5

15.9K 455 30
                                    


"BAKIT ngayon mo pa napiling magbakasyon?" sabi ni Bernard na ibinaba ang peryodiko sa mesa. "Sa susunod na buwan ay darating si William mula sa Los Angeles."


Julianne almost rolled her eyes. Ilang araw nang ipinaalala ng ama ang tungkol sa pagdating ni William Hidalgo, anak ng isa sa mga kaibigan nito. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit gusto niyang pagbigyan ang imbitasyon ng kaibigang daluhan ang kasal nito.


At dahil wala ang mama nila at nasa Texas upang dalawin ang bagong panganak na apo kay Aidan, napakadali para sa ama na i-pressure siya sa gusto nitong mangyari.


"Papa, nangako ka na hindi mo kami pipiliting ipagkasundo sa alinmang anak ng cronies mo," paalala niya sa ama. "Kung malayang nakapamili sina Lenny at Aidan ng mapapangasawa nila, iyon din ang inaasahan ko mula sa iyo. Namin ni Jessica."


"I haven't broken any of my promises yet, Julianne," Bernard said impatiently. "Pero hindi masamang gumawa ako ng paraan upang mas mapabuti ang kalagayan ninyo ni Jessica. At gusto kong narito ka sa pagdating ni William. Get to know each other better. Iyon din ang dahilan kung bakit uuwi siya. Ang muli kang makita. The last time you saw each other was—"


"More than a year ago," she supplied. "Nagkikita kami sa Los Angeles, Papa, noong kasalukuyang nasa Art International ako. We've dated a few times."


"Alam ko ang tungkol sa bagay na iyan!" nabiglang pag-amin ni Bernard."You knew!" bulalas niya.


"Well..." Nagkibit ng mga balikat si Bernard, umiwas ng tingin."Kung hindi ako nagkakamali ay kayo ang nag-utos kay William na makipagkilala at makipagkita sa akin!" She compressed her lips in controlled anger. Now she knew why William did everything to seek her company while she was in L.A.


"Ano ang masama sa ginawa ko? I was informed you enjoyed his company."Hindi agad siya makasagot dahil tama ang ama. She enjoyed William's company. Not only was he as handsome as a Roman god, he was also charming and thoughtful and every inch a gentleman. Huwag nang sabihing ang pamilya nito ay masalapi—ang pinakamahalagang dahilan upang mapaligaya ni Julianne ang lahat ng mga nasa paligid niya kung gugustuhin niya ito. Walang mag-iisip na papakasalan siya nito dahil sa pangalan at salaping mamanahin niya sa takdang panahon.


Pero alam din niyang may girlfriend si William sa Amerika. Isang Pilipina at empleyado sa bangko ng ama nito. Nasa Amerika pa siya nang malamang kasalukuyang nagdadalang-tao ang babae. Nalaman niya ang impormasyong iyon mula sa common friend nang makita nitong nagde-date sila.


Ayon sa common friend nila, hindi mapakasalan ni William ang babae dahil ang pamilya nito ay hindi nabibilang sa alta sociedad. His father threatened to disinherit William should he marry his girlfriend.


It didn't matter to her then. Dahil wala namang binabanggit si William sa totoong layunin nito sa kanya. But it did now. Lalo at deretsahang sinasabi ng ama na gusto nitong magkapangasawahan sila ni William. Ngayon niya natantong ang ginawang pakikipag-date sa kanya noon ni William ay bahagi lamang ng obligasyon nitong paluguran ang mga magulang nila.


Bigla ay naikumpara niya si William sa mga kapatid na lalaki. Lenny and Aidan would never turn their back on the women they loved for fear that Bernard would disinherit them.

Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon