10

14.6K 401 26
                                    


NAPUYAT si Julianne sa paghihintay rito subalit hindi dumating nang gabing iyon si Stan tulad ng sinabi nito. Kinabukasan na ng hapon ito dumating sa cottage.


"Ginabi na ako sa pakikipag-usap sa mga de Castro," wika nito nang makaupo.She smiled. Iniisip niyang marahil ay sinuyo nito ang mga de Castro upang suportahan ang kandidatura nito sa darating na eleksiyon. Magugulat pa ito kapag sinabi niyang hindi nito kailangan ang suporta mula sa dati niyang employer. Her father had supported two presidents, the mayoralty post was a piece of cake.


Kung bibiyahe sila patungong Maynila ay magkakaroon siya ng pagkakataong sabihin dito ang tungkol sa pagkatao niya. Sa ferry boat mismo. At kung dati ay nag-aalala siyang baka ikasama ni Stan ang paglilihim niya ay hindi na ngayon. Lalo at alam niyang kailangang-kailangan nito ng pinansiyal na suporta para sa kandidatura.


"Naiintindihan ko. So..." Inilahad niya ang dalawang kamay. "Ano ang plano mo? Kailan mo gustong bumiyahe tayo patungong Maynila?"


May ilang beses na humugot ng hininga si Stan bago nagsalita. "Actually, iyan mismo ang dahilan ng ipakikipag-usap ko sa iyo ngayon, Julianne." Tumayo ito at lumakad patungo sa balkon. "Magiging napakaabala ko sa susunod na mga araw dahil sa nalalapit na pangangampanya," patuloy nito, his back on her.


Sumunod siya at sumandal sa hamba ng pinto. "N-nasabi mo na sa akin iyan, 'di ba? Kaya naman naiintindihan ko kung bakit hindi tayo nagkikita nitong mga huling araw."Humarap ito sa kanya. "I'm glad you understand, bagaman nahihiya ako sa iyo. Alam kong gustong-gusto mong maipakilala ako sa mga magulang mo. Iyon din ang gusto ko. Pero napakahalaga para sa akin ang magiging resulta ng eleksiyong ito, honey. At malakas ang kalaban ko..."


"Get straight to the point, Stan," she said a little bit impatiently."I can't leave town at this point in time, Julianne. I mean, I will be too busy..." He paused, then, "Bakit hindi na muna natin ipagpaliban ang pagharap ko sa mga magulang mo?"


Yumuko si Julianne upang itago ang pagkadismayang gumuhit sa mukha niya. Nangako siya sa ama na luluwas sila ni Stan sa susunod na linggo upang makilala nito ang nobyo. Hindi niya magagawang siraing muli ang pangakong iyon. Lalo at hindi nagustuhan ni Bernard ang ginawa niyang pakikipagnobyo gayong nangako siyang pagkatapos ng bakasyon at kasal ni Nadine ay haharapin niya si William.


Bernard accused her of betraying his trust. At totoong nakadama siya ng guilt doon. She knew that the only thing that was keeping his father's anger at bay was her assurance that Stan loved her for what she was.


May ilang sandali ang pinalipas niya bago sumagot. "M-malaking bagay ba ang isa hanggang dalawang araw na mawawala sa iyo? My father's expecting us next week, Stan. I hate to disappoint him. Nasabi ko na sa kanyang darating tayo."


Tumiim ang mukha nito. Subalit sandali lang iyon, agad na muling lumambot ang anyo. Ngumiti. Itinaas ang dalawang kamay sa ere. "Two days isn't enough, honey. I would like to spend, at least, a few days with you, to get to know my future father-in-law better..." Akmang magpoprotesta si Julianne subalit inunahan siya ni Stan. "May maganda akong ideya! Bakit hindi ka maunang umuwi at susunod ako? Yes, that's it!"


She frowned. "Bakit ako mauuna? Bakit hindi tayo magsabay?"


"Tulad ng sinabi ko, may mga appointment ako sa partido sa susunod na mga araw na hindi maaaring ipagpaliban. Kung hihintayin mo ako, you will make me feel guilty by neglecting you. Another thing, hindi natin gustong mag-alala nang husto ang papa mo, 'di ba?"


Her heart sank. "Inaasahan kong magkasabay tayong bibiyahe, Stan. May mahalagang bagay akong gustong ipakipag-usap sa iyo habang nasa dagat tayo."


Nilapitan siya ni Stan, hinagkan sa mga labi. "We have all the time in the world, honey. Pagdating ko roon sa susunod na linggo—to be specific, Thursday next week. I'll stay in Manila for five days. At atin ang lahat ng panahong mag-usap, okay?"


Wala sa loob siyang napatango. "Iyon ba ang inaakala mong... mabuti?"Isang maluwag na hininga ang pinakawalan nito bago mahinang tumawa. "Trust me, honey. Iyon ang pinakamabuti, lalo at wala ka na namang trabaho. Sa makalawa ng tanghali ay bumiyahe ka na—"


"Sa makalawa na?" putol niya sa sinasabi nito. "Pero birthday mo sa Sabado. And you were planning a party, weren't you?"


"I changed my mind about the party," wika nito. "Kaya nga wala namang dahilan para magtagal ka pa rito. Sayang ang iuupa mo, lalo at wala ka nang trabaho." Inikot nito ang tingin sa loob ng cottage. Nahagip ni Julianne ang disgusto sa mga mata nito na bigla ring nahalinhan ng ngiti.Gusto niyang sabihing ilang doble man ang renta ng cottage na iyon ay kaya niyang bayaran. Pero dahil hindi naman alam ni Stan ang totoong katayuan niya sa buhay ay may katwiran itong manghinayang na manatili pa siya roon.


"You're, beautiful, Julianne," bulong nito, umahon ang pagnanasa sa mga mata. "Too poised and too classy. I might be a fool to let you..." His voice trailed off, then, "out of my sight." Itinaas nito ang mukha niya. Tinitigan siya at pagkuwa'y yumuko at hinagkan siya sa mga labi.Tumaas ang mga kamay niya sa leeg nito at tumugon. Bigla siyang nagmulat ng mga mata nang maulinigan ang pagdating ng tricycle. Pumara ito malapit sa likod ng kotse ni Stan. Mula roon ay bumaba si Weng na galing ng paaralan.


Stan was breathing heavily. Hindi nito namalayan ang biglang pagbaba ng mga kamay niya mula sa leeg nito. Habang hinahagkan siya ay inilalakad siya papasok sa loob ng cottage."N-nariyan na si Weng..." bulong niya. Subalit tila walang narinig si Stan at pilit siyang ipinapasok sa loob ng cottage. Nang tumingala si Weng ay mabilis niya itong itinulak.


"Anak ng—!" naiiritang sabi nito kasabay ng paglingon sa ibaba. Naroon si Weng at nag-aalangang pumanhik. Ibinalik nito ang mga mata sa kanya. "To the bitter end, Julianne, mailap ka pa sa usa ng Mindoro. Gusto kong manghinayang..."


"Stan, ano ba ang sinasabi mo? Hindi kita naiintindihan," naguguluhang sabi niya. Inilipat ang mga mata kay Weng na tumingala at nagmagandang hapon kay Stan. But Stan ignored the girl. "We couldn't just kiss in front of a kid, could we?"


"Pero may chaperone kang lagi, 'di ba? Kung hindi si Nadine, alin na lang sa mga kapatid niya," wika nito sa halos pagalit na tono. Pagkuwa'y nagkibit ito ng mga balikat. "Marahil naman sa Maynila ay wala ka nang maidadahilan. Anong oras nga pala kita susunduin dito bukas para ihatid sa pier?" He groaned. "Matapos sanang maaga ang meeting namin ni Mayor bukas.""It's all right, Stan. Maipahahatid akong tiyak ni Nadine kay Miguel."


Stan grimaced. "I'm guilty already, honey. Ako dapat ang maghatid sa iyo sa pier. Bakit hindi ka na lang maghintay na matapos ang meeting?"


"It's okay, Stan. Naiintindihan ko. Walang dahilan para magmadali kang matapos ang meeting gayong maihahatid naman ako ni Miguel at Nadine."


"Tatawagan kita sa CP mo kapag paalis na ako rito sa Huwebes sa susunod na linggo."


*************Yehey nakapag-update din ano na ang balita mga beshies? - Admin A **************

Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon