22

15K 466 29
                                    

"HOW ARE you, Julianne?" ani William matapos ibaba ng waiter ang aperitif nila. "A month ago, nabanggit sa akin ng papa mo ang tungkol sa nobyo mo sa Mindoro—"


"Bakit hindi ka bumalik sa L.A. nang malaman mong may nobyo na ako, Will?" putol niya sa sinasabi nito.


Nagkibit ito ng mga balikat. "May mga negosyong dapat na asikasuhin dito. So, what happened to the boyfriend? I got a late call from your father last night. He told me it's off."Pinaglaruan niya ang rim ng champagne glass niya. "Ayoko siyang pag-usapan, Will," bagot niyang sagot.


"As you wish." Tumango-tango ito. "Let's talk about us then.""W-what do you want us to talk about?"


William smiled wryly. "Don't let us beat around the bush, Julie. Alam nating pareho kung bakit magkasama tayo ngayon. I want to marry you."


She couldn't have heard a more colder proposal. Pero ano ba ang inaasahan niya? Lumuhod ito sa harap niya at saka sabihing gusto siya nitong pakasalan? Pareho nilang alam kung bakit kailangan nilang magpakasal.


Bago si Benedict, baka sakaling nakahanda siyang bulagin ang sariling damdamin para dito. Si William ang kabuuan ng pangarap ng sino mang babae. Pero bakit ayaw man lang kumislot ng puso niya rito? Just as she realized now how her heart didn't even beat for Stan. Na kaya mas pinili niyang maging kasintahan si Stan dahil hindi ito inirekomenda ng ama; na niligawan siya nito bilang siya; na kung sakaling makasal sila ay hindi dahil mapapadali niyon ang mga transaction sa negosyo.


"Do you really want to marry me, Will?" mahinang anas niya."That's a silly question, Julianne," wika nito, giving her an indulgent smile. "Kahit sinong lalaki ay papangarapin kang maging asawa."


"We aren't in love."


"We would be once we were married," he said matter-of-factly. "Arranged marriages are usually the lasting ones. Read the history of famous men and women whose marriages were arranged, kung hindi man ng pamilya ay ng mga obligasyon."


"Yeah," matabang niyang sabi. "At karaniwan na'y may mga itinatagong mistresses sa tabi."Hinayaan muna ni William na mailapag ng waiter ang order nilang pagkain at nang makaalis ito ay saka siya sinagot.


"Just as many married couples who had professed undying love to each other," he said cynically, then added with a lace of bitterness in his voice. "Love are for fools, Julianne. For the dreamers... They aren't for us."


Umiwas siya ng tingin. Hindi niya maintindihan subalit nag-iinit ang sulok ng mga mata niya sa tono nito. Gusto niyang umiyak. Since her brief affair with Benedict, nagiging maudlin siya.Mula sa sulok ng mga mata niya ay nakita niyang may dinukot sa bulsa ng pantalon nito si William at inilapag iyon sa mesa sa mas malapit sa kanya.


"Buksan mo," utos nito, nakangiti. "Binili ko iyan sa New York bago ako nagtungo rito."Tinitigan niya ang cajeta. Nakatatak doon ang tindahang pinanggalingan. Tiffany's of New York. Duda siya kung kayang bilhin ni Benedict ang ikaapat na bahagi man lang ng halaga ng laman ng cajeta.


Obligingly, binuksan niya ang cajeta. Kumislap sa harap niya ang flawless three-carat blue diamond.

Kristine Series 22 - Wild Passion (COMPLETED) (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon