17

17.4K 539 105
                                    

NAPABALIKWAS si Benedict nang pabalyang bumukas ang pinto ng silid at tumama iyon sa dingding. He squinted his eyes as sunlight blinded him. Inihilamos niya ang kamay sa mukha. Pagkatapos ay nag-angat ng tingin at nang makita si Stan sa may pintuan ay lalong nagdikit ang mga kilay.


"Dammit, Stan," he muttered angrily. "Tiyakin mong may mabuti kang dahilan para balyahin ang pinto ng silid ko at gisingin ako."


"You slept with her!" Stan accused angrily. Inihagis sa kama ang clutch purse ni Julianne.Biglang natilihan si Benedict. All of a sudden, everything came in a flash. The whiskey, the woman, and the night of wild passion. Wala sa loob na nilinga ang tabi. The empty side of his bed filled him with a sense of loss.


"Nasaan si Julianne?" he asked, an edge in his voice.Isang malakas na halakhak ang isinagot ni Stan. "Well, the bitch had the sense to get out of this house before I realized she fu—d with you."


Tumayo siya mula sa kama. Ang kumot na nakapulupot sa may ibabang bahagi ng katawan ay sumama sa pagtayo niya. "Watch your language, Stan," babala niya. May panganib na gumuhit sa mga mata.


"Feeling protector again, Benedict?" he mocked. "Kahit kailan ay mahilig kang sumalo sa mga pinagsawaan ko."


He clenched his jaw. Nagising siya nang wala sa oras nang balyahin nito ang pinto ng silid niya. Masakit ang ulo niya dala ng hangover. Wala siyang balak na sa unang oras sa umaga ay makikipagbasagan siya ng mukha. Besides, they were too old for that. Nang sa pagyuko niya ay may isang bagay sa kama ang kumuha ng pansin niya.


Muli, kumislap sa isip niya ang pangyayari nang nagdaang gabi: ang pagkamangha niya nang matuklasang wala pa itong karanasan; the way her passion overrode her discomfort and arched her body to meet his; and the way he muffled her scream as he brought her to the edge of the world.


Muli siyang nag-angat ng tingin kay Stan. Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi niya sa isang pauyam na ngiti.


"Pinagsawaan? Oh, I doubt it, Stan."Kumunot ang noong sinundan ni Stan ng tingin ang tinititigan ni Benedict sa ibabaw ng kama. Bahagya na nitong nahagip iyon ng tingin dahil mabilis niyang inihagis doon ang kumot. It was sort of a protective gesture on his part and that surprised him.


What was on the sheet was proof of Julianne's innocence. Hindi kailangang ipangalandakan niya kay Stan iyon. Kahit na ano pa ang sabihin nito. What happened between him and Julianne last night was very private.


"Get out, Stan," pagtataboy niya rito.Mula sa pagkakatitig sa ibabaw ng kama ay nag-angat ito ng nagliliyab na mga mata sa kanya. Stan's face turned ugly in anger. Gayunman ay walang salitang tumalikod ito.Naupo sa gilid ng kama si Benedict. Sinapo ng dalawang kamay ang ulo. Tila iyon minamartilyo sa sakit. Matindi ang hangover niya.


"Dinalhan kita ng kape," ani Abel na bumungad sa pinto dala ang tray na may mug ng umuusok na kape.


"Salamat, Abel. Nakita mo ba nang—"


"Inihatid ko siya sa sakayan," sagot nito bago pa matapos ang tanong niya at inilapag ang tray sa gilid ng mesa.


Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon