NANG hindi sumagot si Benedict sa tanong niya ay nanlumo si Julianne. Sana'y nanatili na lang walang salitang namagitan sa kanila. Sana ay naghiwalay na lang silang muli pagkatapos. O di kaya ay hindi na lang sana siya nito sinundan para ulitin ang maling naganap sa kanila.
Alam niyang tataglayin niya sa alaala ang namagitan sa kanila sa habang-panahon. Pero ang malamang may asawa na ito ay gustong magpababang higit ng pagtingin niya sa sarili.She had the most fulfilling sex with a married stranger!
Tumayo rin si Benedict at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Julianne, listen. I am not married anymore... I mean, technically, yes," he amended.
She raised weary eyes to him, wishing him to just leave. But words wouldn't come out."I filed an annulment eight months ago," mabilis nitong paliwanag nang makita ang ekspresyon niya. "Sa nakalipas na panahon ay dalawang beses lang kaming nagkita at sa korte pa. Ang anumang negosasyon at pag-uusap ay ginagawa sa pamamagitan ng mga abogado namin." Kinabig siya nito, idinikit ang mga labi sa noo niya.
"What happened between us was wrong..." she said in a small voice. At hindi lang ang nangyari nang nagdaang gabi ang mali, kahit ang naganap sa kanila kani-kanina lang."Last night, you were vulnerable and I took advantage of it. I admit that I deliberately seduced you to spite Stan... lahat ng bagay, kahit na inayawan na niya ay hindi niya gustong mapunta sa iba... lalo na sa akin."
Her eyes flashed angrily. Sinikap niyang makawala mula rito subalit hinigpitan ni Benedict ang pagkakahawak sa mga balikat niya.
"Listen, Julianne..." He gave her shoulder a gentle shake. "Iyon ang unang nasa isip ko. But the thought was gone as fast as it came. Kung saan mang bahagi ng pag-uusap natin iyon tuluyang nawala ay hindi ko matukoy."
Nang pilit na pinakakawalan ni Julianne ang sarili ay sinapo nito ng mga kamay ang mukha niya at itiningala siya. Then he gazed into her eyes.
"Something happened last night, Julianne. O marahil ay naroon na iyon una pa lang. Na makita kitang lumalakad papasok sa gate. Or it could have been there when I first laid eyes on you months ago. Sa deck ng ferry. Sa parang. I don't know what happened but—""Sex. Unadulterated sex. That's what happened," she said sarcastically.
"It's more than just sex," mariing wika nito. "I never slept the night with a woman after a satisfying sex. Not even with the woman I was married to. We had separate bedrooms—""For goodness' sake, you were drunk!"
"Not too drunk to have made love to you twice, my darling," he said with an amused smile on his lips. "May silid sa third floor at magagawa kong bigyang-kasiyahan ang sarili ko at pagkatapos ay ipahatid kita kay Abel. Pero dinala kita sa silid ko dahil sa isang bahagi ng isip ko, hindi ko man maamin iyon kagabi, gusto kong magising sa kinabukasang nasa tabi kita."
"You found out I was... I was without experience." She flushed. "That must have bothered your conscience."
He gazed into her eyes. "Your virginity was an added bonus." There was an odd tenderness in his voice and something akin to pleasure crossed his eyes. "There was something else and we both know that. Napatunayan natin iyan ngayon lang."
Napabuntong-hininga si Julianne. Hindi niya kayang itatwa ang sinabi nito. "And you think that something else is enough for me to agree to have a fling with you?""Bakit hindi?" he challenged.
Muli siyang nagbuntong-hininga at kumawala mula rito. Nahagip ng mga mata niya ang undies niya sa sahig at dinampot iyon upang muling isuot subalit inagaw iyon ni Benedict mula sa mga kamay niya.
She opened her mouth to say something but she couldn't find a word to say. Wearily, ipinagsalikop niya sa katawan ang mga braso.
Benedict strode towards her, uncaring if he was as naked as the day he was born. "Bakit hindi, Julianne?" ulit nito sa malagihay na tinig, as if he'd been drinking too much. Tulad nang nagdaang gabi. But she knew better, especially when she stared into those killer eyes. Pagkuwan ay pumaloob ang kamay nito sa bathrobe niya.
She moaned as heat boiled anew inside her. Lalo na nang idaiti nito ang katawan sa katawan niya. She could feel him. Hard and hot. At ang isang kamay nito ay bumaba patungo sa puson niya... at pababa pa.
Oh, God. Kung hindi niya paiiralin ang isip, mauuwi na naman sila sa kama. At wala pang beinte-kuwatro oras mula nang magkakilala sila.
"I-I have a ferry to catch..." she said, sounding silly.Benedict chuckled. "Hindi ko alam kung ano ang mayroon ka, darling, but I am behaving like a sex-starved just looking at you. And you were Stan's girlfriend for three months! Has he, all of a sudden, turned into a saint?" Muli itong tumawa. A triumphant laugh. Na para bang ang namagitan sa kanila ay dahil sa pagnanais nitong makalamang kay Stan.
Subalit bago pa magkaugat sa isip niya iyon ay yumuko ito at banayad siyang hinagkan sa mga labi at pagkatapos ay inalis ang kamay sa katawan niya.
"Sabay tayong lumuwas sa Maynila ngayon." Tumalikod ito at dinampot ang mga damit sa sahig at isa-isang isinuot.
"P-pagkatapos?" naguguluhang tanong niya.He turned ang grinned. "Walang private cabin sa ferry, so we can't make love while at sea. Palipasin natin ang dalawang oras na biyahe sa pagkilala nang higit sa isa't isa. You can tell me about your family... and I'll tell you mine." Sinabi nito ang huling pangungusap na may pag-aatubili.
Nang manatili siyang nakatayo lang at titig na titig dito ay isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Benedict at muli siyang nilapitan.
Itinaas nito ang mukha niya. "Be my woman, Julianne," he whispered."You're asking me that we have sex every time we met, is that it?" Her voice was a mixture of weariness and anger.
"Sex between us is good. We complemented each other. But there's more to relationship than just sex." He paused and didn't speak for a while. Then, "I can't promise you anything, yet. But I'm asking you to take a chance on me..."
***********Parang nakakatuwa yung araw na ito since, nakausap ko yung mga dati kong namimiss kausap lalo ka na ate madam, boss amo, mapagmahal , bente uno charottttt hahahahaha. Kilala muna siguro sarili mo, ikaw yung unang nakausap ko dito nung naging admin ako at dami kong natutunan sa'yo as in super dami. Sana mameet kita in person para makapag-thank you man lang yun lang kasi kaya ko eh at poorita si Admin A char hahahaha. So happy na nakausap ulit kita. - Admin A *********
Yung iba kong nakakausap mag-message na kayo at ng matuwa ako char lang hahahahaa
![](https://img.wattpad.com/cover/275433424-288-k929238.jpg)
BINABASA MO ANG
Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)
Romance"Now what shall it be? Go home or have a drink with me?" tanong ni Benedict, watching her over the rim of his goblet. Julianne saw the challenge in his eyes. Itinaas niya ang mukha, accepting the challenge, tulad ng pagtanggap ng maliit na insekto s...