15

19.1K 515 113
                                    


NAGISING si Julianne na tila minamartilyo ang ulo. Then she noticed the huge open window. Not the cottage window. Dahil maliit lang ang bintana sa cottage at hindi niya iyon iniiwang bukas, for safety reasons.


Mula sa malaki at nakabukas na bintana ay nakikita niya na kasalukuyan pa lang na namamanaag ang araw. Ang mga ibon sa labas ay nag-aawitan. Nararamdaman niya ang malamig na dapyo ng hangin sa balat niya.


It promised to be a beautiful morning. And it was so out of ordinary that she would wake up with an aching head. Gayundin ang mga kalamnan niya. Did she catch a cold last night?


Nangikig siya pagpasok ng malamig na hangin mula sa labas ng bintana. She looked down for the sheet and was surprised to find that she was nude.Nude!


She closed her eyes tightly. Hubad siya at wala sa cottage. A niggling sense of disaster gnawed at the back of her mind. She was trying to remember when she heard a muffled sound.


Nang lumingon siya ay natambad sa kanya si Benedict na nakadapa at tulog pa rin. Iglap niyang tinakpan ng kamay ang bibig niya upang huwag makalabas ang binalak niyang pagsigaw. Bits and pieces of the previous evening flashed through her aching head.Oh, God.


MULING bahayad na umungol si Benedict. Halos hindi huminga si Julianne. Tumihaya ito, exposing an endless expanse of bare chest. Gumalaw ang kamay nito sa bahagi niya, na tila ba hinahanap ang katawan niya. His hand connected with her arm and held it possessively.Ni hindi niya makuhang kumilos bahagya man. Nang hindi tuluyang magising si Benedict ay saka pa lang unti-unting pinakawalan ni Julianne ang pinipigil na hininga.


Tinitigan niya si Benedict sa pagkakatulog nito. Nangingitim nang higit ang pisngi at baba nito sa kumakapal na tubo ng stubble. In the light of day, the man was even more irresistibly dangerous. What happened last night was proof how dangerous he could be.


Mula sa mukha nito ay unti-unting bumaba ang mga mata niya sa dibdib nito. Tahimik siyang napaungol nang mapuna ang ilang sariwang gasgas sa balat nito na natitiyak niyang galing sa mga kuko niya. Muling humagod pababa ang mga mata niya, patungo sa tiyan... at pababa pa...Muling pinigil ng kamay niya ang pagsinghap. Natitiyak niyang tuluyan nang nawalan ng kulay ang mukha niya sa pagkakatitig dito. He was too large, too bare, too male.


And she surrendered her virginity to a complete stranger! She couldn't believe she had sex with a man she barely knew. At hindi lamang minsan, sa buong magdamag ay dalawang beses silang nagtalik!


Nanlulumong tahimik siyang napaungol. She succumbed to his seduction. Walang kahirap-hirap nitong ginawa iyon. Last night she was vulnerable. Nasaktan at napahiya siya sa ginawa ni Stan sa kanya. Sinamantala ni Benedict ang kahinaan niya.


Did he? Maybe he did. Pero hindi siya nito pinilit. May pagkakataon siyang umalis. Hindi niya ginawa. Hindi ganoon karami ang nainom niya. Kung tutuusin ay ito ang mas marami nang nainom kagabi. Nang bumababa sila ng hagdanan mula sa ikatlong palapag ay may palagay siyang mas inaalalayan niya ito kaysa ito sa kanya.


Hindi niya ito maaaring sisihin sa nangyari. She had wanted him as she had never wanted a man before. Sexual tensions had been there already the first time their eyes met.At bagaman wala siyang maaaring ihambing, she was sure Benedict had given her the greatest sex a woman could ever experience!


Marahan at maingat niyang pinakawalan ang braso niyang hawak nito. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang bumangon at tumayo. Dinampot niya ang mga damit na nasa sahig at walang kalatis na nagbihis. She combed her hair with her fingers and refused to glance at herself in the mirror.


Dinampot niya ang sandals sa paanan ng kama. Then she took a last look at Benedict. Maybe he was the most gorgeous man alive. Maybe he was the best lover in the world. Pero estranghero pa rin ito. Hindi niya ito kilala maliban sa pahapyaw na pagkukuwento ni Nadine.


What she did was the height of folly. Pero natitiyak niyang hindi na niya malilimutan pa ang namagitan sa kanila ni Benedict. Mabigat ang dibdib na inalis niya ang mga mata rito. Iyon na ang huli nilang pagkikita. At kailangan niyang umalis bago pa ito magising.


She tiptoed to the door and opened it. Maingat din niyang isinara iyon. Binaybay ang malaki at maluwang na pasilyo at bumaba ng hagdanan.


The house was quiet and empty. Tila walang kasayahang naganap nang sinundang gabi. Nasa puno na siya ng hagdan nang yumuko at isinuot ang sandals. Pagkatapos ay lumakad siya patungo sa main door. Sa pagsisikap na huwag makagawa ng ingay ay nasabit ang high heels niya sa biyak sa sahig na bato. Napahawak siya sa pang-isahang sofa upang huwag matumba subalit napasigaw siya.


"Narito ka pa!"



*************************************************************************************************Parang ako yung napagod sa ginawa nilang love making char hahahaha - Sabagay lagi naman na akong pagod, pagodang pagoda na ako umasa at masaktan ng paulit - ulit baby Benedict , bakit ka naman ganyan sa akin, lahat na lang kayo walang ginawa kundi saktan at bigyan ako ng dusa at hinanakit, wala naman akong ginawa kundi mahalin kayo at iaalay ang aking puso at isipan char hahahahaha. Ramdam ko talaga yung mga sawi ngayon, i feel you mga beshie, di bale darating din ang para sa atin tiwala lang char hahahaha.  Atleast nag-init tayo ngayon kahit masakit isipin hahahahaha. Kumusta kayo? Sana okay lang kayo sa kabila ng mga pagsubok sa buhay natin ngayon. Pasensya na rin at now lang nakapag-update, dinagsa rin kasi ako ng suliranin sa puso, sa isipan at sa buhay char hahahaha.  Kahit gusto ko ng sumuko ay nagpapatuloy pa rin dahil nandyan kayo umaasa sa akin char hahahaha. Take time to heal yourself at unwind mga beshie, mahalaga ang ating pamumuhay pero mas mahalaga ang ating buhay char kaya wag puro work make time to landeee din char ahahahahaha. Nagiging BI na ako ang HABA na ng AN ko hahahaha. GOD bless us all mga beshie. - Admin A ******************************************************************************************

Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon