11

13.6K 405 14
                                    


ARAW ng pagbibiyahe ni Julianne at patapos na siyang mag-empake nang malingunan si Nadine sa pintuan ng silid niya. Naka-office uniform pa ito. Nginitian niya ang kaibigan.


"Akala ko ba'y magha-half day ka lang? Bakit ang aga mo? Alas-diyes pa lang, ah." Kinagabihan din nang araw na maghiwalay sila ni Stan ay niyaya niya si Weng na magtungo sa bahay ng tatay nito at hinintay roon sina Nadine.


Ipinaalam ang plano niyang pag-uwi ngayong araw. Bagaman nabigla ay hindi naman tumutol na si Nadine. Nag-alok ang mag-asawang ihahatid siya sa pier.


"What's wrong?" tanong niya nang manatiling hindi kumikibo si Nadine. "Bakit tila ka natutulala? Natanggal ka rin ba sa trabaho?" pabirong sabi niya, isinara ang zipper ng maleta. "'Yon nga palang bike sa ibaba, ibigay mo sa mga bata."


Nadine sighed. "I wish there's a better way to tell you this, Julianne," mahinang sabi nito.Nilingon niya ang kaibigan, nakita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Kumunot ang noo niya. "What is it, Nadine?"


"Sana'y hindi na lang sa akin manggaling ang sasabihin ko sa iyo. Hindi ko gustong makitang nasasaktan ka. Pero mas mabuting malaman mo kaysa manatili kang umaasa..."


"Hey, ano ba talaga ang problema?" Tuluyan nang nakuha nito ang buong atensiyon niya. "Bakit parang napakaseryoso naman ng dating mo?"


Naupo ito sa dulo ng kama. "Kanina kasi..." she paused, "napaaga ng pasok si Tatay sa munisipyo. Nauna pa ngang umalis sa amin ni Miguel dahil may iniwan daw siyang trabaho kahapon at kailangan niyang matapos. Kasalukuyan siyang nasa isang bahagi ng opisina nang maagang dumating sina Mayor at Stan.


"Alam mo na, maaga kasi ang meeting sa headquarters ng partido nina Mayor at may dinaanan yata sa munisipyo. Hindi raw siya napuna ng mga ito dahil natatakpan siya ng mga filing cabinet kaya malaya niyang naririnig ang usapan ng dalawa."


"And?""Narinig ni Tatay na iniimbitahan ni Stan si Mayor sa Sabado ng gabi sa birthday party nito sa Villa Manuela."


"A-are you sure there would be a party? Sinabi ni Stan na hindi na niya itutuloy ang birthday party niya."


"Sana nga'y nakaringgan lang ni Itay iyon. Pero kahit nang pumasok sila sa loob ng opisina ni Mayor ay patuloy sa pag-uusap ang dalawa at dahil hindi naman nakalapat ang pinto ay naririnig sila sa labas. Sabi ni Stan ay ihahayag niya sa gabing iyon ang... ang engagement nila ni Milet."


"Oh.""At nang banggitin daw ni Mayor ang pangalan mo, ang sabi ni Stan ay hindi mo naman daw malalaman dahil pauwi ka na ngayon."


Wala sa loob na napaupo sa gilid ng kama si Julianne. May pakiramdam siyang namamanhid ang buong katawan niya.


"Sinisisi nga ni Tatay ang sarili kung bakit kayo nagkakilala ni Stan," patuloy ni Nadine. "Noong kasal namin ni Miguel ay si Mayor lang ang dapat na imbitado pero biglang dumating si Stan nang kasalukuyang iniimbita ni Tatay si Mayor. Out of politeness, napilitan si Tatay na kumbidahin siya.


"Hindi gusto ni Tatay kahit ang namayapang ama ni Stan, Julianne. Katunayan ay hindi na ito nanalo nang sumunod na eleksiyon. Mapagmapuri kung turingan ni Tatay ang mag-ama. Subalit nang maging magnobyo kayo ay hindi siya nagkomento. Pero kanina ay galit na galit si Tatay nang sabihin sa akin ang mga narinig niya. Sabihin ko raw sa iyo."


Humugot siya ng tissue mula sa kahon na nasa ibabaw ng kama at banayad na suminga. Matagal na katahimikan ang namagitan. Nadine broke the silence.


"Ikinagagalak kong hindi mo ipinagtapat kay Stan ang tunay mong pagkatao, Julie. You don't deserve a bastard like him."


"I-ipinagmalaki ko siya sa Papa't Mama..." mahinang sabi niya na tila ba tinakasan siya ng lakas. "Tiniyak ko sa mga magulang kong isa siyang mabuting tao, na karapat-dapat siyang maging manugang nila... na mahal ako ni Stan hindi dahil sa aking katayuan sa buhay kundi bilang ako..."


Isang buntong-hiningang puno ng simpatya ang pinakawalan ni Nadine. "Kalimutan mo siya, Julie. Dapat mong ipagpasalamat na nakilala mo ang tunay niyang motibo bago pa naging huli ang lahat."


Hindi siya sumagot. Nanatiling nakatitig sa kawalan. Pilit niyang pinagagana ang isip.Nilinga ni Nadine ang mga gamit niyang nililigpit. "Nalulungkot akong ito ang kinahinatnan ng pagtigil mo rito sa Capistrano, Julie. Gusto kitang pigiling manatili muna. Pero baka lalo ka lang masaktan kung—"


"Hindi ako uuwi ngayon, Nadine. Dadaluhan ko ang birthday party ni Stan sa Sabado.""Oh, Julie..." Napuno ng pag-aalala ang tinig ni Nadine. "Huwag mong gawin ito. Masasaktan ka lang. And knowing Milet, baka ipahiya ka niya."


"I can handle her now that I am not her parents' employee anymore," giit niya. "Hindi ako basta maaaring tumalikod na lang, Nadine. Pagtatawanan nila ako..."


"Ganoon din ang gagawin nila kapag dumalo ka. Gusto mo bang makita pa iyon?"Hindi siya sumagot. Lumakad siya patungo sa bintana ng cottage. Lampas-lampasan ang tingin niya sa mga puno ng niyog. Sa kanilang dalawa ni Jessica, her little sister was the most private. Jessica kept to herself and to her horses. And yet Jess was the spirited one, ang mataray sa pamilya, to the point of being bitchy. A slight provocation from a man would certainly bring her sister to retaliation.


While Julianne was the sociable and the happy-go-lucky type. Yet she was submissive and too gentle. She would cry in a drop of a hat. Ni hindi niya makuhang magtaas ng tinig sa kanino man. Kapag nagagalit siya'y tatalikod na lamang siya. Jessica used to tease her that she was the saint in the family.


At sa kanila ni Jessica, siya pa rin ang sa tuwina'y masunurin sa ama. She wouldn't dare oppose Bernard. Kaya nga maituturing niyang himala na napapayag niya ito sa pagtungo at pagtira niya nang matagal sa Capistrano.


Apat na buwan siyang namuhay nang nag-iisa at wala ang proteksiyon ng mga bodyguard at salapi ng ama. Kinaya niya ang mabigat na trabaho sa mga de Castro, nadagdagan ang lakas ng loob niyang kakayanin niya ang lahat. Pero kaya ba niyang harapin sina Stan at Milet sa birthday party ng una?


But she couldn't just turn tail and went home to her parents. Hindi niya gustong kahabagan ang sarili nang ganoon na lang. She had to face Stan and Milet. At pagkatapos ay saka na niya haharapin ang problema sa mga magulang.


"Dadalo ako, Nadine," anas niya.


Nadine groaned.



*****************Go girl Julianne, kaya sa'yo ako eh gusto ko yang lumalaban kahit hirap na hirap na parang ako, hirap na hirap na maging maganda char hahahaha. Dami ko pa namang hanash di ko na alam paano ko pa sasabihin, di ko maikwento eh hahahaha. - Admin A *********************************************************************************************

Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon