"NAKAPASA TALAGA AKO?!"
Nandito kami ngayon sa ground floor at nakatingin sa bulletin board kung saan nakalagay ang mga pangalan ng mga nakapasa sa fourth year College. Hindi makapaniwala si Nicole dahil nakapasa siya kahit parati siyang umaalis for some reason.
"Hindi, sis, panaginip mo lang 'yan. Try mong gumising baka fake news!" Nang-asar na naman si Cath.
Kahit ako ay masaya, pero may parte sa 'kin na nalulungkot dahil lilipat ng ibang School si Cai. Hindi ko naman siya pwedeng pigilan dahil lang sa sarili 'kong opinyon, syempre kailangan rin niyang sumunod sa family niya. Para na rin sa pangarap niya.
"Parang bet ko na lang mag-cut lagi para tignan kung papasa pa rin ako." Natatawang sabi ni Nicole. Kahit si Cath ay natawa.
"That's bullshit, Nic!" Sermon agad ni Erick na nakatingin lang sa Bulletin Board.
"Ay! Taray! Sorry naman po, daddy Erick... Hindi na mauulit. Hindi naman 'to mabiro!" Umirap si Nicole.
"Ay! Tama na 'yan! Dapat tayong malungkot ngayon para dito sa lovers natin!" Ngumuso pa si Cath na parang maiiyak na. Ang OA.
"Bakit kasi kailangan mo pa'ng lumipat ng School? Naku, bahala ka, baka maunahan ka ng iba kay Shiene. Ikaw din." Umiiling-iling pa si Nicole na parang disappointed sa decision ni Cai. Tinignan pa niya si Erick na busy pa rin kakatingin sa Bulletin Board.
"Oo nga, Drix! Bakit?" Kumunot ang noo ni Cath.
Ngumiti lang si Cai at nag-iwas ng tingin. Siguro masyadong sensitive topic 'yon kaya nag-presinta akong gumala kami. Napag-usapan din namin na mag-beach since bakasyon naman na. Para na rin malubos ko ang araw na kasama ko pa si Cai. Alam 'kong magkikita pa naman kami pero siguro madalang na lang.
"Anong mga dadalahin mo, Cai?" Tanong ko sa kaniya. Nandito kami ngayon sa SM para mamili ng mga gagamitin sa beach. Bukas na kasi 'yong alis namin.
Bumili ako ng kung ano-anong abubot para hindi ako mangitim. Hello, dagat kaya 'yon! Baka pagkauwi ko kakulay ko na 'yong uling! Bumili rin ako ng Swimsuit since wala naman akong dala noong umuwi ako. 'Tsaka simula noong umuwi ako hindi pa ako nag-outing mag-isa.
"Anything." Simpleng sagot niya. Tumango lang ako at pumunta sa counter. Kukunin ko na sana 'yong wallet ko pero inunahan na 'ko ni Cai!
"Do you want to eat? What do you want?" Tanong niya pagkalabas namin ng Robinson. Grabe talaga 'yong pag-aalala niya sa pagkain ko, eh 'no? Tuwing magkasama kami 'yan lagi ang bukangbibig niya.Parang ako 'yong nahihirapan sa lagay niya dahil ang dami niyang bit-bit. Ang dami ko palang pinamili? E, pano naman kasi nagpumilit siya na siya na ang mag-dala kaya ayan, eh, 'di hinayaan ko. Ginusto niya 'yan, eh. Magdusa siya.
Dumeretso kami sa Condo niya dahil 'yon ang napag-usapan namin kanina. First time kong makapunta sa Condo niya kaya medyo kinakabahan ako. Ano ba 'yan! Kung ano-ano ang mga iniisip ko, nakakainis!
Nasa elevator pa lang kami grabe na ang kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nanlalamig ako! Mas lalo akong kinabahan nang makapasok kami sa loob ng Condo niya. Nilapag niya 'yong mga pinamili namin sa sofa. Pakiramdam ko nanlalamig na ako lalo!
"You sit first. Magbibihis lang ako." Sabi niya at tinuro 'yong bakanteng sofa.
Dalawa ang sofa niya kaya 'yong mga pinamili namin nakalagay sa kabilang sofa. Binigyan pa niya muna ako ng inumin bago pumasok sa isang kwarto para magbihis. Nasisuguro 'kong hindi rin siya comfortable na magkasama kami sa isang Condo. Siguro unang beses pa lang niyang nag-dala ng babae kaya gano'n? Posible. Nakakakilig naman isipin!
"Come on, Mark, I'm busy! Next time n'yo na lang ako ayain!" Seryosong saad ni Cai pagkalabas ng kwarto. Tumingin pa siya sa 'kin, nag-aalala na baka naiinip na 'ko.
YOU ARE READING
Independent Series #1: Trying To Be With You
Romance[Independent Series#1] Selah Shiene Meres, a seventeen-year-old teenager who came from a broken family. All she wanted was to live alone in the Philippines to avoid her step-sisters and step-mother. She did not expect that when she returned home to...