14

95 17 0
                                    

"IT'S OKAY, TAM. Hindi mo naman alam na Daddy ko 'yon," tumawa ako.

Nandito kami ngayong dalawa sa kwarto ko, nakahiga. Nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya habang siya naman ay paulit-ulit na hinahalikan ang buhok at noo ko.

Hindi naman nagalit si Dad nang malaman niyang boyfriend ko si Cai, kaso nagtampo siya bakit hindi ko daw agad sinabi sa kaniya habang siya ay nasa ibang bansa pa. Kung hindi pa raw siya pupunta dito hindi niya malalaman.

"Na-guilty ako, hindi ko alam na Daddy pala 'yon ng girlfriend ko tapos napagkamalan ko pa'ng magnanakaw o rapist," nag-angat ako ng tingin sa kaniya, nakasimangot siya sa 'kin. Natawa ako kaya kinurot ko siya.

"Ano ka ba?! Okay nga lang, syempre hindi mo naman kilala, duh!" Tumawa ako. Natatawa ako dahil hindi ko makalimutan 'yong lumuhod siya sa harapan ni Dad para lang humingi ng tawad. Mabait naman si Dad kaya napatawad agad siya.

'Yong balak ko sanang magluto ng makakain namin pero pinigilan ako ni Dad at siya na daw. Hindi ko naman maipagkakaila na magaling magluto si Dad. Sa ganoong paraan nga daw siya nagustuhan ni Mommy.

Napatayo kaming dalawa ng may kumatok. "Hija, you have a visitor." Sabi ni Dad.

Nagkatinginan kaming dalawa. Wala naman akong inimbitahan. Hindi kaya si Nicole at Cath? Tumayo ako, inayos ko muna ang sarili bago sabay kaming lumabas ng kwarto. Paglabas namin ay nakita ko agad si Nicole na nasa living room. Mugto ang mga mata. Mabilis akong lumapit sa kaniya para yakapin. Naramdaman kong sumunod din si Cai.

"What happened?" Tanong ko at hinagod ang balikat niya. Umiling lang siya, mukhang ayaw niyang sabihin kaya hinayaan ko siyang umiyak sa balikat ko. Inabutan kami ni Dad ng tubig para ipainom kay Nicole.

Nang mahimasmasan siya at 'tsaka lang siya nakapagsalita.

"Pwede ba ako dito tumira pansamantala? Don't worry, habang nandito ako tutulong ako sa gawaing bahay at maghahanap ng trabaho." Malungkot na sabi niya. Tinitigan ko siya sa mga mata pero nag-iwas siya ng tingin. "I-It's okay kung a-ayaw mo-"

"No. Pwede ka dito. Hindi mo naman kailangan tumulong sa paglilinis, basta ang mahalaga nandito ka at ayos ka lang." I cut her off. Ngumiti siya at niyakap ako.

Matapos namin mag-usap kung paano siya lilipat dito kumain na kami dahil tapos ng magluto si Dad. Pinahiram ko rin ng damit si Nicole para makaligo muna siya bago matulog. Pinauwi ko na rin si Tam dahil gabi na. Si Dad naman ay nilapitan ko paglabas ko ng kwarto ni Nicole.

Marami siyang papers na nakalagay sa maliit na table habang mabilis siyang nagta-type ng kung ano sa laptop at nakaupo sa mat. Nag-angat siya sa 'kin ng tingin nang maglapag ako ng gatas at cookies pero mabilis rin ibinalik ang paningin sa laptop.

"Bakit hindi ka pa matulog, hija?" Tanong niya, napahagikgik ako dahil para siyang nabubulol sa tagalog.

Umupo ako sa tabi niya. Tinitignan ko palang 'yong mga papers umiikot na ang paningin ko. Hindi ko naman kasi pinangarap na maging business woman, eh, kaya wala akong maintindihan.

"I want to watch you, Dad, while working." Ngumisi ako.

"You don't have to do that, anak." Seryosong sabi niya, ngumuso ako para pigilan ang pag-ngiti. The sweetness of the feeling of him calling me 'anak' softens my heart.

"Hmp! But I want to do that!" Ngumuso ako. "Ngayon na nga lang tayo ulit nagkasama pero parang tinataboy mo pa 'ko, Dad." Bulong ko. Sigurado akong hindi niya 'yon naririnig.

"How's your friend? She's upset." Napabaling ako sa kaniya nang magsalita ulit siya.

"You mean si Nicole?" Tanong ko, tumango siya. "Wala naman siyang binabanggit pero ayaw ko siyang pilitin kung ayaw naman niya, basta nandito lang ako sa tabi niya." Ngumuso ako.

Independent Series #1: Trying To Be With YouWhere stories live. Discover now