2

18K 503 31
                                    

SINUSUYOD niya ng tingin ang lupain hanggang sa naaabot ng kanyang paningin. Humigit-kumulang ay tatlumpung ektarya iyon. Ang limang ektarya ay nasa kabilang bahagi at malapit sa dagat. Mula sa kinaroroonan niya ay bahagya nang matanaw ang bahaging iyon.


Iyon mismo ang propiedad na pinagbabantaang ipagbibili ni Stan. At alam niya kung bakit ang bahaging iyon ang pinili nito. Bukod sa mas madaling ipagbili ay doble ang halaga ng lupaing iyon kumpara sa nasa kabilang bahagi. Ang bahaging iyon ng Mindoro ay isa sa mga tourist spot. Dahilan upang tumaas nang husto ang halaga ng mga lupang malapit sa dagat.


Maraming negosyante ang ilang beses nang nagtangkang bilhin ang lugar na iyon upang gawing first-class beach resort. It was an ideal site. Higit iyong maganda kaysa alinmang pribadong beach resort sa Puerto Galera dahil iyon na ang dulo halos ng isla at nag-uugnay iyon sa ilog kung saan sa pusod ng gubat ay may isang waterfall na ang tubig ay nagtutuloy sa ilog.


Bukod doon, apat na raang metro mula sa baybayin ay may isang maliit na pulong bato, na bagaman lumulubog iyon kung masama ang panahon at tumataas nang husto ang tubig sa dagat, ay magandang lugar upang puntahan ng mga turista sa maayang panahon.


Noong maliit pa siyang bata ay hindi miminsang pumaparoon silang mag-ama at nangingisda. Maraming oras silang ginugugol doong mag-ama at kung minsan ay inaabot na sila ng takip-silim.


He wanted to keep that place for sentimental reasons more than anything else.Iyon ang dahilan kung bakit siya umuwi ngayon sa Capistrano makalipas ang mahigit na isang taon. Upang himukin si Stan na sa kanya ipagbili ang lupain. Lupaing pag-aari ng mga Aragon. Lupaing wala kahit na kaunting karapatan si Stan. Lupaing napasakamay nito sa tusong pamamaraan.


"At saan ka kukuha ng salaping ibabayad sa propiedad, Benedict?" panunuya nito. "Ang buong kabuhayan mo'y ang mismong lupang nais kong ipagbili. Kung may kinita ka man bilang doktor ay sa negosyo mong walang patutunguhan nauwi..."


"Wala kang karapatan sa lupain ng mga Aragon, Stan," he said angrily."Ikaw ang nagbigay ng karapatan upang mauwi sa akin ang mana mo, Benedict." Isang halakhak ang pinakawalan nito.


Halos ipako ni Benedict ang sarili sa sahig upang huwag basagin ang mukha nito. Hindi niya ito kailangang galitin. Sa halip ay kailangang mahimok niya itong bigyan siya ng panahong makapagpundar ng sapat na salapi upang bilhin mula rito ang propiedad.


"Bueno, Benedict," ani Stan at nasisiyahang pinagmasdan ang pagpipigil niya ng galit. "May tatlo... o apat na buwan ka para maghanap ng salapi at ipagbibili ko sa iyo ang lupain. Tiyakin mong may sapat kang salapi bago ang kampanya sa nalalapit na eleksiyon."


Tumingala siya sa kalangitan na halos hindi niya matanaw dahil sa makakapal na sungo ng punong tumatakip sa itaas. Higit kailanman, ngayon niya gustong kasuklaman ang babaeng inakala niyang sariling ina. Ang babaeng sa buong panahon ng buhay niya ay pinagtakhan niya kung bakit hindi niya kinakitaan ng kahit kaunting pagtingin sa kanya.


Pinuno niya ng hangin ang dibdib upang kontrolin ang galit. Binigyan siya ni Stan ng tatlo hanggang apat na buwang palugit upang bilhing muli ang lupain.


Tiim ang mga bagang na lumakad siya pabalik sa pinagparadahan niya ng jeep. Ngayong hapon ay babalik na siyang muli sa Maynila. At hindi niya alam kung magagawa niyang makalikom ng halagang kinakailangan sa loob lamang ng ilang buwan.


Ni hindi niya magawang ipagbili ang share niya sa SDL Laboratories sa partner at kaibigang si John. Ni hindi iyon makapangangalahati sa halaga ng lupain."Hey, look out!"


Halos magkasabay niyang narinig ang sigaw at ang rumaragasang mga yabag ng kabayo. Pag-angat niya ng mukha ay nakita niyang pababa mula sa dalisdis ang isang kabayo at tila lumilipad iyon patungo sa kanya.


Mabilis ang ginawa niyang pag-iwas at halos ilang pulgada lamang siyang nakalayo nang dumaan ang kabayo. Sapat upang matumba siya sa damuhan.


Mabilis siyang tumayo at pinagpag sa pantalong maong ang mga damong kumapit. Sinundan niya ng tingin ang kabayo na unti-unting bumagal ang takbo. Pagkatapos ay lumiko ito pabalik. Sa ibabaw ng kabayo ay isang binatilyong ni wala pa yatang sapat na muscles upang kontrolin ang ganoong uri ng kabayo.


This part of his father's land bordered on the de Castro's. Isa marahil ito sa mga katulong na lalaki ng mga de Castro.


"Muntik mo na akong masagasaan!" sigaw niya rito hindi pa man ito gaanong nakalalapit.At sa malalaking hakbang ay sinalubong niya ito.



********************naku sa mga ganito talagang pangyayari , malalaman mong may magandang ganap sa mga susunod na eksena eh kainis , naalala ko tuloy mga bibi ko char hahahahaha. Parang ganitong-ganito din kami nun eh hahahahaa. Pilit ko mang kalimutan ay kusang bumabalik ang mga alaala char hahahaha - Admin A ***********************

Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon