?"


Hindi mapigilan ni Julianne ang mapangiti. Para siyang palakang inihagis sa tubig. Jessica was a better horseman than she was because her younger sister was a little wild and daring when it came to horses. At habang tinititigan ang kabayo sa harap niya ay hindi niya maiwasang ikumpara iyon sa mga kabayo sa kuwadra nila sa Paso de Blas.


Bagaman galing ang mga iyon sa ibang bansa, hindi iyon ang maituturing na primera klaseng uri ng mga kabayo. She should know. Magigilas at magagandang uri ang mga kabayo nila.At ang sarili mismo nilang kabayong magkakapatid ay hindi maaaring ikumpara sa kabayong nakatakda niyang turuan. Her own horse was a Palomino.


"Maaari mo siyang patakbuhin hanggang sa paligid ng farm, hija," ani Mrs. de Castro. Sa anyo nito ay natitiyak niyang inaasahan nitong magdadahilan siya.


Tipid na ngumiti si Julianne at lumapit sa kabayo at sinakyan iyon sa pagsinghap ng mag-asawa. Tumaas ang ulo ng kabayo at akmang aalma.


"Easy, boy... easy..." Hinagod-hagod niya ang batok nito at bahagyang hinigpitan ang hawak ng renda at unti-unting pinatakbo. Ilang sandali pa'y malayo na mula sa kuwadra si Julianne.



LANGITNGIT ng kung anong bagay ang nagpanumbalik sa isip ni Julianne. Nilinga niya ang buong paligid. The whole house was quiet and empty. Pero natitiyak niyang may narinig siyang munting ingay.


She sighed wearily. Her mind wandered back to the day she applied for the job as horse trainer. Matagal nang panahong hindi niya naisip ang estrangherong lalaking nakatagpo niya sa parang... until now.


Sa maraming pagkakataon sa nakalipas na ilang araw ay pabalik-balik sa isip niya ang pangyayaring iyon. Natiyak niyang hindi na bahagi ng lupain ng mga de Castro ang kabila ng burol dahil natanaw niya ang ilang nakahapay na poste sa lupa at barbed wire. Gayunma'y naakit siyang patakbuhin doon ang kabayo.


Isang taon nang mahigit nang huli siyang mangabayo. And the exhilaration of being on top of the horse filled her. And in fairness, mahusay tumakbo ang kabayo.At hindi niya napansin ang lalaki dahil basta na lang lumitaw mula sa mga punong iyon ng rambutan! Muntik na niya itong masagasaan ng kabayo. At sa sindak niya'y sumadsad ang lalaki sa damuhan.

Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon