HUMINTO si Benedict sa mismong tagiliran ng kabayo. Nakita niya na tila natilihan ang binatilyo. Natakot ba niya ito?
"Narinig mo ba ako? Muntik mo na akong masagasaan niyang kabayo mo!""Narinig kita," the boy said in a throaty voice. "Kung hindi ka ba naman tatanga-tanga, sino ba ang maysabi sa iyong humarang ka sa daan?"
Naningkit ang mga mata ni Benedict. He expected an apology not contempt which was very obvious the way the boy's back stiffened, and he held the horse's reign as if it were a weapon he could use against him.
"Ang daang sinasabi mo ay pag-aari ko. Kaya kung ako sa iyo ay bumalik ka na lang sa pinanggalingan mo bago ko malimutang bata ka lang. Pribado ang lupaing ito at trespassing ka!"
Narinig ni Benedict ang pagsinghap nito. Pagkatapos ay umangat ang isang kamay nito at ibinaba pa ang suot na cap upang matakpan nang husto ang kalahati ng mukha.
"Kung pag-aari mo ang lupaing ito ay kasalanan mong nagawi kami rito ng kabayo," wika nito. "Wala akong nakitang bakod o karatula."
Benedict frowned at the rider's voice. There was contempt in the boy's tone, yet it also had an interesting quality that sent funny sensation dancing along his spine.
Dammit! Hell would freeze over before he cared one way or another about a boy's voice."Kung ganoon ay bulag ka," patuloy niya, nag-isang linya ang mga mata. Humakbang siya palapit dito at tumaas ang mga kamay at dinaklot ang lapel ng damit nito.
Humalinghing ang kabayo at umatras. Subalit hindi niya binibitiwan ang lapel ng polo shirt nito. Then his large hands connected with... with a swell that wasn't chest muscles.It was soft, warm, and...
"Bitiwan mo ako!" Nagpumiglas ito kasabay ng pagpipigil pa rin sa kabayo na unti-unti nang nag-aaburido. Dahilan iyon upang ang cap na suot nito ay kumawala mula sa ulo nito. A luxurious fountain of soft brown hair tumbled down.
Benedict stared in astonishment.
A woman. And a familiar woman for that matter.
Yes! Ito ang babaeng nakatagpo niya sa top deck ng ferry boat four days ago.For an endless moment, they stared at each other.
Benedict recovered first. Pagkuwa'y unti-unti ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa mga labi niya.
"Well... well..." wika niya, ang mga kamay ay mahigpit pa ring nakahawak sa lapel ng polo shirt nito sa kabila ng nararamdaman na niyang maaaring magwala ang kabayo anumang sandali. "Isipin mo nga naman iyan. Lalaking may dibdib."
"B-bitiwan mo ako!" Pilit nitong inaalis ang mga kamay niya subalit hinigpitan niyang lalo ang pagkakapitsera dito.
"And, oh, nagkita na tayo, 'di ba?" he said in a mocking tone. "Ano na nga 'yong sinabi mo sa akin sa ferry? Jerk? At kani-kanina lang ay tatanga-tanga naman ako! Jerk na tatanga-tanga, iyon ba ako?" Umangat ang mga kilay niya. "At binalak mong sagasaan akong talaga nitong kabayo mo, 'di ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/275433424-288-k929238.jpg)
BINABASA MO ANG
Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)
Romansa"Now what shall it be? Go home or have a drink with me?" tanong ni Benedict, watching her over the rim of his goblet. Julianne saw the challenge in his eyes. Itinaas niya ang mukha, accepting the challenge, tulad ng pagtanggap ng maliit na insekto s...