PROLOGUE

542 50 118
                                    

This story contains grammatical, punctuation, typographical errors. You can correct me anytime. Don't worry I'm still learning and improving.

And don't expect too much here, okay? Bata pa ako kaya marami pa akong dapat matutunan.

©All Rights Reserved 2022

Independent Series #1- Trying To Be With You

***

"INVITED TAYO SA BIRTHDAY NI GLAIZA MAMAYANG GABI, NA-INFORM KA BA?"

Bungad sa 'kin ni Nicole pagkapasok ko ng Condo, kaibigan ko. Umupo ako sa sofa.

Ano'ng naisipan ng dalawang 'to at dumalaw dito?

"Of course, lagi kaming magkasama remember?" Sagot ko.

"By the way, kailan pala matatapos 'yang taping n'yo? Excited na kong panoorin!" Singit ni Cath, isa pa'ng kaibigan ko.

"Pag-namatay ka na, sis." Seryosong sagot ni Nicole, talagang seryoso pa ang isang 'to, ah? "Sa kabilang buhay ka nalang manood," dagdag pa nito na mas lalong kinainis no'ng isa.

"Hoy-Nicollete Garcia! Tigil-tigilan mo 'ko, ah! Baka ikaw pa ang unang mamatay sa 'kin d'yan, eh. Pag-ikaw namatay hindi kita dadalawin kahit multuhin mo pa 'ko." Tumayo pa siya na parang galit na galit.

Parang mga bata...

"As if naman papayagan kitang dalawin ako-"

"Tigilan n'yo na 'yan, ha! Daig n'yo pa mga bata. Hindi ba kayo nag-grown-up?" Tumayo ako.

"Epal kasi ang isang 'yan! Seryoso ako tapos mang-aasar," nakasimangot na sabi ni Cath.

"Bahala nga kayo d'yan, para'ng mga bata. Lock n'yo na lang 'yong pintuan kung aalis kayo, ah? Matutulog ako, eh." Ngumisi ako 'tsaka dumeretso sa kwarto.

Naligo ako 'tsaka natulog dahil napagod ang mga mata ko kakabasa ng script. Ang sakit din ng buong katwan ko dahil sa taping.

Nagsing lang ako nang biglang mag-ring ang phone ko.

May tumatawag ba...?

"Why? I'm sleepy..." Antok na sagot ko. Nakapikit pa ako.

"Gaga! Anong sleepy ka d'yan?! Tumayo ka na d'yan. Anong oras na, oh. Birthday ni Glaiza ngayon remember?" Napabalikwas ako dahil sa sinabi ni Cath.

Napatingin agad ako sa alarm clock.

"Oh my god! Nakalimutan ko! It's 8 o'clock in the evening! Papatayin ko na 'to, ah? Maliligo pa 'ko." Nagpa-panic na saad ko.

"It's okay, hintayin ka na lang namin dito sa labas ng kwarto mo. Take your time."

I took a quick shower and got dressed, since malapit na kaming mahuli sa party. Hindi naman siguro magrereklamo ang isang 'yon kahit mahuli kami 'no? I just wore a crop-top white, long sleeve pink and skirt that shades the sleeve I was wearing I also wore black boots that were 2 inches high. I just put foundation and liptint on my face.

"Oy, wow! Ang bongga! Taray, ah! Infairness bagay sa 'yo, girl." Bungad sa 'kin ni Cath.

"Wala namang damit ang hindi bumabagay sa 'kin, sis, kaya 'wag ka ng magtaka," kumindat ako sa kaniya 'tsaka ngumisi.

"E, 'di ikaw na ang gorgeous!" Nicole teased me, natawa na lang ako. "Wala na, olats na kami! Ha-ha!" She added.

"Let's go na," pag-aaya ko.

Sabay-sabay kaming umalis gamit ang sasakyan ko, pero si Nicole ang nag-drive dahil gusto niya. E, di siya na, 'di ba? Sipag ni ate girl ngayon, eh.

Independent Series #1: Trying To Be With YouWhere stories live. Discover now