11

101 18 0
                                    

"BAKIT TAYO UUWI? Ayaw ko pa'ng umuwi... gusto pa kitang makasama, Tam,"

Nakasimangot ako habang pinagmamasdan ang mga sasakyan na nakakasabay namin. Binuksan ko pa ang bintana para lang makaramdam ng hangin kahit malakas naman ang aircon ng sasakyan niya.

Iniisip ko pa lang na mag-jowa na kami ng lalaking kinaiinisan ko noon kinikilig na 'ko, totoo pala talagang ang enemy to lovers? Natutuwa ako sa naisip niyang Endearment (Tam) kahit hindi ko naman alam ang ibig sabihin. Ayaw niya naman kasing ipaalam sa 'kin! Nakakainis. Hindi lang siya ang nasa relasyon na 'to 'no! Bigla na naman akong kinilig sa naisip; "relasyon" may karelasyon na 'ko after how many years.

Nakita ko siyang ngumuso para pigilan ang ngiti. Kinagat pa niya ang labi niya para mas maiwasan na matuwa sa sinabi ko. May nakakatuwa ba? Gusto ko lang naman talaga siya makasama "as my boyfriend", duh. Bawal ba 'yon? Kung pwede nga lang akong tumira sa Condo niya ginawa ko na, eh. Pero bawal. Baka biglang ma-rade ang Condo niya ng family niya tapos makita kaming... kumakain ng pagkain. Luh, iba na naman naiisip ko. Tama na nga ang pag-iisip.

"Tam, it's time to go home. It's already late in the evening," ngumuso pa siya.

"Okay, fine, ayaw ko naman maging "Clingy girlfriend" 'no." Umirap ako.

Gusto ko pa kasi talaga siya makasama. Feeling ko tuloy siya na ang future husband ko. Kung pwede nga lang akong ang mag-decide, eh. Pero hindi, tadhana ang gumagawa no'n. Tadhana, kung hihilingin ko ba'ng maging future husband 'tong lalaking 'to ibibigay mo? Kung hindi, magiging kabit na lang ako. Charot lang. Ayaw ko naman no'n 'no, ayaw ko'ng manggulo ng pamilya dahil lang sa kabaliwan ko.

Tumahimik na lang ako dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong magsalita. Minsan pa naman 'yong dapat iniisip ko lang nasasabi ko na. Nakakainis.

Mabilis kaming nakarating sa Condo ko dahil walang traffic. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o ano dahil walang traffic. Sana nagdasal pala ako na ma-traffic ng isang oras o higit pa para naman makasama ko pa si Tam.

"Kumain ka muna bago ka umuwi, ah? Magluluto ako since first day natin 'to," ngumisi ako habang naglalakad kami papuntang elevator.

"Whatever you want, Tam." Ngumiti siya. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa pisngi pagkapasok namin sa elevator.

"A-Ano ka b-ba... Baka mamaya may m-makakita,"

Kanina parang ang tapang ko pa, ah? Bakit parang bumaliktad 'ata? Ang bilis naman magbago ng mood ko.

Parang nag-init ang pisngi ko nang ngumisi lang siya. Aba, wala lang ba sa kaniya pag may nakakita sa amin? Ako kabado na dito tapos siya wala lang? Jusko naman, sis. Ganiyang ugali lang yata ang hindi nabago sa kaniya.

Lumabas agad ako nang huminto na sa floor ko. Mabilis naman siyang sumunod. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating sa mismong room ko. Bago ko tuluyan na binuksan ang pintuan tiningnan ko muna siya, naabutan ko siyang may tina-type sa phone pero binaliwala ko 'yon nang tiningnan niya rin ako.

"Anong gusto mo'ng kainin para mailuto ko?" Tanong ko. Umakto pa siyang nag-iisip pero nagkibit-balikat lang.

"Kahit ano. Alam ko naman na masarap 'yon basta ikaw ang nagluto." Ngumiti siya. Pakiramdam ko nangangamatis na naman ang pagmumukha ko dahil sa banat niya. Ano ba 'yan ang rupok ko. Shit!

"Whatever." Sagot ko na lang 'tsaka binuksan ang pintuan.

"HAPPY 18th BIRTHDAY!!!" Napatakip ako sa tainga nang biglang sumalubong sa amin ang malakas na sigaw nila Nicole, Cath, Erick, Lawrence, Kylie, at... ni Thalia.

"Happy Birthday, friend!" Ngiting-ngiting bati ni Cath sabay halik sa pisngi ko, inabutan pa niya 'ko ng regalo.

"Anong nangyayari? Akala ko ba may lakad kayo?" Natatawang tanong ko pero ngumisi lang sa 'kin. Ano'ng maiintindihan ko sa ngisi na 'yan?

Independent Series #1: Trying To Be With YouWhere stories live. Discover now