Sa tabi ng barandilyang bakal na humaharang sa gilid ng bangin patungo sa dagat ay nakaupo sa wheelchair ang isang matandang lalaki. He must be in his mid-seventies. Halos puti nang lahat ang buhok nito, ganoon din ang makapal na bigote. Nakasuot ito ng puting camisa de chino at khaki ang maluwang na pantalon. Si Don Serafin Santa de Leones.
"So, I've finally met Benedicto's grandson," wika nito. The mustache turned upward in a dry smile.
"Kilala mo ako?" He was surprised.
"You're a spitting image of your grandfather, young man. No one could have mistaken those Santa de Leones eyes for somebody else's."
"Isa rin akong Aragon..."
Sloppy shoulders lifted in a shrug, as if the name didn't merit his attention. "So what brought you here for the first time in—how old are you and what is your name?"
"Thirty-three... Benedict."
"Benedict..." Pinaglaro nito sa dila ang pangalan niya, then a nostalgic smile seemed to cross his eyes. "So why come here only now? Money?"
Naningkit ang mga mata ni Benedict. "Sorry to disappoint you, Sir. Hindi pera ang kailangan ko."Umangat ang kilay ng matandang lalaki. "Don't be offended, young man. Karaniwan nang ganoon ang nangyayari. Nagtataka lang ako. I thought I'd go to my grave without seeing you."
"Then why didn't you come and see me? Kahit nang mamatay si Lola Manuela?"
The old man released a harsh breath. Sadness crossed his eyes. "Matandang alitan ng magkakapatid, Benedict, ang dahilan. Hindi kailangang pag-usapan sa unang pagkakataong nagkita tayo." Itinuro nito ang katabing lounging chair. "Maupo ka at sabihin mo sa akin ang kailangan mo." Nag-angat ito ng mukha sa dakong sa palagay ni Benedict ay ang patungo sa bahay nito bagaman wala siyang nakikita kundi malalaking puno. Patungo sa kanila ang isang babaeng nakauniporme ng puti. Isang pribadong nurse.
"Sabihin mo kay Choleng na dalhan kami ng malamig na maiinom, Ariana." Nang tumalikod ang babae ay muli siyang hinarap. "So?"
"Hindi pera ang tulong na gusto kong hingin sa iyo..." Muling umangat ang kilay ng matandang lalaki pero hindi kumibo. Ipinaliwanag ni Benedict ang sirkumstansiya ng mga lupain niya, lalong higit ang Villa Manuela. Hindi niya pinansin ang pagtiim ng bagang ng matandang lalaki.
"Alam kong magkakarugtong ang islang ito at ang Capistrano. Katunayan ang dulo ng daan sa dagat ay pag-aari ko. Ginagamit ninyo ang propiedad ko bilang daanan..."
"There's a law to a right of way."
"That's not my point," he said impatiently. "Naisip kong may titulo kang hawak upang patunayang pag-aari ni Lolo Benedicto ang lupain."
Isang nahahapong buntong-hininga ang pinakawalan ng matandang lalaki. Nilinga ang karagatan. "Tatlo kaming magkakapatid na lalaki, ang lolo mo ang panganay. But he was also our father's son outside his marriage..."
BINABASA MO ANG
Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)
Storie d'amore"Now what shall it be? Go home or have a drink with me?" tanong ni Benedict, watching her over the rim of his goblet. Julianne saw the challenge in his eyes. Itinaas niya ang mukha, accepting the challenge, tulad ng pagtanggap ng maliit na insekto s...