25

16.5K 511 87
                                    


BENEDICT woke up before dawn with empty arms. Tumayo siya sa pag-aakalang nasa banyo si Julianne nang matuunan niya ng pansin ang isang papel sa end table na nakaipit sa isang figurine. Inabot niya iyon at binasa.


I had to leave before I compromise the people that helped me find you. I promise to be withyou again after I have settled things with my father...Damn. Damn. Damn.


Marahas niyang tinabig ang figurine sa ibabaw ng end table. Nagkadurog-durog iyon nang bumagsak sa sahig. He paced up and down the living room mad as hell. Gusto niyang isiping pinaglalaruan siya nito. But something about Julianne didn't add up to it.


Muli niyang ibinagsak ang sarili sa sofa. He furiously raked his fingers through his hair. Sinisikap niyang kalmahin ang sarili at analisahin at unawain ang sariling damdamin.


Paanong kay Julianne ay kakaiba ang lahat? Papaanong sa una pa lang na makita niya ito ay kakaibang kislot na ng damdamin ang dulot nito sa kanya?


What did she give him that other women didn't or hadn't? Maybe it was the way she made love to him with more than just her body. She gave him everything—every part of her.


Dahil sinindihan mo ang apoy ng pagnanasa sa kanya, ang ibinubulong ng kabilang bahagi ng isip niya. Why you initiated her, gave her great sex... That was all there was to it. Perhaps that damn millionaire fiancé of her was a lousy lover. She'll marry him and keep you on the side.Ang panibughong nararamdaman niya, tulad din noong makita niya ang larawan nito sa peryodiko kasama ang lalaking iyon, ay tulad sa isang apoy na unti-unting tumutupok sa pagkatao niya.


Jealousy and anger were a potent combination.



"I'M MEETING Mr. Hidalgo here today. Would you know if he has arrived?" tanong ni Julianne sa receptionist na sumalubong sa kanya sa eksklusibong restaurant na iyon.


"He has, Ma'am, five minutes ago," wika ng receptionist, nakapagkit sa mga labi ang professional smile. "This way, please."


Habang sinusundan niya ang babae ay inikot ni Julianne ang mga mata sa loob ng restaurant. Iyon ang unang pagkakataong napasok siya sa restaurant na iyon. It had an intimate air of seclusion. Bagaman siya ang tumawag kay William upang makipagkita rito ay ito ang pumili ng lugar na pagtatagpuan nila.


Itinuro ng receptionist ang kinauupuan nito. Agad tumayo si William nang makita siya."Hi," bati nito at hinagkan siya sa pisngi. Pagkatapos ay hinila nito ang silya niya at pinaupo siya. Kinawayan nito ang waiter bago bumalik sa sariling upuan.


"What would you have?" tanong nito sa kanya nang lumapit ang waiter."Just a cup of coffee, please." Sa waiter sinabi ni Julianne ang order."I'll have the same," wika nito. "We'll order later." William dismissed the waiter.


Tinitigan siya nito, napuna ang tensiyon sa mukha niya. Then he covered her hand with his. "So, anong importanteng bagay ang nais mong sabihin sa akin?" tanong nito na sinabayan ng ngiti. "Napagpasyahan mo na ba kung kailan mag-uusap ang mga magulang natin?"

Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon