PAGKATAPOS maligo ni Benedict ay nahiga na siya. Subalit may dalawampung minuto na siyang pabiling-biling sa higaan ay hindi siya dalawin ng antok. Alas-siete pasado pa lang ng gabi. Pero dahil pagod siya sa biyahe ay inaasahan niyang makakatulog siya kaagad. Subalit naririnig niya ang mga tinig ng mga taong nagkakasayahan sa hardin.
Bumalikwas siya at muling isinuot ang hinubad na pantalong maong. Pagkatapos ay lumabas sa balkonahe na nakapaligid sa buong ikalawang palapag. Ang kinatatayuan niya ay nakatanaw mismo sa hardin at sa harapang-daan. Malibang matutuon ang pansin ni Stan sa itaas ay hindi nito malalamang naroroon siya. At natitiyak niyang hindi pa rin nito alam ang pagdating niya. Madilim ang bahaging iyon dahil sa mga sanga ng punong-kahoy na humaharang sa liwanag na nanggagaling sa ibaba.
Sinuyod niya ng tingin ang mga tao sa lawn. Natanaw niya ang mesa ng grupo ni Mayor Alcaraz at ng pamilya nito. Katabi nito si Stan na nakaakbay kay Milet. Sa katabing mesa ay ang mag-asawang de Castro, na masasabing kabilang sa taal at iilang masasabing may-kaya sa buhay sa bayan ng Capistrano.
Nang ibaling niya ang mga mata sa delantera ng bahay ay nakuha ng pagparada ng tricycle sa mismong tapat ng gate na naiilawan ang atensiyon niya. Mula roon ay isang magandang binti ang natanaw niyang iniunat at inilabas sa tricycle. Sa paa ay isang black strapped sandals na may manipis at mahabang takong. At marahil ay may kaiklian ang suot nitong damit dahil lumilis iyon sa hindi dapat. Pagkatapos ay sinundan iyon ng isa pang binti.
Hindi niya maiwasang mapangiti. He wasn't a voyeur. Pero sa pagkakataong iyon ay iyon ang tingin niya sa sarili, lalo at sa palagay niya'y iyon ang pinakamagandang pares ng binti na nakita niya sa matagal-tagal ding panahon.
Umaasa siyang babagay sa mukha nito ang kung sino mang nagmamay-ari ng pares na mga binting iyon. Sinundan ng mga mata niya ang tuluyang paglabas ng babae.Bagaman hindi niya masyadong masipat ang kabuuan ng mukha nito dahil nasa itaas siya ay hindi naman siya nabigo sa inaasahan.
Ang walang manggas, draped collar, above-the-knee length peach dress ay humahapit sa balingkinitang katawan nito na tila isang mangingibig. May katamtamang taas ito. And although she appeared on the thin side, she was well-proportioned. Ipinakikita iyon ng katamtamang laki ng dibdib at maliit na baywang na palagay niya'y kayang ipagsalikop doon ang mga kamay niya.Napuna ni Benedict ang wala sa loob nitong paghaplos sa buhok na naka-French twist, para bang tinitiyak na walang hiblang naalis mula sa pagkakaayos.
Sandali itong nag-atubili, pagkatapos ay nakita ni Benedict ang pagtaas-baba ng dibdib nito bago itinaas ang mukha at lumakad na papasok sa gate, walking like a queen.
Sandali itong huminto sa paghakbang. And when her eyes moved around her it was as if those people were her subjects. Kakaiba ang dating nito sa mga kadalagahang naroroon; na tila ba hindi ito nararapat sa ganoong uri ng kasayahan at kapaligiran.
Pero bakit naka-tricycle lang ito? Sino ang bisitang ito ni Stan? She didn't appear like one of the townspeople.
May ilang bisitang napuna ang pagdating ng babae. May mga nakangiting bumati rito. Mas o menos, taga-Capistrano ang babae. Pagkuwa'y kumunot ang noo ni Benedict nang mapuna ang ilang grupong biglang nagbulong-bulungan, lalo na sa mesang hindi kalayuan sa mesa ng mga tagamunisipyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/275433424-288-k929238.jpg)
BINABASA MO ANG
Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)
Romance"Now what shall it be? Go home or have a drink with me?" tanong ni Benedict, watching her over the rim of his goblet. Julianne saw the challenge in his eyes. Itinaas niya ang mukha, accepting the challenge, tulad ng pagtanggap ng maliit na insekto s...