"MA'AM Julianne, telepono po," wika ng katulong, tinatakpan ang mouthpiece ng cordless. "SDL Laboratories daw po."
Mula sa pagti-trim ng mga orchids ay kunot ang noong nilingon niya ang katulong. "Ako ba ang kailangan?"
"Opo, Ma'am. Ang nasa linya ay ang manager ng kompanya."
"Why would—" Hindi niya itinuloy ang sinasabi. Isa na naman marahil sa mga kakilala ng ama na gusto siyang kuhaning modelo para sa mga produkto ng mga ito. She had refused quite a few of them. She wasn't just interested. Ibinaba niya ang gunting at kasabay ng bagot na buntong-hininga ay inabot ang cordless phone sa maid. "Hello..."
"Hello, darling. Remember me?" wika ng mapanuyang baritonong tinig sa kabilang linya.Napasinghap si Julianne kasabay ng panlalaki ng mga mata. Agad ang pag-alon ng dibdib niya. Binalingan niya ang katulong at sinenyasan na iwan siya. Sa nanlalambot na mga tuhod ay sumandal siya sa palm tree. Sampung araw na ang nakalipas mula nang maghiwalay sila.
"B-Benedict..." she whispered after a long while, clutching the phone tightly, na para bang kapag niluwagan niya ang hawak sa instrumento ay mawawala sa kabilang linya si Benedict. Ang tibok ng puso niya ay tila iyong nanggaling mula sa pagtakbo sa marathon.
Silly her, but she didn't know why she suddenly wanted to cry. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata niya.
"I'll be damned," ani Benedict. Magkahalong panunuya at galit ang nasa tinig. "Kailangan kong magdaan sa butas ng karayom makausap ka lang. At hindi ko alam kung bakit kailangan pa kitang makausap matapos ang ginawa mo."
"P-paano mong nalaman ang numero ng telepono rito sa bahay?" tanong niya. Ang mga numero ng telepono nila sa mansiyon ay unlisted.
"I'm resourceful," sarkastikong sabi nito.Sa loob ng ilang sandali ay walang usapang namagitan. Tila hindi alam ng bawat isa kung ano ang sasabihin sa isa't isa.
"I-I miss you so much and I wanna see you..." ani Julianne makaraan sa gumagaralgal na tinig."Really?" he replied in a mocking voice. "For another roll in the hay, Julianne, darling? Hindi ba kayang paligayahin ni Mr. Bank Magnate si Miss Heiress?"
"Benedict..." She choked on her tears.
"You're a cheat, Julianne. A first-class cheat but a cheat nevertheless!"Sapat iyon upang ang pinipigil na emosyon ni Julianne ay kumawala. She burst into tears.
"J-Julianne..." ani Benedict na biglang nag-iba ang tinig. "What's wrong, Julie? Oh, God, why are you crying?"
"Because I... I really... want to see you... but I can't..." she said in between broken sobs.Benedict muttered a litany of curses. "What is this, Julie? Another trick you want to pull on me?" he said in a mixture of anger, weariness, and confusion.
"I want to see you, Benedict," muling ulit ni Julianne, "and I want to be with you. Maniwala ka.""Then meet me now. Ibibigay ko sa iyo ang address ng town house ko—"
"I can't. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis na hindi kasama ang... ang mga bodyguards ko. Kailangan ko munang mag-isip ng—"
"Poor me." The sarcasm was back in his voice. "And I almost believe you." Pagkasabi niyon ay ibinagsak nito ang telepono.
"B-Benedict... hello... hello!" Julianne panicked. She had been given the chance to hear from him again. Ang kaisipang maaaring tuluyan na silang hindi magkitang muli ay tila gustong magpapugto ng hininga niya. At ang lahat ng agam-agam na inaalagaan niya sa dibdib sa nakalipas na mga araw ay tuluyan na niyang inihagis sa hangin.
Halos takbuhin niya ang pagpasok sa loob ng bahay. Tinungo ang main equipment at tiningnan ang numero ng teleponong ginamit ni Benedict na nakarehistro doon. Isinulat iyon sa papel at pagkatapos ay tinawagan ito.
Apat na ring bago iyon sinagot ni Benedict. "Benedict... I—" Subalit biglang naputol ang linya bago pa man niya masabi ang gustong sabihin. And she was sure Benedict pulled the plug from the telephone socket. Tinitigan niya ang telepono nang may ilang sandali bago iyon dahan-dahang ibinalik sa cradle.
Sa loob ng ilang segundo ay para siyang estatwang nakatayo lang doon. Nang isang ideya ang biglang pumasok sa isip. Pumasok siya sa den at ang telepono roon ang ginamit. She dialed Kurt's office, her cousin Jade's husband.
"Julianne, alam mo ba kung paano kita pananagutan sa papa mo sa sandaling gawin ko ang mga ipinakikiusap mo sa akin?" ani Kurt sa kabilang linya matapos niyang sabihin dito ang gustong mangyari. "Bernard will have my neck."
"You aren't afraid of my father, Kurt," wika niya sa desperadong tono."Not when it comes to the women in the family, baby. Remember what I went through for Jade?" he laughed drily. "I'd rather face the terrorists but not the wrath of the men in this family. I was so scared then. Mahusay lang akong magdala."
"You're lying." She sniffed.
"No, baby. Back then, si Uncle Zandro lang ang pinagkunan ko ng pag-asa. He was the only one who didn't look at me with contempt. What I saw in his eyes was amusement... and I saw respect, too, and challenge."
Julianne smiled to herself fondly. "Oh, Kurt, I know you'll go through over the Fortalejos and de Silvas again, if only for Jade. Kaya natitiyak kong naiintindihan mo ang damdamin ko. And my father doesn't have to know. Please, nakikiusap ako."
"Who is this man, Julianne?" Kurt asked in a weary tone.
"That's your forte, cousin," aniya, nakasilip ng pag-asa sa tono nito. "You can check him out if you want. But I beg of you to help me... kayo ni Jade."
Pagkatapos ng mahabang pakiusap, ibinaba niya ang telepono. Paglabas ng den ay tinawag niya si Yaya Amparo. "Magbihis ka, Yaya. Aalis tayo."
*********Ramdam ko ang hinagpis nila dito, yung gustong-gusto mo siyang makita pero di puwede, yung nag-uumapaw ang emosyon mo at galit kahit na mahal mo siya. Yung tipong di mo na alam ang gagawin mo, naku ramdam kita Benedict kasi ganyan din feels ko sa'yo char hahahahaha. Ang hirap naman nito, di ko alam kung kanino ako lulugar sa inyo, puwede naman kasing magkita, kung gusto eh char hahahaha. Dun pala sa nagpapadedicate, message mo ako madam, para maalala ko, tanders na si Admin A kaya ulyanin na, sorry na agad. - Admin A ******************************************************************************************
Happy weekends sa inyong lahat. Sana happy kayo at mag -ingat palagi. Lovelots - Admin A
BINABASA MO ANG
Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)
Romance"Now what shall it be? Go home or have a drink with me?" tanong ni Benedict, watching her over the rim of his goblet. Julianne saw the challenge in his eyes. Itinaas niya ang mukha, accepting the challenge, tulad ng pagtanggap ng maliit na insekto s...