21

100 17 0
                                    

GAYA NANG SINABI NI DRIX na kaya niyang patunayan na mahal pa rin niya ako hanggang ngayon, ginawa niya talaga. Parati niya akong sinusundo sa unit at inihahatid sa taping, minsan ay hinahatid-sundo niya rin ako sa Company ko. Nagiging madalas na siya sa Company ko dahil lagi siyang nagdadala ng mga iba't-ibang bulaklak at pagkain pag pumupunta. Kilala na rin siya ng mga empleyado ko.

"Hi, Mr. Vallarta! Good morning, Sir!" Lagi siyang binabati ng mga empleyado ko tuwing napaparito siya sa Company ko.

Nagagawa na rin nila akong ireto sa lalaki dahil sa mga bulaklak na ipinapadala nito pag hindi siya nakakapunta.

"Talagang ayos na kayo, ah? Baka naman sa susunod may laman na ang tiyan mo!" Bulong ni Erick dahil sinamahan niya akong bumaba ng building dahil may balak kami ni Drix na kitain si Andrea at Mark para daw mapatunayan niyang wala silang relasyon.

"Shut up! Wala pa kaming relasyon. Kailangan ko munang siguraduhin lahat." Sumimangot ako.

Natawa siya. "Bakit? Hindi ka pa ba kampante na sinabi niya sa 'yong ikaw lang ang mahal niya?" Ngumisi siya pero agad ding sumeryoso. "Don't worry, alam kong mahal na mahal ka ni Drix kaya 'wag kang mangamba." Ngumiti siya sabay tapik sa balikat ko dahil nakalapit na sa amin si Drix para sunduin ako.

"We're leaving," sambit ng lalaki.

"Sure." Sagot ni Erick sabay tapik sa balikat ni Drix. "Uhm, wait." Tawag niya sa amin. "Ingatan mo 'yan, iningatan ko 'yan ng ilang taon." Seryosong saad niya bago kami tinalikuran habang kumakaway ng patalikod.

Tahimik ako sa loob ng sasakyan ni Drix habang nasa biyahe. Minsan ay nag-uusap kami pero tungkol lang sa trabaho dahil patapos na ang bahay na pinapagawa ni Andrea para sa bahay nila ni Mark.

Dahil maraming nakakakilala sa 'kin, sa isang private restaurant kami nagkita-kita. Nagulat pa 'ko nang makita ko si Vinch, nakangiti ako nitong sinalubong. Isa-isa ko silang binati bago umupo. Umalis ang dalawang lalaki para um-order, si Vinch naman ay may kinausap saglit sa phone kaya naiwan kaming dalawa ni Andrea. Hindi naman ako gaanong dinapuan ng kaba dahil naniniwala na akong hindi si Drix ang karelasyon niya. Kanina kasi ay naabutan ko silang naglalandian ni Mark habang hindi nakatingin si Vinch.

"Alam mo, idol na idol kita noon pa! Gandang-ganda ako sa 'yo pati sa mga mino-model mong damit!" Panimula ni Andrea nang hindi ako makapagsalita. Ramdam kong hinihintay niya akong magsalita pero wala akong masabi. "Kaya hindi ako mapaniwala kung bakit ka hiniwalayan ni Drix, eh... nasa 'yo na ang lahat pero nagawa ka pa niyang iwan." Tumawa siya.

"I'm sorry," tanging nasabi ko. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Ngumiti ako. "I apologize because I thought about you so much. Because I really thought that Drix was your boyfriend and that you were going to get married... then, you made me the Architect of your house. I'm really sorry." I gave her an apologetic smile.

Natawa siya. "Ano ka ba, ayos lang 'yon! Kahit naman siguro ako ang nasa posisyon mo, ganon din ang iisipin ko, eh. I understand you." Ngumiti siya. Napangiti rin ako dahil mukhang ayos na ayos lang talaga sa kaniya. Napatingin siya sa pintuan at napangiti. "Did you know? Drix told me that he loves you so much that he is willing to do anything to have you back." Sambit niya sabay tingin ulit sa 'kin. "Sana 'wag niyo nang pakawalan ang isa't-isa. Baka ako na naman ang mahirapan maghanap ng paraan para magtapo lang kayo! May kapalit ang ginawa ko, ah?" Tumawa siya at hinampas ang table.

Bigla akong natawa. "Ano naman 'yon? 'Wag sana pera, wala ako no'n." Natawa rin ako.

Somehow, we felt at ease with each other even though we just talked properly.

"Syempre, hindi!" Tumawa siya, napainom ako ng tubig dahil pakiramdam ko sobrang tuyot na ang lalamunan ko dahil sa haba ng biyahe. "Gusto kong maging Ninang pag nagkaanak kayo!" Bigla akong nasamid sa sinabi niya.

Independent Series #1: Trying To Be With YouWhere stories live. Discover now