"KILALA MO 'YON, GLAIZA?"
Hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong. Kanina pa ako kating-kati magtanong sa kaniya matapos umalis nila Cai... wait, what? Cai? Bakit ko nga ba siya tinatawag no'n? Hindi kami close kaya Drix na lang. Dahil marami siyang sinasalubong ay hindi ko siya magawang matanong kanina kaya ngayon ko lang siya tinanong.
Umupo siya sa gitna namin ni Nicole. Eleven na pero wala pa rin kaming balak nila Cath umalis dahil gusto pa namin uminom. Kaso ang tagal!
"Uhm, hindi gaano. Namukhaan ko lang siya dahil madalas kong makita ang name niya na nangunguna sa fans mo." Tumawa siya. "Madalas kong i-check ang fans mo, 'di ba?" Humagalpak siya ng tawa kaya kinurot ko ang tagiliran niya.
"Tigilan mo nga ako! Baka naman namamalikmata ka lang! Baka nga basher ko pa 'yon!" Sumimangot ako.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit ko sa babaeng 'yon. Bakit ba ako nagagalit? Wala naman ginagawa 'yung tao sa 'kin. Weird.
"Aysus! Baka naman nagseselos ka na, ha? Tigil-tigilan mo 'yan," natatawang singit ni Nicole.
"Kaya nga, balita ko parating na rin 'yung fiancé mo-ha-ha!" Tumawa ng malakas si Cath kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Hindi ko naman fiancé si Erick. Nang malaman ng family nila Jaycee na namatay si Dad ay umuwi agad sila dito at kasama si Erick, no'ng una ay naguluhan ako pero nang maipaliwanag sa 'kin ni Erick lahat ay naintindihan ko. Nang matapos ang libing ni Dad ay pinagplanuhan agad nila ang pagpapakasal ko kay Erick na tinanggihan rin namin parehas dahil ayaw naman masaktan ang isa't-isa, pero sabay kaming dalawa na bumalik sa US at siya ang naging kasama ko sa mga pinaggagagawa ko hanggang sa sumikat ako bilang model at may sarili nang Company bilang Architect.
All the hardships I did then paid off, I am now a world famous model and renowned Architect. I am also gradually becoming famous as an actress because of the first movie I made six months ago that really became famous.
"Parating na talaga siya, siguro this week." Binaliwala ko ang sinabi niyang 'Fiancé '.
"Zach, Niel! Buti nakapunta kayo!" Napatingin ako sa likuran ko nang magsalita si Glaiza. Tumayo pa ito para makipagkamay sa mga lalaki. "Upo kayo dali!" Natutuwang saad niya.
Nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko, napasinghap ako.
"Hey, crush," binatukan ko si Zach dahil nagawa niya akong asarin samantalang hindi niya binanggit sa 'kin na kasama pala niya si Niel na pupunta. Nahihiya tuloy ako ngayon kay Niel.
"Tigilan mo nga ako," umirap ako.
"Na-miss kita," tumawa siya.
"Ano'ng na-miss ka diyan?! Magkasama lang tayo kahapon sa office, gago!" Singhal ko. Kanang kamay ko si Zach dahil same course lang naman ang kinuha namin. Mabuti na lang ay willing siya.
Magkasama lang kami kahapon tapos may pa-miss na kita pa siyang nalalaman.
Ngumisi siya. "Ganda mo," bulong niya matapos pisilin ang ilong ko. Alam kong namula agad ito dahil tinawanan niya.
"Hoy! Hoy! Inaasar mo na naman si baby Shine ko, ah?" Kinurot ko sa tagiliran si Niel dahil umarang-kada na naman 'yung pagkaisip bata niya. Medyo nawala na rin ang hiya ko.
Ngayon na lang ulit kami nagkita dahil tuwing sinasabi ni Zach na dadalaw daw si Niel sa company namin, bigla akong dinadalaw ng kaba.
Nahihiya ako dahil umalis ako sa Company nila ng walang paalam kahit kakapasok ko pa lang, wala pa nga akong isang linggo nagawa ko nang umalis tapos wala pang resignation letter.
YOU ARE READING
Independent Series #1: Trying To Be With You
Romance[Independent Series#1] Selah Shiene Meres, a seventeen-year-old teenager who came from a broken family. All she wanted was to live alone in the Philippines to avoid her step-sisters and step-mother. She did not expect that when she returned home to...